Jahzara Brielle Stanley
"Can you tell us your whereabouts between 8:50 am and 9:10 am?" pagtatanong naman sa kanila ni detective ewan. Hindi naman niya nabanggit pangalan niya e.
"Nang mga oras na yan ay nasa classroom na ako. Hindi ko kasi hilig ang malate." naunang sumagot si Vianne matapos niyang makalma ang sarili niya.
"Ako naman ay nasa library. Mahilig kasi akong magbasa kaya naman nalate ako dahil hindi ko namalayan ang oras." kwento naman ni Stacy matapos niya ding makalma ang sarili niya.
"Nasa comfort room siguro ako ng mga oras na yan. Kakagaling ko lang kasi mag-laro ng basketball kaya nag-ayos ako ng aking sarili." litanya naman ni Casper, ang ex-boyfriend ng biktima.
"As you can see, I'm sick. Nilalagnat ako kaya naisipan ko nalang magstay sa dorm ko at hindi na pumasok." napapaos na saad ni Dalton at halatang halata naman sa kanyang nilalagnat siya. But looks can be deceiving right? Possible pa rin na makagawa siya ng krimen.
"Can someone confirm what you said?" pagtatanong muli ng detective at umiling naman ang tatlo sa kanila maliban kay Vianne.
"Nasa loob na ako ng classroom ng mga oras na yon kaya may mga ilang kaklase namin ang nakakita sakin." kwento naman ni Vianne matapos itaas ang isang kamay.
So si Vianne lang ang may matinding alibi? One of them is definitely lying.
"In other words, you don't have an alibi except for Ms. Miller." biglang singit naman ni Kalyx. Kanina ko pa napapansing pinagmamasdan niya ako pero hindi ko pinapansin dahil baka masabihan pa akong assumera ng mga fans niya dito.
"Yeah. He's right. And one of you is the killer." biglang singit din naman ni Ivan. Wow. Anong meron ngayon at nagsasalita ang dalawang kumag na to.
"So sinasabi niyo bang isa sa aming tatlo ang killer?" mahinahong tanong ni Casper sa kanila.
"Yes." deretsong sagot naman ni Inspector Williams (Chief Jones).
"Baka naman si Dalton dahil siya ang stalker niya?" dagdag na tanong ni Casper dahilan para mapakunot ang noo ni Dalton pero pinapanatiling kalmado ang sarili niya.
"Possible but no. Rhianna may be aware of his presence but she doesn't know anything about him. I'm a girl too, I won't let someone I really don't know enter our dorm." komento naman ni Sab kaya naman napatango ang mga babaeng nakikinig sa amin. Yeah, she's right.
"Baka naman si Casper." biglang saad ng lalaki sa isang grupo matapos ang ilang minutong katahimikan.
"Kaya nga. If my conclusions are right, may pagtingin pa rin si Casper kay Rhianna ang kaso ayaw ng makapagbalikan ni Rhianna sa kanya kaya naman nagdilim ang paningin niya at sinaksak ang biktima." mayabang na sambit nung clown na nakapagpatawa lang kay Casper. Sino kasi to? Yeah right. Beatrice, the one and only. Btw, the victim died few minutes later after being stabbed in the chest by the culprit.
"Really? I'm dating someone else now. How come I didn't know that I still love Rhianna? Yes, I love her but as a friend." nakangiting sambit ni Casper at inakbayan si Vianne. "And that someone is her. Masaya pa nga para samin si Rhianna at kinikilig pa talaga saming dalawa." nakangiting dagdag pa niya na nakapagpamula sa pisngi ni Vianne. Napahiya naman si Beatrice dahil ang ilan sa kagrupo niya ay natawa.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...