Chapter 22 - Flamma and Thor Kingdom

453 15 3
                                    

Jahzara Brielle Stanley

Sumakay na sila sa pegasus na pinili nila ngunit ako naman ay wala pang napipili.

Bigla namang lumapit sa akin ang isang pegasus unicorn na kakaiba sa kanilang lahat. Tinitigan ako nito kaya naman ang ginawa ko ay nakipagtitigan din sa kanya.

"Hello, Jaz."

Rinig kong sambit ng familiar na boses sa aking utak. Wait, is that her?

"Azalea, it's been a long time." masayang saad ko sa utak niya. Ayoko kasing marinig nila ang usapan namin.

"Wow." narinig kong usal nila habang nakatitig samin.

"Ilang beses na kasi kaming pumunta dito at tanging siya lang ang ayaw magsakay samin. Naiintindihan naman namin dahil siya ang reyna ng mga mythical creatures." biglang saad naman ni Ivy at kapansin-pansin ang namamanghang tinig niya.

"But look, gusto ka niyang sumakay sa kanya." namamanghang saad sakin ni Dylan at tumango tango naman sila bilang pagsang-ayon.

"I'm lucky then." nakangiting saad ko kaya naman napangiti sila maliban kay Ivan at Kalyx na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sakin.

Sumakay naman ako kay Azalea kaya naman nagsimula na siyang lumipad. Lumipad na din ang mga pegasus nila at kami ni Azalea ang nangunguna.

"How are you, Jaz?" biglang tanong ni Azalea ng nasa ere na kami at patuloy pa rin siyang lumilipad.

"I'm fine, I guess." sagot ko sa kanya at napangiti ng mapait.

"You guess?" pagtatanong niya ulit. Oo nga pala. Alam niya nga pala ang iniisip at nararamdaman ko dahil konektado kami sa isa't isa.

"Tss. You know me, don't you?"

Hindi naman ito ka-agad nakasagot kaya naman alam kong kilala niya nga talaga ako.

"Yes, Your Highness." biglang sagot nito kaya naman natawa ako ng mahina. "So, how are you?"

"As I've said, I'm fine, I just miss them."
sagot ko kay Azalea at naramdaman ko namang tumulo ang luha kong kanina pa pala nagbabadyang lumabas.

"Are you okay?" biglang tanong ni Aisha na ngayon ay nasa tabi ko na pala.

"Yeah. Napuwing lang." maikling saad ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Tsk. I know you." bulong niya na narinig ko naman. You know me huh.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil ayoko ng humaba ang usapan namin. Halos 2 weeks palang naman ako dito diba? Pero unti-unting napapalapit ang loob ko sa kanila.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa gate ng Flamma and Thor Kingdom. Bumaba na ako kay Azalea at ganon din naman ang ginawa ng mga kasama ko sa pegasus na sinakyan nila.

"Thanks." pagpapasalamat ko kay Azalea ng makababa ako.

"My pleasure, Your Highness." magalang na sambit niya at yumuko sa harap ko. Lumipad na siya paalis at sumunod naman sa kanya ang iba pang pegasus na nandito.

Nang makapasok kami sa loob ay yumuko ang mga nagbabantay ng gate sa amin. Or should I say sa mga prinsesa at prinsipe. Naglakad naman kami papunta sa palasyo at sumalubong sa amin ang King and Queen. Niyakap nila si Kalyx and Cyrus at niyayang pumasok na kami kaya sinunod naman namin.

Lumabas naman si Caleb mula sa shadow ko. Kaya niya kasing magtago sa shadow ko at lumabas anytime na gustuhin niya. Ang cool niya diba?

"Hi Caleb!" bati ko sa aso ko at hinimas himas ang mabalahibo niyang katawan na naging dahilan para iwagayway ang kanyang buntot.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now