Jahzara Brielle Stanley
After an hour halos lahat ng mga customers ay kumakain na. Naging waitress at instant chef na nga ako para hindi agad matapos. Mabuti nalang madali lang yung recipe nila.
"Miss!" tawag-pansin sakin ng lalaki, yung first customer na in-entertain ko.
Agad naman akong lumapit sa kanya ng mapansin na ako nga ang tinatawag niya. Nang makalapit ako ay ngumiti naman agad ako sa kanila.
"Yes sir? Do you need anything?" napangiti naman silang lahat matapos kong sabihin yon.
"I was just going to ask about our payment." he said and smiled.
Mukhang mabait naman siya, ewan ko ba kung bakit ayaw pumunta ng mga waiter at waitress sa kanila kanina. Napansin ko din kasi yon kaya sa kanila ako lumapit.
"That would be 3,659 pesos sir."
Binigyan niya ako ng saktong bayad kaya naman napangiti ako dahil hindi ko na siya kailangang suklian pa.
"Thank you sir." nakangiting saad ko tsaka ngumiti, akmang tatalikod na sana ako ngunit nagsalita ulit siya.
"I was impressed by your performance a while ago. So, please take this." nakangiting saad niya sabay abot sakin ng pera.
Hindi ko alam kung magkano to pero sigurado akong tig-1k ang mga papel na inaabot niya. But waiter/waitress are not allowed to accept money from a customer right?
"No sir, keep that. A compliment is enough, no need to give me money. We're not allowed to accept money from a customer, that's one of our rules. Thank you but I can't really accept that." matapos kong sabihin yon ay lalong lumapad ang ngiti nila.
"I like your personality. People nowadays will surely accept the money without hesitations. But you, you make me believe that there are still people like you. Okay then, we'll take our leave." nakangiting saad ng lalaki at tumayo kasabay ang pamilya niyang nakangiti din.
"Please come again sir, ma'am. Have a nice day!" nakangiting usal ko saka yumuko ng konti at tumango naman sila.
Nang maka-alis sila ay iniligpit ko na ang mga plato at tsaka inilagay sa sink para hugasan. Grabe nga e, one and half hour akong naghuhugas ng plato dahil andami talagang hugasin. Mabuti nalang kumain ako kaninang umaga bago umalis kaya hindi pa ako gutom ngayon.
"Ito yung bayad nung nasa seventh table kanina." saad ko sabay abot sa kanya yung pera.
Siya yung isang waitress kanina. Cashier din pala siya? Kaya ba ang taas ng sahod namin dahil doble doble ang trabaho dito?
Nang makuha niya na ang pera ay naisipan kong linisin ang ibang table pero ng ibaling ko ang tingin ko sa mga yon ay malinis na din pala.
"Miss." tawag nung manager Lopez.
Lumingon ako sa gawi niya at nakakapagtakang silang lahat ay nandoon na pala. Anong meron? Lumapit naman ako sa kanilang lahat tsaka ngumiti.
"I'm Jahzara Brielle Stanley, sorry for the late introduction." pagpapakilala ko at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko.
"Okay, Ms. Stanley. I like your performance a while ago. Actually, hindi lang ako, pati ang mga customers at katrabaho mo. Paano ba naman kasi ang bilis mo kumilos at lahat ay ginawa mo na. Being a waitress, chef and dish washer. We're impressed." saad ng manager sabay ngiti.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...