Jahzara Brielle Stanley
"Alexa! Dalian mo na malelate na tayo!" sigaw ni Aisha para marinig siya ni Alexa dahil malelate na nga talaga kami.
Napatingin naman ako sa ilalim ng maramdaman ko ang balahibo ni Caleb sa binti ko. Yumuko muna ako at kinamot kamot ang kanyang baba.
"Ikaw na munang bahala dito Caleb ha? May pagkain naman dyan kapag nagutom ka." pagkakausap ko sa kanya at hinimas himas ang ulo niya.
"Yes, Your Highness."
Narinig kong masiglang sambit niya at iwinagayway ang kanyang buntot. Maaaring cold ako sa tao pero pagdating kay Caleb o sa mga inaalagaan ko ay hindi.
"Oo na, eto na!" narinig kong sigaw din pabalik ni Alexa kay Aisha at nagmamadaling tumakbo papunta samin. Hinimas ko pa muna ulit ang ulo ni Caleb bago tumayo ng tuwid.
Bakit ko nga ba sila hinintay kung pwede naman akong pumasok mag-isa? Oo nga pala, magkakaklase daw kami at hindi ko alam ang classroom namin. Nagsimula naman kaming maglakad at nang makarating kami sa hallway ay halos lahat samin nakatingin, or should I say sakin.
"Sino siya? Bakit kasama niya sina Alexa at Aisha?"
"Wag mong sabihing sa superior class na din siya?"
"Newbie? Weak."
"Ang ganda niya dre."
"Liligawan ko yan pre."
"Akala mo naman may pag-asa ka dyan."
"Tsk! Sipsip."
"Mas maganda pa ako dyan."
Narinig kong bulung-bulungan nila na ewan ko lang if bulong pa ba dahil rinig na rinig naman namin. Kilala pala sina Alexa at Aisha dito?
"Alexa, Aisha."
Pagtawag ko sa kanila using telepathy or mind link. Napatingin naman silang dalawa sakin bago sumagot.
"Bakit? Kung nagtataka ka kung bakit kilala kami dito ay dahil apo kami ni Head Mistress, remember?"
Sagot naman sa akin ni Aisha sa aking utak kaya naman napatango nalang ako. Kilalang kilala na talaga nila akong dalawa. Biruin mo yon hindi pa nga ako nagtatanong sinagot na agad.
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami makarating sa classroom namin. Mabuti nga na iniligay din ako ni lola kung nasaan sina Alexa. Kaya love na love ko siya kahit hindi ko sabihin alam kong nararamdam niya yon. Ngunit kamalas malasang andito yung babaeng mukhang clown sa kapal ng make up na nakabanggaan ko kahapon. Sino nga kasi ulit to? Bethany? Bella? Be -- Aha! Beatrice nga pala. Hindi naman kasi siya importante sa buhay ko kaya nakalimutan ko agad.
Pagkaupo na pagkaupo namin ay saktong dumating ang professor namin. "Good morning class!" bungad niya at inilibot ang tingin sa buong room. Napatigil naman ang tingin nito sa akin, "We have a new face here, who are you?" nakangiting tanong niya.
"Jahzara Brielle Stanley." maikling sagot ko ng hindi man lang tumatayo.
"Okay, I'm Henry Anderson, you can call me Prof. Henry or sir Henry. I will be your professor in history." pagpapakilala niya sa kanyang sarili matapos ayusin ang kanyang mga gamit sa lamesa. "Btw, what is your power or ability, Ms. Stanley?"
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Разное"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...