Chapter 39 - Traitor?

388 16 0
                                    

Hailey Kit Huxley

Dahil sa gulat ko sa sinabi ng babae ay nasagi ko ang kahoy na nasa gilid ko dahilan para maglikha ito ng ingay. Agad na napalingon ang babae sa gawi ko at sa hindi inaasahang pangyayari ay nahulog ang hood ng coat niya.

Hell no. She's a traitor?

Agad na naglaho si Jaz matapos ang pangyayaring yon kaya napaupo ako. How come? Napangisi naman ako sa aking naisip. Mabuti nalang at nai-video ko si Jaz nung time na may nakausap siya sa phone niya. Napicturan ko din siya nung time na kausap niya ang mga darkanians.

If she's really a traitor, bakit niya pinatay ang mga darkanians? Don't tell me may iba pang kalaban ang mga etherians?

Napa-iling iling nalang ako dahil ang main goal ko ngayon ay ipakita ito sa mga royalties. Ilang araw na akong nabubwisit sa babaeng yon dahil sa mga naririnig kong usap-usapan ng mga students dito. Kesyo mas maganda daw siya sakin at mas bagay daw sila ng baby Finn ko.

Masayang naglalakad naman ako papunta sa dorm ng mga ACES. Hindi pa din ako parte ng ACES pero pinayagan akong dito tumira dahil sa tulong ng mga royalties. Nang makarating sako sa loob ng dorm ay nadatnan ko sila sa sala kaya naman sumeryoso ako.

Ivan Alexander Frost

"Guys." napatingin naman kaming lahat sa likuran namin ng marinig na magsalita si Hailey.

I really hate this girl. She's creeping the hell out of me.

"What, Kit?" Kalyx softly asked.

Isa din ang isang to. He's weird this past few days. Kahit naman inlove to e hindi naman siya ganito magsalita o kung ano pa.

"I need to tell you something." seryoso pa ring sambit niya na ikinakunot ng noo namin.

"About what?" nakangiting tanong ni Ivy sa kanya.

Noon pa man alam kong close na sila Hailey, Ivy and Gab pero yung balewalain nila sina Aisha para kay Hailey? Mali yon mga dre. Maling mali.

"About Jaz."

Kumunot lalo ang noo namin dahil sa sinabi niya. Anong meron kay Jaz?

"Spill it." seryosong usal ko kaya naman nabaling ang atensyon nila sakin.

Huminga muna ng malalim si Hailey na nakapagpakaba sa kanila. Ang susunod na mga linyang binitawan niya ang nakapagpainit ng ulo ko.

"She's a traitor."

Nag-igting ang panga ko dahil sa sinabi niya. Agad na nandilim ang paningin ko ngunit pinakalma ko muna ang sarili ko. Hinding hindi ako makakapayag na sabihan ng ganon si Jaz. I know her and I trust her. Heto na ba ang sinasabi ni Jaz na 'Trust me.' kanina?

"What the fuck are you talking about, Hailey? Sorry ha? Kaibigan ko din si Jaz e. Kung gusto mong siraan si Jaz, make sure na mapapaniwala mo kami." inis na usal ni ate Sab.

Tumalikod na ako dahil ayoko ng marinig ang kasinungalingan nung babaeng yon. Napangiti ako sa isiping meron pa rin palang nagtitiwala kay Jaz maliban sakin. Maglalakad na sana ako paalis ngunit tila na-estatwa ako sa kinatatayuan ko nang muli siyang magsalita.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now