Ivan Xaviera Frost
"E-Empress."
Nang sabihin yon ng mga Diyos at Diyosa pati na sina Hades at Persephone ay mas lalo pa kaming nagulat. Hindi naman alam kung ano ang pangalan ng Empress pero ang alam namin ay siya ang Goddess of All. Ang pinakamalakas sa kanilang lahat, all this time, nakakasama na pala namin siya.
"Siya si Empress, magbigay galang kayo!" utos samin ng isang Diyosa kaya naman sabay sabay kaming lumuhod at nag-bow.
"I already warned you. 'Try to hurt them and I'll kill you twice.', but you stil did. Now, are you ready to face your verdict?"
Halos mapaihi na ako sa shorts ko ng marinig ko kung gaano kalamig at punong puno ng awtoridad ang boses ni Jaz. Nakita naman namin kung paano mangatog-ngatog ang tuhod ng mga darkanians lalong lalo na sina Hailey, King and Queen of Infernal Kingdom pati na din sina Hades and Persephone.
"Drake." narinig ko pang saad ni Jaz at unti-unti naman lumabas ang limang archdemons na mas piniling sumama kay Jaz.
Bigla din namang lumabas si Sylph, The Great Spirit of Wind; Efreet, The Great Spirit of Fire; Undine, The Great Spirit of Water; And Gnome, The Great Spirit of Earth. So, siya ang sinasabi ng propesiya na magliligtas sa lahat? Kaya ba hawak hawak niya ang Crystalight Book dahil siya talaga ang nagmamay-ari non?
She's the chosen one.
"Aisha, Alexa, help them kill those bastards." ma-awtoridad na utos ni Jaz, or should I say Empress.
Bigla namang nawala ang pagkakagapos nina Aisha and Alexa at nagbago ang kanilang kasuotan. Tinulungan nila ang apat na great spirits na labanan ang Five-Headed Legendary Demon. Sina Drake naman ay nakikipaglaban sa mga darkanians pati na yung mga creatures na hindi ko maipaliwanag ang mukha.
Napatingin naman ako kay Hailey nang magsimula itong maglakad papunta kay Persephone. Ang kaninang nangangambang mukha nito ay napalitan ng nakakalokong ngisi kaya naman kinabahan ulit kami.
Sa isang iglap ay hawak hawak na ni Persephone si Kalyx sa kanyang leeg. Nakita ko pa kung paano nito iniinda ang sakit habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng Goddess of Darkness and Destrusction.
"Papakawalan ko siya kung hahayaan mo kaming mamuno sa lahat ng realm."
Nawala ang nakakalokong ngisi ni Persephone ng tumawa si Jaz. Ang kaninang takot na nararamdaman namin ay napalitan ng pagkamangha dahil ang ganda ganda niya lalo na kapag tumatawa at nangunot ang noo namin ng maalala na nasa bingit na ng kamatayan si Kalyx pero tumawa lang si Jaz.
"Nagpapatawa ka ba? Nice joke yon ha." natatawa pa ring sambit ni Jaz at pinunasan pa ang mga pisngi na akala mo ay may luha talaga.
Akmang sasaksakin na ni Persephone si Kalyx gamit ang espadang lumabas lang bigla sa kamay nito ngunit tumilapon siya kaya naman napaupo sa lupa ang binata.
Itinaas ni Jaz ang kanyang kamay at lumabas ang iba't ibang atake na gawa sa iba't ibang kapangyarihan niya. Itinutok niya ito kung nasaan ang Goddess of Darkness and Destruction na ngayon ay nakahiga sa lupa. Agad na napunta ang atakeng yon kay Persephone ngunit napatigil sa kalagitnaan ng magsalita si Hades.
"Itigil mo yan kung ayaw mong mamatay ang kaibigan mo!" sigaw ni Hades na ngayon ay hawak hawak na niya si ate Sab at nakatutok sa leeg nito ang espadang hawak hawak niya din.
"Ate!"
"Sab!"
Ang mga atakeng dapat tatama kay Persephone ay tumigil sa ere at tumilapon paitaas. Naging fireworks ito at kung wala kami sa ganitong sitwasyon ay paniguradong bilib na bilib na kami kay Jaz.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Разное"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...