Chapter 33 - Veneficus Festival (Part 2)

361 13 0
                                    

Jahzara Brielle Stanley

Nang malapit ng matapos sina Alexa ay pumunta na kami ni Kalyx sa backstage.

"Ms. Stanley, Mr. Uriel, anong name ng team niyo?"

Shit. Nakalimutan ko.

Nagkatinginan naman kami ni Kalyx at binigyan ko siya ng tingin na siya na ang mag-isip ng name ng team namin.

"Team KIEL."

Napanganga naman ako sa sinabi niya dahil alam ko ang meaning non. Kalyx + brIELle. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang makitang nakangisi na ito.

Narinig ko namang nagpalakpakan na ang mga tao at nagsisisigaw pa kaya alam kong tapos na sina Alexa. Binigay naman samin ang mic dahil gaya ng napag-usapan ay kakanta kami.

"Last but not the least, let's welcome Team KIEl." masiglang sambit ng emcee na naging dahilan para magpalakpakan ang mga manonood.

"Nervous?"

"Nah, why would I? I've never gotten nervous in my whole life."

Natawa naman siya at naiiling-iling na naglakad papunta sa stage kaya naman sinundan ko nalang siya. Sumalubong samin ang mga sigawan at palakpakan na pinangungunahan ng ACES. Napansin ko pa ang mga masasamang tingin nina Beatrice.

Lumabas naman si Aira, my Air Dragon at naka-anyong tao ito. Siya kasi ang magpapiano para sa amin. Nagsimula na itong tumugtog ng 'Be My Fairytale by Janella Salvador and Elmo Magalona (Cover)'.

Nasa kabilang side siya habang ako naman ay nasa kanan. Naka-upo siya sa maliit na hagdan habang ako naman ay nakatayo lang malapit sa hagdan. Naglakad ako papunta sa gitnang stage at nagsimulang kumanta.

"Can you be my fairytale?
Can you make this ship set sail?
My mind is left in wonder
As I fix you in my gaze"

Habang kinakanta ko ang linya ko ay mataman akong nakatitig sa mga mata niya at ganon din naman siya.

"Can you make my heart beat twice
Everytime I think it dies?
My mind is left in wonder
As I fix you in my eyes"

Pagkanta niya habang papalapit sa akin at hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Umiwas naman ako ng tingin at tumingin nalang sa mga manonood na tahimik na pinapanood kami.

"And I, I, I...
I need a savior now
And I, I, I...
I need to love you now"

Napatingin naman ako sa kanya matapos kong kumanta dahil hinawakan niya bigla ang kamay ko. Wala naman sa pinagpraktisan namin to ha.

Heart, calm down.

"Be my fairytale,
Make this ship set sail
You're the real love
I've been waiting for"

Sabay naming kanta habang nakatitig sa isa't isa. Sumisigaw naman ang mga manonood na pinangungunahan ulit ng ACES. Sino ba namang hindi kikiligin samin diba?

"Be my fairytale,
I know this love won't fail
I need a knight in shining armor to say
'Hey, hey, be my fairytale'"

Matapos naming kantahan yon ay inalis ko na ang pagkakahawak niya sa kamay ko at naglakad malapit sa mga manonood.

"Can you be my destiny?
Can you stay right here with me?
My mind is left in wonder
As I solve this mystery"

Kanta ko habang ang isang kamay ko ay nakapwesto malapit sa puso ko.

"I can hold your hand so tight
And show you how the birds could fly
My mind is left in wonder
As I fix you in my eyes"

Napaigtad naman ako ng yakapin niya ako mula sa likod habang hawak hawak ang isang kamay ko na nakapwesto sa puso ko nang kantahin niya ang mga linyang yon.

Shit. Ano na nga kasi yung line ko?

"A-And I, I, I...
I need a savior now
And I, I, I...
I need to love you now"

Nakapikit kong pagkanta at mabilis pa sa alas kwatro ang pagmulat ko sa mga magaganda kong mata nang iharap niya ako sa kanya.

"Be my fairytale,
Make this ship set sail
You're the real love
I've been hoping for"

"Be my fairytale,
I know this love won't fail
I need a knight in shining armor to say
Hey, hey"

Sabay naming pagkanta habang titig na titig sa isa't isa. Ramdam ko ng kanina pa namumula ang mga pisngi ko. Totoong never pa akong ninerbyos sa buong buhay ko at ngayon ay binabawi ko na.

"It's been hard to admit
But I'm falling apart
Catch every peace of me
And place me in your heart"

Hinawakan niya ang left cheek ko at hinimas himas ito gamit ang hintuturo niya bago kantahin ang mga yon. Para bang sakin niya talaga pinaparating ang mga linyang yon.

"It's been hard to admit
But I'm falling apart
Catch every peace of me
And place me in your heart"

Nakatungong pagkanta ko dahil hindi ko na matagalan ang mga titig niya ngunit nagulat ako ng hawakan niya ang chin ko at itangala ako dahilan para magtama ulit ang mga tingin namin. Nagulat pa ako ng ngumiti ito at kunin ang left hand ko upang ilagay ito sa likod ng kanyang leeg. Hinapit niya naman ako papalapit sa kanya at sinimulang i-sway ang katawan namin.

"I need a knight in shining armor to say
A knight in shining armor to say
(Knight in shining armor)
(Knight in shining armor)
(Knight in shinig armor to say)"

"Be my fairytale,
Make this ship set sail
You're the real love
I've been hoping for"

"Be my fairytale,
I know this love won't fail
You'll be my knight in shining armor to say
'Hey, hey, be my fairytale'"

"Be my fairytale,
Make this ship set sail
My mind is left in wonder
As I fix you in my gaze"

Matapos naming kantahin yon ay lalayo na dapat ako sa kanya ngunit natigil ako sa kinatatayuan ko ng haplusin niya ang magkabilang pisngi ko. Napatitig naman ako sa kanya at nagulat ng dahan dahan niyang ilapat ang mga labi niya sa noo ko. I felt his soft lips against my forehead, and I closed my eyes to enjoy the sensation.

Nagulat naman ako nang hindi magkahumayaw ang lahat sa pagpalakpak at sa pagsigaw. Shit. Nakalimutan kong nandito pa pala kami. Humiwalay naman kami sa isa't isa at nagsimula ng maglakad paalis.

"Wow! What a great performance!" masiglang sigaw ni emcee na animo'y kinikilig pa. "Panigurado akong mahihirapan ang mga judges natin na pumili kung sino ang mananalo. Hindi niyo pa nga pala alam kung sino ang mga judges natin ano? Let's welcome the kings and queens!"

Nagulat naman sila nang malamang ang mga Hari at Reyna ang magiging judge namin for today. Kaya naman pala ayaw sabihin para surprise. Lumabas naman ang mga Hari at Reyna sa stage at nasa kanila ngayon ang spot light. Nasa tabi naman nila si lola at nagusap usap ito kung sino ang napiling panalo sa amin.

"Everyone! Nakita niyo naman na lahat ng mga nag-perform ay talaga namang magagaling. Ngunit iisa lang ang pwedeng manalo, let's give a big round of applause for the ACES!"

Nagpalakpakan naman kaming lahat at natawa nang matigil sila sa kinatatayuan nila na para bang humiwalay ang kaluluwa nila sa kanilang katawan.

Matapos ibigay ang premyo nila ay umalis na rin silang lahat sa stage at naiwang nakatayo si lola. Hindi na rin mahagilap ng magaganda kong mga mata si Kalyx. Hindi naman sa hinahanap ko siya ha, napansin ko lang na wala na pala siya sa tabi ko.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now