Third Person's POV
"Magaling! Hindi mo talaga ako binibigo Thana." galak na usal ng Hari ng mga Infernal Kingdom sa kanyang kanang kamay.
Ang kaninang mga etherian na nabuhayan ng pag-asa ay napalitan ng takot ang kanilang mukha. Dahil lahat sila ay nakagapos na at hindi nila alam kung paano sila makaka-survive sa nangyayari ngayon.
"Kunin niyo na ang spirit stones!" utos ng Reyna sa mga darkanians.
Agad naman lumapit ang apat na darkanians kina Kalyx, Gab, Tyler and Ivy na siyang may hawak ng spirit stones. May kung anong itinapat sila sa dibdib ng mga dalaga at binata. Biglang umilaw ang parte na nasa dibdib nila ngunit wala pa ring nangyayari dahil nagpupumiglas ang mga prinsesa at prinsipe.
"Ayaw nilang ibigay, kamahalan!" sambit ng isang darkanian kaya naman nainis ang Hari.
"Ilabas ang mga bihag!"
Bigla namang may portal na nagpakita sa ere at lumabas ang mga darkanians dala dala ang mga nakagapos na Hari at Reyna ng iba't ibang kingdom.
"Mom!"
"Dad!"
Napasigaw ang mga prinsesa at prinsipe ng makita ang kanilang magulang na nakagapos sa energy sucker chain at ngayon ay hinang hina na.
"Ibibigay niyo o papatayin namin sila?" nakangising tanong ni Hailey kaya naman napaiyak nalang ang mga students pati na din ang mga prinsesa at prinsipe.
"W-Wag niyong i-ibigay!" sabay sabay na saad ng mga Hari at Reyna.
"Tumigil ka!" sigaw ng Hari ng Infernal Kingdom at nagpalabas ng dark ball.
Ibabato niya na sana ito sa mga Hari at Reyna ng iba't ibang kingdom ngunit napatigil din ng magsalita ang isang binata.
"I-Ibibigay na n-namin." utal-utal na sambit ni Tyler kaya naman lalong napalawak ang ngisi ni Hailey pati na din ang kanyang mga magulang.
"Ibibigay din pala, pakipot pa."
Nang makuha ng mga darkanians ang apat na spirit stone ay ipinagsama sama nila ito. Lahat sila ay lumuhod at may kung anong engkantasyon na binanggit.
Lumutang sa ere ang apat na spirit stone at napapikit sila dahil sa liwanag na nakapagpasilaw sa mga mata nila. Nang imulat nila ang mga mata nila ay may isang babae at isang lalaki na nakasuot ng itim. Makikita na ang ganda at gwapo ng mukha nila at para banag sila ay nakatataas.
"Sa wakas! Nakabalik din!" sigaw ng isang babae at sa boses palang ay nakakatakot na.
"Hmm. It's been a while." seryosong saad ng isang lalaki at ngumisi ng nakakaloko.
"S-Sino sila?" tanong ng isang studyante at mahahalata mo sa mukha nito na takot siya.
"N-Nakakatakot sila." sabay sabay na sambit pa ng ilang studyante.
"HAHAHAHA! Magsisisi kayong nabuhay pa kayo sa mundong to!" malademonyong sigaw ng lalaki na lalong nagbigay ng pangamba sa lahat.
"Hades. God of Anger and Greed."
"Lapastangan! Wala kang karapatang tawagin siya sa kanyang pangalan! Isa ka lamang ordinaryong etherian na mamamatay na din ngayon!" galit na saad naman ng babae at lalong nagdilim ang kalangitan.
"Persephone. Goddess of Darkness and Destruction ."
Lalong uminit ang ulo ng lalaki at babae dahil tinawag ni Jaz ang mga pangalan nila. Lahat sila ay nagulat dahil alam niya ang pangalan ng Diyos at Diyosa na nasa harapan nila ngayon.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...