Chapter 42 - Suffer

375 14 2
                                    

Jahzara Brielle Stanley

Matapos naming mag-usap ni Ms. Sanchez ay naisipan ko nalang magteleport papunta sa dorm namin nina Alexa. Kinuha ko yung airpods ko at nagsimulang magpatugtog.

"Jaz!" sigaw ni Alexa at tumakbo papunta sakin para yakapin ako.

Ganon din naman ang ginawa ni Aisha at ngayon ay umiiyak na silang dalawa habang yakap yakap ako. Mahina lang naman kasi yung volume kaya naman naririnig ko pa din sila. Hinimas himas ko ang kanilang buhok na lalong nakapagpaiyak sa kanila.

"Shh. Everything will be fine." pagpapakalma ko sa kanila at ilang minuto pa ang nakalipas bago sila tumigil sa pag-iyak.

Nagulat naman kami ng makarinig kami ng malakas na katok na para bang gusto niya ng sirain ang pinto namin. Nagkatinginan kaming tatlo at bumuntong-hininga.

I guess, I'm ready.

Lumapit kaming tatlo at binuksan naman ni Aisha ang pinto. Bumungad sa amin ang royalties at agad na dumapo ang mga mata ko sa kamay ni Kalyx na naka-akbay kay Hailey.

How come your happiness is my sadness.

Napangiti naman ako ng peke at gustong matawa ng sumunod na tumugtog ang 'Before It Sinks In by Moira Dela Torre'.

"Suspended in the air
I hear myself breathing
Hanging by a thread
My heart is barely beating"

"I haven't fallen yet
But I feel it comin'
Tell me would it be too much to ask
If you break it to me gently"

"HOW DARE YOU!" sigaw ni Gab sakin at sinampal ako.

Nagulat naman ako nung sinabunutan ako ni Ivy at kinaladkad palabas ng dorm namin. Hindi ako makapagsalita at mas lalong hindi ako makapalag dahil paano ko nga ba maililigtas ang sarili ko sa sitwasyong ito kung sa mata ng lahat ay traydor ako.

"Anong ginawa mo sa mama ko ha?!" galit na sigaw nito sakin habang kinakaladkad pa din ako palabas.

Nang matauhan sina Alexa at Aisha ay hinila nila ako palayo kay Ivy. Sinuri nila ako kung nasugatan ba ako o kung ano at nang masigurong okay lang ako ay masama nilang tinignan ang kapwa naming ACES pati na din ang bruhang si Hailey.

"May balak ka pa talagang pumasok dito matapos kong mahuling isa kang darkanian!" sigaw ni Hailey at akmang sasampalin ako ngunit sinangga ito ni Aisha kaya naman hindi natuloy ang pagsampal niya sa maganda kong mukha.

"Hindi siya isang darkanian!" galit na sigaw naman ni Alexa na nakapagpatawa kina Hailey, Gab at Ivy.

"Huling huli na nga at may ebidensiya pa tapos ipagtatanggol niyo pa yan?" natatawa ngunit galit na sambit ni Ivy.

"Kung hindi lang kayo apo ni Head Mistress ay baka maisipan kong kasabwat kayo ng babaeng yan. O baka naman pati si Head Mistress ay traydor kaya wala siya ngayon?" mataray na saad ni Hailey na nakapagpainit sa ulo ko.

Tinignan ko siya ng masama na naging dahilan upang mapalunok siya. Hindi lang ata siya, silang lahat. Kinalma ko naman ang sarili ko noong diniinan ni Aisha ang pagkakahawak sakin.

"B-Bakit hindi man lang maipagtanggol ng babaeng yan ang sarili niya? So, totoo ngang isa siyang traydor?" biglang saad ni Gab na masamang nakatingin sakin.

Hindi naman ako makasagot dahil kapag nilinis ko ang pangalan ko ay malalaman ng totoong traydor na iniligtas ko ang Reyna ng Terra Kingdom. Yes, you read it right. May traydor talaga dito sa loob ng academy.

"See? Cyrus and Sab, report this to Ms. Sanchez now!" sigaw ni Ivy na ikinagulat ko.

Tumingin naman sakin sina Sab at Cyrus ng malungkot at nag-alangan pang sundin si Ivy ngunit ginawa din naman.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now