Jahzara Brielle Stanley
Naramdaman kong unti-unti lumamig ang balikat ko. Medyo basa na kasi ang damit ko dahil sa mga luha ni Kalyx. Ilang minuto na siyang umiiyak na parang bata sakin.
We may not talk, but I still care.
"Shh. I'm here now."
Matapos kong sabihin yon ay napakalas ito ng pagkakayakap sakin at tinignan ako ng deretso sa mga mata ko. Ang unfair! Ang cute, gwapo and at the same time ay ang hot niya pa rin tignan kahit na umiiyak pa siya.
"How can I say the words, 'I'm sorry' when I know that words are not enough? And how can I ask you to forgive me when I can't even forgive myself?"
Unti-unti naman tumulo ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko na nakayanang kimkimin pa dahil tagos sa puso lahat ng mga sinasabi nila. Niyakap naman niya ulit ako pero ngayon ay mas mahigpit na. Narinig ko naman ang mga kasama kong humahagulgol na din dahil sa halo-halong nararamdaman.
"I-I never meant to h-hurt you, I mean that. I never i-intended to hurt you but it seems like d-destiny intended to make you f-feel that I d-did. I never m-meant to make you d-doubt me."
Ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito si Kalyx. Hindi ko inaasahan na ganito kasakit para sa kanila ang mga ginawa nila sakin noon. Halatang nagsisisi naman sila at alam kong nasaktan din sila, mas nasaktan nga lang ako.
"Hey, stop crying. I believe that things should be let go once they are discussed. Apology accepted."
Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtayo nila at si Kalyx naman ay napakalas sa pagkakayakap sakin at sinuri ang mukha ko para malaman kung nagsasabi ako ng totoo.
"Really?"
"Really."
"Finally!" sigaw nilang lahat at tumakbo papalapit sakin para yakapin ako.
"God! I miss hugging you, Jaz." naka-ngusong sambit ni Sab.
Sa kanilang lahat kasi ay siya ang clingy pagdating sa akin pero pag sa iba ay ang matured niya lagi. Parehas sila ng kapatid niya na sakin pinapakita ang pagiging childish nila.
"You know, you can always hug me even if you have no reason for doing so."
Natatawang saad ko sa kanila pero hindi ko naman akalaing kay Kalyx lang pala ako nakatingin kaya naman napangisi ito ng nakakaloko.
"Always huh?" he teased.
"Tss."
"Pano naman ako
Nahulog na sayo
Binitawan mo lang ba talaga ako"Napatingin naman kami kay Zeke nung magsimula siyang kumanta. Talagang damang dama niya pa ang bawat line na kinakanta niya. Gago talaga.
"Pano naman ako
Naghintay ng matagal sayo
Wala lang ba talaga lahat ng yon sayo
Ano na bang gagawin ko"Matapos niyang kantahin yon ay binatukan naman siya ni Alexa. Natawa pa kami dahil ngumuso lang siya at umirap. Nakita ko naman si Tyler na may malungkot na ngiti. Kaya ba hindi siya maingay ngayon?
Tss.
•
•
Naglalakad ako ngayon papunta sa nadaanan naming restaurant kahapon. Nakita ko kasing naghahire sila ng waitress kahit isang araw lang daw. Anong kinain namin kahapon? Yung niluto ko bago kami umalis sa academy, tinago ko yon sa loob ng phone ko para mainit init pa kapag kinain namin.
Wala akong kasama ngayon dahil per group sila diba? Mas pinili ko nalang mag-isa dahil kaya ko naman. Bahala na sila kung saan sila makakahanap ng trabaho. Marunong naman akong mag-entertain ng mga customers kaya sure akong pwede na to.
After ilang minutes ay nakarating na din ako sa restaurant na nakita ko kahapon. Shit! Ang daming tao mga dre. Pumasok na lang ako sa loob at napansin kong dalawang waiter at isang waitress lang ang meron sila. Pati nga ata yung manager nila e nagseserve din g customer. Lumapit ako doon sa inaakala kong manager dahil gusto ko ng simulang ang trabaho ko.
"Hello. Hiring pa rin po ba kayo? Gusto ko po sanang mag-apply bi--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil hinila ako nitong lalaking to at pinasok sa isang room.
What?
"Okay, you're accepted. I'm manager Kiel Yves Lopez. I don't have time to entertain you now, sorry, but I request you to get your uniform in the fifth locker and dress up. After that, go outside and serve customers. Sorry for the inconvenience, nakita mo namang madaming tao kaya sobrang busy namin. And the salary is 500 pesos per two hours."
Agad naman siyang lumabas matapos niyang sabihin yon kaya nagbihis na ako. Madaling madali lang? May date, may date? Pero himala ha, hindi ko ine-expect na ganito kalaki sahod ko.11 am palang kasi at balak ko sanang 5 pm ako umuwi. So, 1500 pesos ang magiging sahod ko kung hindi ako pumalpak? Wow, iba din.
Lumabas ako matapos kong magbihis at tsaka ngumiti sa mga taong nadadaanan ko. Grabe! Ang ganda kasi ng uniform nila, parang sa mga anime lang kapag waitress. Hindi naman siya showy kaya hindi ako maiilang. May mga napapatingin pa nga sakin pero hinahayaan ko nalang.
Pinuntahan ko agad yung table ng customers na halatang naiinip na sa paghihintay. Nasa 9 sila, family ata dahil complete e. Nang makalapit ako sa kanila ay tinignan nila ako kaya naman ngumiti ako.
"Good morning ma'am, sir. May I take your order please?"
"We would like to have three fried chicken with gravy, two omelet and four spaghetti and burger steak. Drinks would be five coke and four ice tea. Desserts would be three sundae, four halo-halo and two banana split. That's all." sabi ng lalaki na sa palagay ko ay nasa mid-thirties.
Nakaka-intimidate siya kapag nasa harapan mo na. Mukhang mayaman siya at yung boses niya ay ma-awtoridad. Matatakot ka talaga lalo na kapag boss mo siya pero binalewala ko nalang yon at chineck ang inilista kong order nila.
"Okay, your orders would be three fried chicken with gravy, two omelet and four spaghetti and burger steak. Drinks would be five coke and four ice tea. While the desserts are three sundae, four halo-halo and two banana split. Okay, that would be all. I'll be back in ten minutes ma'am, sir. Please excuse me." pag-uulit ko sa order nila at nagpaalam ng nakangiti kaya naman napangiti silang lahat.
Dali dali akong pumunta sa cooking area nila para sabihin sana ang order ng customers na yon pero nakita kong stress na stress na yung dalawang chef nila sa dami ng order. Wala silang taga-gawa ng dessert ngayon kaya ako na ang gumawa ng mga yon. Sakto nga na may extra silang nagawa sa order ng customers na kinausap ko kaya dessert nalang talaga ang problema.
Lahat ng order nila ay ginawa ko in ten minutes. I used my superspeed ability dahil ang sinabi ko sa customers ay after ten minutes babalik na ako. Napatigil nga yung dalawang chef sa ginawa ko pero nginitian ko lang sila. Hindi naman sila mawi-weirduhan dahil para sa kanila normal na bilis lang ng isang tao yon pero skilled person. Kaya naman siguro namangha lang sila sakin dahil kaka-apply ko lang pero ganito na ako kagaling.
Agad naman akong lumabas dala dala ang mga orders nila. Lahat ng orders nila ay dala dala ko, may hawak ako sa magkabilang kamay at may tray tin na nasa ulo ko kaya na-agaw ko ang atensyon ng lahat at namamanghang tinignan ako.
Lumapit ako sa table nung nag-order sakin kanina at dahan dahan kong inilapag sa mesa nila ang mga orders nila at chineck if may naiwan ba ako o wala. At nang mapagtanto kong andito lahat ay doon ako nagsimulang magsalita.
"Have a nice meal, ma'am, sir. I'll be right back." saad ko at ngumiti ng matamis.
Lumapit na din ako sa ibang table na wala pang pagkain at kinuha ko ang mga orders nila.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...