Chapter 25 - Second Mission

455 12 0
                                    

Ivan Alexander Frost

Week passed by and now I'm here inside our classroom. Noong isang araw pa kami nakauwi at mas naging close pa kaming lahat. Yung mga ilang huling araw namin sa Flamma and Thor Kingdom ay nagbonding lang kami. Nagmovie marathon, naglaro, nagkwentuhan at pinag-usapan din pala namin yung nangyaring krimen dito na nasolve ni Jaz kung sino ang culprit. Speaking of Jaz, mas lalo pa kaming naging close ngayon.

~ Flashback ~

"Who are you?" seryosong tanong ko kay Jaz na naging dahilan para maging seryoso din siya. Sasagutin niya na sana ang tanong ko ngunit hindi niya ito natuloy nang may biglang tumawag samin.

"Jaz! Ivan!" pag-tawag sa amin ni ate kaya naman napatingin kami sa kanya. "Andito lang pala kayo." hinihingal na saad niya.

"Why?" Jaz and I asked in unison.

"Kakauwi lang namin at gusto nilang manood tayo ng movie." sigaw na sagot ni ate dahil medyo malayo siya samin.

"Sure, wait for us." sagot ko naman sa kanya na tinanguan lang niya.

"I'm just a nobody." biglang sambit ni Jaz bago pa ako makatayo sa kinauupuan ko.

"Tsk. Wag mo ng intindihin tinanong ko sayo kanina. Tara na?" nakangiting pag-aanyaya ko sa kanya kaya naman napa-ngiti din siya at tumango.

~ End of the Flashback ~

Curious ako kung sino siya pero hindi ko na siya kinulit dahil pakiramdam ko ayaw niya din namang sabihin. Hindi ko naman nararamdaman na masama siya kaya wala kaming magiging problema.

"Class, next week na gaganapin ang Veneficus Festival kaya naman kailangan niyong magperform. Pwedeng sumayaw, kumanta or anything. By partner kayo dito kaya naman ang makakapartner ng 1st row and 3rd row ay sa likod nila at ang mga 2nd row and 4th row ay sa harap nila. That's all, class dismissed." mahaba at walang putol na litanya ni Ma'am Sarah bago lumabas ng classroom namin.

My partner will be Aisha? Not bad. I find her annoying but cute. Tumayo na ako para sana pumunta sa comfort room pero nakita kong natalisod si Aisha sa harap ko at malapit na siyang matumba kaya naman sinalo ko siya.

"Careful." seryosong sambit ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata. Nabaling ang tingin ko sa mapupula niyang labi na naging dahilan para mamula ang pisngi niya. Naalala ko tuloy yung unang halik ko sa kanya at yung araw na hinalikan niya din ako.

"Ehem! Thank you." namumulang saad niya matapos makatayo ng deretso at umiwas ng tingin.

Naglakad naman siya paalis at hindi ko alam kung saan pupunta. Hindi pa naman kasi namin break or lunch time kaya paniguradong hindi sa cafeteria yon pupunta.

"Careful. Baka mafall ka lalo." biglang sambit ni Jaz kaya naman napatingin ako sa kanya na naka-ngisi na ngayon.

"I know that she will catch me when that time comes." naka-ngisi ring sagot ko kaya naman umiling iling nalang siya. "Wala atang makakaresist sa charm ko." pilyong saad ko kaya naman napatawa nalang siya.

I don't know pero feeling ko nagbago ako. Noong mga panahong bata palang ako, I'm sweet and childish back then. Jaz bring back the old me. Magaan ang loob ko sa kanya at simula nung naging close kami ay unti unting natutunaw ang pagiging cold ko.

"Meet me here in my office."

Narinig kong sambit ni HM mula sa utak ko kaya naman napatingin ako sa mga kasama ko na ngayon ay nakakunot na din ang noo. Lahat siguro kami yung pinapapunta niya. Mission?

Ivy Aurelia Ertha

Nandito kami ngayon sa loob ng office ng lola nina Alexa at Aisha, which is our Head Mistress. Hindi ko alam pero grabe ang kaba ko ngayon. Actually noong isang araw pa to e pero hindi ko lang pinapansin.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now