Third Person's POV
Matapos mapugutan ng ulo ang hari ng mga demonyo ay napatingin silang lahat kung saan nakatayo ang Demon King kanina. Nagulat silang lahat ng makitang si Jaz nag nandoon at siya ang pumatay sa hari ng mga demonyo.
"Hear me, demons. Your King is already dead. I will let you decide. Will you submit or will you die?" malamig na sambit ni Jaz habang matalim na nakatitig sa limang commander na natitira dito.
"W-Who are y-you?"
"You will die if I tell you."
Nangilabot naman ang lahat ng nakarinig sa sinabi ni Jaz. Kahit na ang kanilang Superior o si Ivan ay nangilabot din. Nagulat naman ang kasali sa mga ACES, as in silang lahat lalong lalo na si Jaz dahil hindi niya ineexpect na luluhod ang limang commander ng Demon King sa harapan niya.
"We shall pledge are loyalty to you." sabay sabay na saad ng limang commander.
"You guys could have just escaped." bulong ni Jaz kaya naman walang nakarinig sa kanya.
"Excuse me. Did we just win?" parang tangang tanong ni Tyler kaya naman binatukan siya ni Alexa.
"Seems like it." natatawang pahayag ni Cyrus.
Kinuha naman ni Jaz ang Amethyst Crystal at binulsa ito. Binaling niya naman ang tingin niya sa lima.
"Can you change your face or form?" tanong nito dahil kung isasama niya ang lima sa academy ay matatakot ang lahat sa kanila.
Binago naman ng limang demon commander ang kanilang anyo at nagmukhang etherian o tao. Matapos nito ay sumunod ang lima kay Jaz nang maglakad ito papalapit sa mga kasama niya.
Nagulat naman sila ng tumakbo bigla ang kanilang Superior papunta kay Jaz at niyakap ito ng mahigpit na para bang ayaw niya na itong mawala pa.
"I thought I lost you." malungkot na sambit ng binatang nagngangalang Kalyx.
Hindi naman makagalaw ang dalaga dahil gulat na gulat pa rin ito hanggang ngayon.
"W-What--" hindi na natuloy ni Jaz ang kanyang sasabihin nang magsalita ang binata.
"Please let me. Three minutes more."
Tumahimik naman ang ACES pati na din ang limang demon at hinayaan nalang ang binata sa gusto niyang gawin.
"Kung pwede niyo naman palang gawin yan, bakit mas pinipili niyo yung nakakatakot niyong mukha?" takang tanong ni Dylan kaya naman natawa ang mga demons.
"Walang basagan ng trip. Para may thrill kapag may nakakakita samin." saad ng isang gwapong lalaki na hindi mo mapagkakamalang demon pala. Natawa naman ang mga ACES sa sinabi nito.
"Btw, what's your name?" biglang tanong ni Sab kaya naman napatingin sa kanya ang lima.
"We demons do not normally have names."
Napa-nganga naman sila sa sinagot ng isang demon at ng mapansing hindi sila nagbibiro ay tumikhim silang lahat.
"I see. It'll be more convenient to have one, so I'll give everyone a name, all right?"
Nagulat naman ang lima sa sinabi ng kanilang bagong master na si Jaz kaya naman nagtaka ang dalaga sa kanilang reaction.
"But naming demons use up a certain amount of mana or magicules, Your Highness."
Natawa naman ang mga kaibigan ni Jaz dahil sa tinawag ng isang demon sa kanya kaya naman napanguso si Jaz. Kumislap naman ang mga mata nila dahil sa ka-cutan ng dalaga ngunit nanataling tahimik.
"It's okay, I can handle it. I'll name you Drake, Rio, Thea, Fei and Raiden." matapos sabihin yon ni Jaz ay unti-unti itong nanghina at nahimatay.
Nataranta naman ang lahat, mabuti nalang nakayakap pa rin ang kanilang Superior sa dalaga kaya hindi ito natumba. Hindi nila alam na hindi lang sila basta bastang demon dahil isa silang archdemons kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit nahimatay si Jaz. Si Drake ay isang Fire Archdemon, si Rio ay isang Water Archdemon, si Thea ay isang Earth Archdemon, si Fei ay isang Air Archdemon habang si Raiden naman ay Electric Archdemon.
"That's why you're worried because this is going to happen." biglang sambit ni Sab na ikinatango nila.
"But still, hindi namin ineexpect na makakaya niya kaming pangalanan." sambit ng dalagang nagngangalan na ngayong Raiden.
"Why?"
"We're archdemons after all. Usually, mauubos ang magicules ng kung sinong magpapangalan sa isang archdemon but look, kaming lahat nagawa niyang bigyan ng pangalan." manghang saad naman ng binatang nagngangalan na ngayong Drake.
"Pwede kasi siyang mamatay kapag nagpangalan ng isang archdemon dahil nga mauubos agad ang magicules mo pero siya nahimatay lang." pagpapaliwanag naman ng binatang nagngangalan na ngayong Rio.
Nagtaka naman ang mga ACES dahil isa lang ang ibig sabihin non. Maraming magicules si Jaz at hindi nila alam kung bakit o kung paano nangyari yon. Habang si Ivy naman ay lumalakas ang kutob niyang totoo ang hinala niya kay Jaz.
Lumabas naman ng ligtas ang mga ACES kasama ang limang archdemons
sa Hell Cave. Si Jaz naman ay buhat buhat ng kanilang Superior dahil natutulog pa rin ito hanggang ngayon. Sumama ang limang archdemons sa kanila dahil kagaya nga ng sinabi nila kanina ay pagsisilbihan nila si Jaz. Maaari naman daw silang magtago sa shadow ng dalaga kung sakaling wala silang matutuluyan.Malayo layo ang Veneficus Academy sa Hell Cave kaya naman aabutin sila ng apat na araw bago makauwi kung maglalakad lang sila. Sa ikatlong araw na paglalakad nila ay doon palang nagising si Jaz.
"Jaz, gising kana?!" gulat na sigaw ni Alexa ng mapansing gumalaw galaw si Jaz.
"Ay hindi, guni-guni mo lang to." pilosopong sambit ng dalaga kaya naman napasimangot nalang ang kanyang kaibigan.
"Guys! Si Jaz gising na!" tawag-pansin ni Alexa sa kanyang mga kasamahan kaya naman dali dali silang lumapit dito.
Isa isa naman silang yumakap dahil sa labis na pag-aalala nila kaya naman natawa sila ng magreklamo ang dalaga na hindi na makahinga.
"Ilang araw akong tulog?"
"Three days." sabay sabay na saad ng ACES pati na din ang limang archdemons.
Sa tatlong araw na paglalakbay nila ng magkakasama ay napalapit ang ACES sa limang archdemons dahil mababait naman pala sila. Tungkulin lang daw nilang pangalagaan ang Amethyst Crystal dahil masamang mapasakamay sa mga darkanians ang crystal.
"Three days lang pala e... What?! Three days?!" gulat na tanong ni Jaz kaya naman natawa sila sa reaction niya.
"Yes, dinaig mo pa yung bida sa Sleeping Beauty. Nakakaloka ka girl." natatawang sambit ni Alexa na ikinatawa din nila.
Kumulog naman ang tyan ni Jaz kaya napayuko ito, namula ang pisngi niya sa hiya at natawa naman ang mga kasama niya.
"Kumain kana muna, sakto kakaluto lang ni Sab." saad ni Aisha kaya naman napatango ito.
Nang mabaling ang tingin ni Jaz sa limang archdemons kaya naman kumunot ang noo nito.
"Who are these people?"
"I'm Drake, Your Highness."
"You named me Rio, Your Highness."
"Thea."
"Fei."
"And I'm Raiden, Your Highness."
Lalo naman napakunot ang noo niya dahil hindi ganito ang itsura nila bago siya mahimatay. Mas naging makisig, maganda o gwapo at malakas tignan ang mga ito.
"Ehem. Okay, just call me Jaz."
"Mas gusto po namin ang 'Your Highness'."
Napatingin naman si Jaz sa kanila at naintindihan kung ano ang ibig nilang sabihin sa pagdidiin ng huling dalawang salita.
"I see, kayo ang bahala."
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...