Jahzara Brielle Stanley
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng dormitory building dahil gusto ko na din magpahinga. Dalawa nga pala ang dormitory building ng mga babae at dalawa din para sa lalaki. Sa 5th floor palang kasi ang magiging dorm ko. 120 rooms ang meron sa kabilang building and 120 rooms din naman sa kabila. 20 rooms per floor dahil hanggang 6th floor lang ang bawat building. Nai-tour ko naman din sarili ko kanina at dahil matalas ang memorya ko e namemorize ko na ang daan. May photographic memory kasi ako wag kayo.
"201."
"202."
"203."
"204."
"Ayon! 205."
Mabilis akong kumatok ng makalapit ako sa pintuan ng dorm namin. Ang tagal naman nilang buksan to, siguro tulog pa dahil 9 am palang ngayon. Umaga na din kasi akong nakarating dito sa academy. May susi naman ako pero baka pagkamalan pa akong nanghihimasok bigla kaya hihintayin ko nalang may magbukas ng pinto. Wait, those auras. Faint lang yung aura na nararamdaman ko sa kanilang dalawa pero alam kong hindi ako nagkakamaling sila yon.
Anong ginagawa nila dito?
Bumukas naman ang pinto at tumambad sa akin ang babaeng may light brown na buhok o blonde kagaya sakin, brown eyes, pointed nose and pinkish lips. Mukhang nagulat naman itong makita ako dahil nakanganga na ngayon ang bibig niya na may mantsa pa ng laway.
"Alexa, sino yan?" rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses mula sa loob.
Naramdaman ko naman na papalapit sa amin yung tumawag sa babaeng nasa harap ko ngayon. Nang makarating ito sa kinaroroonan namin ay nagulat din ito kagaya ng babaeng nasa tabi niya na nagngangalang Alexa. Kung idedescribe ko ang itsura nito ay maputi din siya, pink hair, scarlet eyes, cute yung nose niya dahil ang liit pero hindi naman siya pango at manipis din ang mapupulang labi niya.
"Jaz?!" sabay na gulat nilang sambit ng mahimasmasan sila.
"Oh come on, guys. Alam kong alam niyo na dadating ako."
Tss. Hindi man lang nila sinabing sasamahan pala nila ko dito.
Totoong si lola palang ang nakikita kong etherian, basta mahabang kwento at kilalang kilala ko talaga sila.
"Psh! Syempre kunware gulat kaming makita ka diba para may thrill." walang ka-sense sense na saad ni Alexa.
"Tss. Baka gusto niyo kong papasukin." sarkastikong saad ko kaya naman natawa sila at tumabi para makapasok ako.
Inilibot ko muna ang paningin ko sa loob ng dorm at pakshet ang ganda. Maganda siya pero mas maganda yung bahay namin ni lola. Mukhang hindi ko pagsisisihan ang pag-aaral ko dito kung kasama ko naman pala sila.
"Bakit kayo nandito?" seryosong tanong ko nang makaupo na kami sa sofa.
"Ah eh...kasi wala kami don?" kinakabahang patanong na sagot ni Aisha tsaka tumawa ng peke. Siya yung babaeng may pink hair at scarlet eyes na tinutukoy ko kanina.
Napangisi naman ako sa inasta niya, mukhang hindi pa nababawasan ang kaangasan ko hahaha. Tinignan ko naman si Alexa na ngayon ay hindi mapakali ang pwet niya at iniiwasan ang tingin ko.
"Alexa." may diing tawag ko kaya naman napatingin ito sakin.
"Utos ng m-mama mo na samahan ka namin d-dito." na-uutal niyang sagot kaya naman natawa ako. Akala siguro nila galit ako o kung ano.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...