Jahzara Brielle Stanley
Ilang minuto ang nakalipas bago dumating ang mga royalties. Ang tagal naman nilang magpalit ng hair color? Buti nalang halos parehas lang ang pananamit namin sa mga mortal na tao. Buti nalang din nakaimbento ako ng phone keeper dahil ang weird kung may dala kaming maleta tapos galing kami sa loob ng forest diba?
"Sino ang na-assign na magdala ng pera?" seryosong tanong ko kaya naman nagtaka ako ng magtinginan silang lahat.
"Ikaw." sabay sabay nilang saad habang nakaturo pa sakin.
"Ay ako ba? My bad."
Natawa naman sila sa sinabi ko pero hindi ko nalang sila pinansin dahil kapag sinungitan ko pa sila ay babalik ang tension sa paligid namin.
"You asked that intentionally, don't you?"
Napatingin naman ako kay Zeke ng akbayan niya ako at bumulong. Tumango nalang ako bilang sagot at inilagay ang kamay ko sa kanyang bewang.
"For now, let's find a place to stay in." saad ko at naglakad kasama si Zeke.
Naramdaman ko namang sumunod sila at may isang taong matalim na nakatitig samin. Hay. Patuloy pa rin kami sa paglalakad at naghahanap ng malapit na cheap hotel. Hindi dapat mamahalin at baka mauubos ang pera namin ngayong araw.
"Bakit kasi ang kuripot ni lola?"
Narinig ko namang natawa sina Zeke, Alexa at Aisha kaya napalingon ako sa kanila.
"What?" takang tanong naman ng mga royalties.
"Nothing."
Fuck. Did I say that out loud?
Nang makarating na kami sa napili kong hotel na na-search ko sa google ay bumungad samin ang hindi gaanong malaking hotel. Nasa limang palapag lang ito pero kapag pumasok ka ay maganda naman sa loob. Agad kaming dumeretso sa reception at alam kong walang.magsasalita sa kanila dahil ako daw ang may alam sa mga ganito. Nalaman ko lang naman ito sa tulong ng kaibigan kong si google.
"Good afternoon, ma'am. Do you have reservation here?" nakangiting tanong ng receptionist.
"No. But we would like to stay here for the next three days."
"All of you?" tanong ng receptionist kaya napatango ako. "Room for 13 persons will cost 15k for three days. Sama sama po kayo sa iisang kwarto pero tatlong master bedroom na yon at apat na double-deck bed. Kayo na po ang bahala sa foods niyo pero may refrigerator, air conditioner and television. May mini-kitchen na din po ang room niyo." mahabang paliwanag ng receptionist kaya naman napangiti ako.
Alam kong lahat ng pera namin ay mapupunta lang dito pero worth it naman. Ang mura na nga ng hotel na to, buti nalang talaga saktong 15k ang pinapabayad. So, kailangan naming magtrabaho para makakain dito? Hay.
"Okay. We will take that room you're talking about."
Napangiti naman ang receptionist dahil sa sinabi ko. Naramdaman ko pang kinakalabit ako nina Alexa pero hinayaan ko nalang dahil baka kung ano pa ang sabihin niya.
"I received 15,000 pesos, change will be none. Your room number will be room 14, 3rd floor. Here's the key, ma'am, sir. Thank you and have a nice day!" sabi ng receptionist sabay ngiti ng abot hanggang tenga.
Siguro nagustuhan niya ang flow ng pag-uusap namin. Usually kasi diba may hindi pa nagkakasundo o kaya naman magtatanong pero hindi naman tutuloy.
Kinuha ko na ang key na inaabot ng receptionist at naglakad sa hagdan. Wala kasi akong makitang elevator kaya naglakad nalang ako sa hagdan at alam kong sumusunod naman sila sakin.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...