Jahzara Brielle Stanley
As days goes by, lalong lumalalim ang pagtingin ko kay Kalyx. Alam kong ramdam niya din yon. Lalo pa kaming napalapit sa isa't isa, pati na rin kaming magkakaklase. Nabawasan na din ang mga nambubully at sina Beatrice naman ay tumino na din. Grabe nga kasi nung hindi na makapal make up nila e ang gaganda pala nilang tatlo. Hindi ko alam kung bobo ba sila o tinatago lang talaga yung ganda nila.
"Hoy! Balita ko may transferee daw at magiging kaklase natin siya."
"Talaga? Yan din naririnig ko kaninang naglalakad ako sa hallway e."
"Yon siguro yung nakita ko kanina, ang ganda pa naman niya."
"Sus, wala pa rin makakatalo sa ganda ni Jaz."
"Ang alam ko siya yung kababata ng mga prinsesa at prinsipe."
Ilan lang yan sa mga naririnig kong usapan ng mga kaklase namin. Nakakatawang isipin na bumuo pa talaga sila ng fans club para sakin. Andami ko ngang fans ngayon, wala na ring hate commens.
Wait. Kababata?
"Jaz."
Natigil naman ang pagde-daydream ko ng marinig kong tawagin ako ni Ivan. Napatingin ako sa kanya at nakakapagtakang seryoso ang mukha niya. Alam kong lagi siyang seryoso pero kapag ako kausap nito nawawala ang pagkaseryoso niya sa buhay.
"Bakit, kuya?"
Ngayon ko lang din napansin na kami palang dalawa ang kabilang sa ACES na nandito sa classroom. Nasaan na sila?
"Be ready. I know he likes you pero walang kasiguraduhan kung hindi na niya mahal ang babaeng yon. Sinasabi ko to dahil ayaw kong dumating yung araw na makita kitang nasasaktan habang sila naman ay masaya na."
Kumunot ang noo ko sa mahabang sinabi ni Ivan. He's very protective of me, tinotoo niya nga yung gagawin ituturing niya akong nakababatang kapatid. Magsasalita na sana ako pero hindi din natuloy dahil nakita ko na ang mga kasama naming kabilang sa ACES pati na din ang isang babaeng hindi pamilyar sakin at si ma'am Sarah.
"Good morning, class! Meet our new transferee." tumingin ito sa babaeng kanina pa nakatingin sakin. "Introduce yourself, iha."
"Hello, everyone! I'm Hailey Kit Huxley, 21 years old and shadow manipulator. Girl friend ni Finn." nakangiting pagpapakilala nung Hailey daw kaya naman nagkaroon ng maraming bulungan.
Hailey huh.
Napatingin naman ako kay Kalyx na ngayon ay gulat na nakatitig kay Hailey. Wait, girl friend ni Finn? You mean Kalyx? Huli na ata ako sa balita ha. Kailan pa?
Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na malungkot na nakatingin sakin. Support kasi sila samin ni Kalyx. Hindi pa naman kami nung mokong na yon at hindi pa naman siya nanliligaw pero alam ko at alam nilang may something kami.
Naglakad naman sila papalapit sa kanilang mga upuan at nakita ko namang nakakapit sa braso ni Kalyx ang bruhang yon. Sa likod lang kasi ng upuan ni Kalyx may bakanteng upuan kaya panigurado yung Hailey na yon nasa likod nung mokong.
•
•
"Class dismissed." biglang sambit ng professor namin sa Alchemy ng tumunog na ang bell.
Lunch na namin ngayon kaya naman pinasok ko na ang gamit ko sa phone ko. Remember? Yung phone keeper na ginawa ko.
"Finn, let's go?" rinig kong pag-anyaya ni Hailey kay Kalyx.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...