1 year later
Elsa Xaviera Frost
Ngayon na ang araw na kokoronahan na bilang Hari ang aking kapatid na si Ivan at ngayon na din kokoronahan bilang Reyna si Aisha. Yes, nabuhay si Aisha dahil sa pagsasakripisyo ni Jaz at ngayon din ang kasal nila kaya makokoronahan din si Aisha. Biruin niyo, sila pa unang ikinasal saming lahat. Speaking of Jaz, miss na miss ko na siya, namin. Iyon ang araw na huli namin siyang nakita, wala kaming balita kung buhay pa ba siya o ano at noong nawala siya ay hindi na ulit katulad ng dati ang academy. Yes, everything is okay now but the happiness was not there anymore.
Nasa academy ako ngayon at naalala kong madadaanan ko ang statue na ginawa namin para kay Jaz. Its been a year simula noong nawala siya, noong namatay siya. Dahil sa ginawa niyang pagsasakripisyo ay nawala na ang kasamaan, marahil nasa Mortal Realm na sila. Sariwa pa rin sa isipan namin ang mga nangyari at kung paano niya kami iligtas. I still can't believe that she's a Goddess, a Highest Goddess!
Matapos mangyari ang lahat ng yon ay bumalik na sa Deity Realm ang mga Gods and Goddesses. Pati na din sina God King Zeus and Goddess Queen Hera, ang dad and mom ni Jaz. Hindi na ulit namin sila nakita at hindi na din kami nagkaroon ng balita sa kanila. Kahit sina Alexa, Aisha and Zeke ay wala man lang sinasabi sa amin. Kapag nagtatanong naman kami ay iibahin nila ang topic kaya naman naghihinala na din ako.
"Tara na Sab!" napatingin ako kay Alexa na ngayon ay hawak hawak na niya ang braso ko.
Si Alexa na kasi ang bagong Head Mistress sa academy dahil siya din naman ang totoong apo ni Head Mistress Thalia. 1 year lang kasi kaming nag-aral sa academy dahil na-reach na namin ang highest level ng power namin. And yes, nalaman namin na kanang kamay pala ni Jaz si Alexa habang si Aisha naman ay ang pinaka-guardian niya. Nabuhay kasi si Aisha simula noong nabuhay si Jaz at mamamatay lang siya kapag namatay na si Jaz. Kaya nga hanggang ngayon nagtataka kami kung bakit buhay pa din si Aisha pero ipinagpasalamat na lang namin yon.
Naalala ko tuloy yung araw na tinanong namin kung nasaan ang magulang niya. Kaya pala sinabi niyang nasa taas dahil ang magulang niya ay isang God and Goddess at hindi lang basta basta dahil sila ang King and Queend ng mga Gods and Goddesses. Akala kasi namin patay na, nakakahiya tuloy yon.
Si Zeke naman ay isang God din dahil nga pinsan siya ni Jaz diba? Engage na kami ni Cyrus at next year pa ang kasal namin. Sina Dylan and Ivy pati na sina Calvin and Gab ay in a relationship na. Sina Alexa and Tyler naman ay engage na din, akalain niyo yon, natiis nila ang isa't isa. Si Zeke naman ay nililigawan palang si Kelsheiy. Habang si Superior naman ayon, single pa din dahil naniniwala siya at nararamdaman niyang buhay pa si Jaz.
Sana nga.
"Sab? Bakit natulala ka dyan?" takang tanong ni Alexa sa akin kaya naman nabalik ako sa reyalidad.
"Ah wala, may naisip lang." saad ko at ngumiti kaya naman tumango nalang ito.
Nagbigay muna kami ng galang sa statue ni Jaz bilang isang Goddess Princess Astrid. Nakagawian na namin yon at ang ibang students ay ganon din ang ginagawa nila.
"Excited na ako sa kasal nila Aisha!" kinikilig na sambit ni Alexa kaya naman natawa ako.
"Excited na din naman ako pero feeling ko may mangyayari ngayon." seryosong saad ko kaya naman napalingon ito sa akin.
Kanina pa kasi ako kinakabahan kahit hindi naman ako yung ikakasal. Para kasing may mangyayari at hindi ko alam kung masama ba ito pero para kasing excited pa akong mangyari yon e.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...