Jahzara Brielle Stanley
Umupo na kami sa gitna or should I say sa harap ng mga royalties dahil doon nalang ang bakanteng upuan. Sa dulo ng row ako umupo para maganda yung view. Katabi ko sa kanan si Aisha, sa likod ko naman si Zeke at sa harap ko naman si Kelshey na katabi si Beatrice. Nararamdaman ko pa nga na may nakatitig sakin ngunit hindi ko nalang pinansin. Manigas siya dyan.
"Hi Jaz! I'm glad you're back." nakangiting sambit ni Kelsheiy kaya naman napalingon ako sa kanya.
Nginitian ko siya na ikinagulat nilang dalawa. Nakatingin din pala samin si Beatrice. Hindi naman ako magiging cold sa lahat lalo na sa mga kaklase kong walang ibang ginawa kung hindi maniwala sakin at ipagtanggol ako sa iba.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
"Okay class, you may take your lunch." saad ni sir Dashiell, siya yung professor namin sa alchemy.
"Let's go guys! Gutom na ako." naka-ngusong sambit ni Zeke at inakbayan ako kaya naman nilagay ko nalang ang kamay ko sa bewang niya.
Ano na naman bang trip nito?
"Ahm. Jaz? Pwedeng sumama kami sa inyo?" nahihiyang tanong ni Beatrice kaya naman muntik na akong matawa.
"Sure, why not?" si Zeke na ang sumagot dahil pakialamero ang lalaking to.
"Thanks!" sabay sabay na sambit nilang apat.
Naglakad kami papunta sa cafeteria kasama sina Kelsheiy, Beatrice, Letizia and Maria. Nakita ko pa nga ang pasimpleng tingin ni Zeke kay Kelsheiy e. Humiwalay nalang ako sa lokong to at hinatak ang limang babaeng kasama ko para mauna kami. Nakita ko pang nag-thumbs up si Zeke sakin pero hindi ko nalang pinansin.
"Catch us if you can!" saad ko matapos hatakin si Aisha at tumakbo ng mabilis.
"Ang maiiwan ay manlilibre!" sigaw ni Aisha kaya naman natawa ako noong tumakbo na din sila.
Nang makarating kami sa cafeteria ay napatigil kami ng samin nakatingin ang lahat. Kaya naman nabunggo kami nina Alexa.
"Ouch!" sabay sabay na daing namin at natawa nalang dahil para kaming mga bata.
Dumating din naman sina Zeke at Kelsheiy kaya napangisi kaming anim. Hinatak namin silang dalawa papunta sa cashier at sinabi ang mga order namin.
"Sila pong dalawa ang magbabayad." natatawang saad pa ni Aisha kaya naman natatawang tumango nalang ang tindera.
Naghanap naman kami ng table na sakto saming walo at sa kamalas malasan ay malapit ito sa table ng mga royalties. Ilang minuto ang nakalipas at dumating na sina Zeke dala dala ang order namin.
"Sarap!" masiglang saad ni Alexa matapos niyang lunukin ang kinain niya.
"Ganyan talaga pag libre." pilyong saad ni Zeke kaya naman natawa kami sa kanya.
Itinuon ko naman ang atensyon ko sa pagkain ko at seryosong kumain. Naramdaman ko kasi ang mga tingin nila kaya naman medyo nakakailang. Matapos kaming kumain ay dumeretso ako sa garden dahil namiss ko ang view doon. Sila naman ay dumeretso na sa classroom dahil ang sabi ko ay gusto kong mapag-isa.
Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman kong may paparating. Napapikit ako ng mariin at bumuntong-hininga dahil alam ko kung sino ito.
"Jaz."
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...