A/N: Karamihan po pala sa attacks nila or ang kapangyarihang gagamitin ay pokemon moves. Fan kasi ako hihihi.
Jahzara Brielle Stanley
Matapos ang pangyayari sa music room ay bigla kaming pinatawag ni lola kaya naman ngayon ay nandito kami sa loob ng office niya. Seryoso siya ngayon at hindi niya pa sinasabi ang dapat niyang sabihin, marahil dahil hinihintay niya pa si Alexa na wala pa hanggang ngayon.
Bumukas naman ang pinto at tumambad samin ang hinihingal na si Alexa. Tumakbo siguro ito at mukhang naka-idlip kanina bago dumating dito dahil namumungay pa ang kanyang mga mata.
"Sit beside Ms. Stanley." seryosong saad ni lola kaya naman umupo sa tabi ko si Alexa. "Okay, I want Ms. Stanley and my granddaughters to be part of your team, ACES."
"What?!" sabay na gulat naming sigaw.
"Why Head Mistress?" seryosong tanong nung Kalyx daw, yung kapatid ni Felix Cyrus Uriel.
"Dahil lumalakas na ang mga darkanians at kailangan niyo sila sa mga susunod na mission." paliwanag naman ni lola ngunit hindi pa rin satisfied ang mukha nung Kalyx sa sagot ni lola. "Lumusob ang darkanians sa Aquarius Kingdom, walang nasawi pero maraming nasugatan at nasira."
"What?!" gulat ngunit may bahid na galit ang pagtatanong nung Nixie Gabriela Aqua na gustong matawag na Gab.
"You heard it right, that's why I want them to be part of your team, ACES."
"Head Mistress, maiintindihan ko po kung ang dalawa niyong apo ang makakasali samin dahil alam kong kaya nila ang mga susunod na magiging mission namin pero kung pati si Ms. Stanley po ay hindi dahil baka hindi niya ito makayanan lalo pa't transferee lang siya." pangangatwiran naman nung Cyrus at napatango naman ang mga kasamahan niya.
Alam kong nag-aalala lang sila sa pwedeng mangyari sakin and I admire them for that dahil hindi sila nagmamaliit ng kapwa nila kahit pa mga prinsesa at prinsipe sila.
"I don't want to be rude but I don't want to be a part of their team, Head Mistress." seryosong saad ko at kumunot naman ang noo ko ng makarinig akong umismid.
"Really? Maybe, you're just scared." pang-iinsulto sa akin nung Kalyx na naging dahilan para uminit ang ulo ko ngunit pinanatili kong kalmado.
Kakasabi ko nga lang na hindi sila nagmamaliit ng kapwa nila tapos ganyan? Tss.
"No, Mr. Uriel. She's not scared because I know what she's capable of." pagtatanggol naman sa akin ni lola kaya nawala ang ngisi sa mukha nung bwisit na yon.
"Okay. I will allow her to be part of ACES in one condition."
"What is it?" dismayadong tanong ni lola, marahil hindi niya gusto ang sinabi nung Kalyx na yon.
"If she can show me what she's capable of."
Hindi ba nila ako narinig? Sinabi na ngang ayaw kong masali sa grupo nila e. Ayoko kasi ng atensyon at isa pa, mahihirapan akong magawa ng maayos ang mission ko. What mission? Kayo na ang bahalang alamin yon.
"Deal?" biglang tanong sa akin nung bwisit na Kalyx na yon nang mabaling ang tingin niya sakin.
"Tss. Deal." I coldly said and look at them intently. "Anything else?"
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...