Chapter 27 - Amethyst Crystal

409 13 0
                                    

Jahzara Brielle Stanley

"A promise."

Umilaw naman ang panglimang path ng magsalita bigla si Kalyx. Pinagmasdan ko naman siya at napansin na wala pa rin siya sa mood. Napansin ko naman si Aisha na nakatingin sa aming dalawa ni Ivan at nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay napa-iwas ito ng tingin.

Nagsimula naman kaming dumaan sa safe path. Lumapit ako kay Aisha kaya naman muntik na akong matawa ng mapansin na nagulat ito.

"He's all yours. I know you already like him." bulong ko sa kanya kaya naman natawa ako ng pumula ang kanyang mukha.

Tumingin naman ito sakin kaya naman binigyan ko siya ng matamis na ngiti na ikinagulat niya at ng ma-realize niya ang ibig kong ipahiwatig ay napangiti ito at yumakap sakin.

"Thank you."

"Tss."

Kumawala naman siya sa pagkakayakap sakin at humawak sa braso ko. Nagsimula na ulit kaming maglakad at nang makalabas kami sa dinadaanan namin ay may limang path nanaman.

"Wala bang katapusan to?!" inis na sigaw naman ni Tyler kaya naman natawa kami dahil napasabunot pa siya sa kanyang buhok.

"If you've got me, you want to share me; if you share me, you haven't kept me. What am I?" pagbabasa ni Dylan sa riddle na nakakunot pa ang noo. "Imposibleng pagkain yan dahil ayokong i-share mga pagkain ko."

"Halata nga e, ikaw pa." natatawang usal ng kanyang kapatid na si Gab.

"Love?" patanong na sagot ni Sab.

"Yes, love?" natawa kami ng sumagot si Cyrus, akala niya ata tinatawag siya ni Sab.

"Wrong. Two more left."

"Hope?" patanong din na sagot ni Ivy.

"Wrong. One more left."

Nag-panic naman sila dahil isa nalang ang chance namin na pwedeng sagutin ang riddle. Hindi pa ba talaga nila alam yung sagot?

"Shit! Shit! Shit!" natatarantang sigaw pa ni Tyler habang ang iba naman ay hindi mapakali.

"A secret." nabaling naman ang tingin nila sakin at nagliwanag ang mga mukha nila nang umilaw ang pangalawang path.

"Woooh! Kinabahan ako ng slight doon." saad ni Alexa at bumuntong hininga kaya naman natawa nalang kami.

Nagsimula naman kaming maglakad at natawa ng matapilok si Calvin. Nang makarating naman kami sa dulo ng dinadaanan namin ay may limang path ulit ang bumungad samin. Wala na bang katapusan to? Nababagot na ako.

"There are 5 sisters in a room: Ann is reading a book. Margaret is cooking, Kate is playing chess, Marie is doing the laundry. What is the fifth sister doing?"

Nang mabasa ni Aisha ang riddle ay kumunot ang noo naming lahat. Logic to ha. Kailangan talaga ng utak kaya hindi pwede sina Dylan dito hahaha.

"Look, last na daw na riddle to." sambit naman ni Cyrus habang nakaturo sa karatula.

"Ano bang pakialam namin sa ginagawa ng kapatid nila." inis na sambit ni Tyler kaya naman natawa kami.

"Eating?" patanong na sagot ni Dylan ngunit mali siya kaya naman may dalawang chance nalang kami. "Sleeping?"

Nang mali ulit ang sinabi ni Dylan ay tinakpan na ni Calvin ang bibig niya. Baka kasi isang banggit niya pa ikakamatay na naming lahat.

"Playing chess with Kate." sabay na saad namin ni Kalyx kaya naman napalingon ako sa kanya at sabay pa talaga kaming lumingon sa isa't isa.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now