Chapter 49 - Mission?

413 16 0
                                    

Ivy Aurelia Ertha

"Why did you call us?" seryosong tanong ni Superior kay Head Mistress ng makaupo kami sa sofa.

"You have a mission."

Nagkatinginan naman kaming lahat at naiilang na napa-iwas ako ng tingin ng magtama ang paningin ko kay Jaz na nakatingin na din pala sakin.

"What mission?" seryosong tanong naman ni Jaz at bumalik na sa dati ang boses niya.

Boses na ang lamig lamig. Para bang walang pake sa mga taong nasa paligid niya at para bang walang pakiramdam.

"May na-sense kaming isang etherian na nakatira sa Mortal Realm. Hindi namin alam kung paano siya napunta doon at hindi namin alam kung sino siya at ano ang kapangyarihan niya. Aalis na kayo mamayang 1 pm at 3 days lang ang ibibigay kong oras para matapos niyo ang mission na to. Umuwi agad kayo kung sakaling hindi success ang mission niyo."

What? Mamaya na agad ang alis namin? Kung maghahanap lang naman pala kami ng isang etherian, bakit ang dami naman namin para sa ganitong mission? Dahil ba lahat ng member ng ACES ay sabay sabay na gumagawa ng mission? Kung ganon, pwede namang sa Superior students niya ibigay ang mission na to kung hindi naman delikado diba?

"How sure are you na may isang etherian doon?" seryosong tanon ni Jaz kaya naman mataman naming tinignan si Head Mistress.

"101% sure."

"Really? Ganoon ba ka-delikado ang mission para lahat ng kabilang sa ACES ang gumawa nito?"

Parehas din pala kami ng iniisip ni Jaz noh? Ganoon talaga kapag maganda. Walang connect? I-connect niyo, ipilit natin.

"Ang ACES ay one for all, all for one kaya kayong lahat ang gagawa nito."

"Bakit hindi niyo nalang pinagawa sa Superior or Intermediate student kung ganoon?"

See? Parehas kami mag-isip ni Jaz.

Palipat-lipat ang tingin namin kina Jaz and Head Mistress dahil parang nadedebate sila. Bilib nga ako kay Jaz dahil kaya niyang makipagsagutan kay Head Mistress. Strict kasi si Head Mistress, hindi lang halata pero strict siya lalo na pagdating sa mga mission.

"Sabihin mo nalang kung ayaw mo. Iiwan ka nila dito." seryosong saad ni Head Mistress kaya naman napa-iwas ako ng tingin dahil hindi ko matagalan na tignan ang mga ganong titig niya.

Para kasing kakainin ka ng buhay. Hindi ko alam kung anong problema ni Jaz, okay naman yung mission e. O baka ayaw niya lang kaming makasama? Napabuntong-hininga naman ako sa aking naisip.

"Paano kung sabihin kong oo?"

Napalingon naman kami kay Jaz ng sabihin niya yon. So, ayaw niya talaga kaming makasama? Nakakaiyak mang isipin pero naiintindihan ko dahil baka kailangan niya ng space sa ngayon.

"Sumama ka na." pagpilit sa kanya ni Head Mistress pero umiling lang si Jaz.

"No, old hag."

Agad naman kaming napa-atras dahil noong sinabihan ni Superior si Head Mistress ng ganon ay binigyan niya kami ng tuloy tuloy na mission at wala talagang pahinga. Pati ang aura niya non that time ay nakakatakot dahil parang hihinga ka lang ay mamamatay ka na.

Nagulat naman kami ng biglang natawa si Head Mistress. What? Ganon nalang yon? Unfair! Buti hindi siya nagalit kay Jaz? Woooh! Kinabahan ako doon ha.

"Come on, Jaz. Sumama ka na or else." nagbabantang sambit ni lola pero nang tignan ko ang reaction ni Jaz ay wala pa ring nagbago.

"Or else what?"

"Kukunin ko ang black card mo."

"Go."

Pigil-hiningang pinapanood lang namin silang magsagutan dahil baka madamay pa kami kung sakaling may magsalita samin.

"I will expel you right in this moment."

"Go-... What?!"

Natawa naman si Head Mistress sa naging reaction ni Jaz. Kahit naman kami ay muntik ng matawa, pinipigilan lang namin.

"So, sasama ka na?" saad ni Head Mistress at ngumisi ng nakakaloko.

"Tss. Do I look like I have a choice?"

Natawa naman kaming lahat dahil para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ngunit natahimik din nang tignan niya kami ng masama. Matapos ng pangyayaring yon ay nagbilin pa si Head Mistress bago kami umalis sa office niya at nag-ayos na ng gamit.

Nasa labas kami ng academy ngayon at kasama namin si Head Mistress. Hindi ko alam kung bakit siya nandito at binalewala ko nalang yon dahil baka may ibibilin pa siya. Gumawa na ng portal si Jaz kaya naman isa isa kaming pumasok at si Jaz ang huling pumasok sa portal.

Nasa bansa kami ngayon, Pilipinas ang pangalan nito. Binigyan kami ni Head Mistress ng pera na ginagamit ng mga taga-dito ngunit 15k lang ito. Hindi namin alam kung paano pagkakasyahin ang pera dahil maghohotel pa daw kami at paano pa ang pagkain namin diba.

Pagkalabas na pagkalabas namin sa portal ay tumambad samin ang mga nagtataasang puno. Sa gubat nga pala ang pinag-usapan naming place kung saan kami lalabas sa portal para walang makakita samin.

"Where are we?" biglang tanong ni Alexa kaya nabaling ang tingin namin sa kanya.

"Wow! English yon ha! Obviously, nasa gubat tayo." pamimilosopo nung Zeke guy kay Alexa kaya naman natawa kami ng mahina.

Masyado pa kaming distant sa isa't isa kaya hindi namin alam if pwede ba kaming matawa sa mga jokes nila or kausapin sila dahil nga sa mga nangyari. Mas pinili nalang naming manahimik at matawa or mapangiti ng palihim.

"Ang sinabi ko 'where' hindi 'what' okay? Alam kong nasa gubat tayo loko ka!" saad ni Alexa at binatukan si Zeke kaya naman napa-nguso nalang ang binata.

Nakita ko naman si Tyler na napangiti ng palihim. They used to be like that. Siya dapat ang nasa pwesto ni Zeke. Anong nangyari samin?

"Ang lugar na to ay malapit lang sa park."

Si Jaz na ang sumagot sa tanong ni Alexa kaya naman napatango nalang kami dahil yon din ang tanong namin. Ilang minuto pa ang lumipas ay tanaw na namin ang labasan ng forest na to. Tatakbo na sana kami ngunit napatigil din ng magsalita ulit si Jaz.

"Can you change your hair color?" nagtataka naman namin siyang tinignan. "Alexa, Ivy, Dylan, Gab, Elsa, Ivan, Aisha, Cyrus and Kalyx."

Hindi ko alam pero sa simpleng pagkausap lang samin ni Jaz ay masaya na ako. Ramdam ko ding masaya sila at determinadong makuha ulit ang tiwala ni Jaz.

"Why?" Superior seriously asked.

"You will creep them out. Your hair is weird here in the Mortal Realm." Jaz coldly said and walked away.

Sumunod naman agad sa kanya sina Alexa, Aisha and Zeke. Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay na bumuntong-hininga.

"Maybe we need to accept the fact that things will never be the same again." malungkot na saad ni Sab kaya naman niyakap ko siya. "I miss her calling me Sab."

Si Jaz nga pala ang nag-nickname sa kanya ng Sab. Bakit Elsa na ngayon? Alam kong maraming nagbago pero hahayaan nalang ba namin na matapos sa ganon ang pagkakaibigan namin?

"No. Stop that. Don't lose hope, I know someday she will come back. The Jaz we used to know will come back and love us unconditionally." seryosong saad ni Superior kaya naman nabuhayan kami ng loob.

He's right. Wait for us, Jaz. We will get you out from that massive wall you built in your heart.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now