Chapter 53 - Tip

396 15 0
                                    

Jahzara Brielle Stanley

"We're cousins."

"WHAT?" sigaw nilang lahat kaya naman natatawa akong tumango.

"There's nothing to be jealous about." nang-aasar naman na sambit ko kay Kalyx kaya naman inasar na din siya ng iba matapos nilang makitang namula si Kalyx.

"Tss. Shut up."

"Bakit ka ba kasi nagseselos Superior?" nang-aasar na sambit ni Dylan sa kanya kaya naman nabaling ang atensyon nila kay Kalyx dahil gusto din ata nilang malaman kung bakit.

Bakit nga ba?

"I'm jealous, why? Because I'm afraid that someone is going to make her happier than I do."

Natahimik naman kaming lahat dahil sa sinabi niya. Ako naman ang namula ngayon at ramdam na ramdam ko na pati ang tenga ko ay ang init na. Matapos kong pakalmahin ang sarili ko ay nagsalita ulit ako.

"There's nothing to be jealous about. Why? Because you have a place in my heart no one could ever have. You are the most certain in all of my uncertainties. And if I could have anyone in this world, it would still be you. Because no one else makes sense." seryosong saad ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya at saka ngumiti ng matamis.

Wait. Did I just confessed? What the hell!

"Ayown oh! Iba talaga magpakilig ang isang Jahzara Brielle Stanley!" pilyong saad ni Calvin na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Baka kapatid ko yan!" saad ni Ivan na parang kuya ko na.

"Tss. So, magkano ang perang nakuha niyo?" natahimik naman silang lahat matapos kong itanong yon.

"Ahm. Ano kasi hehehe. Hindi nakaabot sa assign money ang nakuha namin." malungkot na sambit ni Dylan kaya naman napataas ang kilay ko.

"Kumanta kami at tumugtog ng mga instruments sa isang bar. Diba 3k ang napag-usapan natin na dapat makuha per group? Naka-2k lang kasi kami." nahihiyang sagot ni Dylan kaya naman napatango nalang kami.

Okay na din naman yon. Mahirap naman kasi talaga na makakuha ng 3k per group. Ang napag-usapan kasi talaga namin ay 1k per person. E by group sila kaya dapat 3k talaga pero okay na yon.

"Kami naman nina Gab and Ivy ay nagwork sa isang carinderia. Dish washer ako habang sila naman ay parang waitress. Sa trabaho naming yon ay nakakuha kami ng 1,500 pesos, tig fa-five hundred kaming tatlo. At dahil sinuswerte kami ay nakapulot kami ng 1k kaya we gain 2,500 pesos." taas-noong saad ni Sab kaya naman napasimangot sina Ivan.

Swerte nga nila. Hindi naman kami taga-dito pero nakapulot pa talaga sila ng pera. Sana hindi sila isumpa nung nakahulog sa perang yon haha.

"Kami naman nina Ivan and Alexa ay nagwork sa isang fast food chain. Dish washer ako, waiter naman si Ivan habang si Alexa naman ay nagchef. 1k ang nakuha ni Alexa at 750 naman kaming dalawa ni Ivan. So, 2,500 pesos din lahat ang nakuha namin." mahabang kwento naman ni Aisha kaya naman napatango kami.

"Kami naman ay nagwork sa Daniel's Car Wash right? 3k lahat ang nakuha namin, 1k per person kaya nagawa namin ang napag-usapan natin kanina. Nakakuha din kasi kaming tips kaya naka-3k kami." paliwanag ni Zeke kaya naman napatango ulit kami bilang pagsang-ayon.

"Ikaw Jaz? Ilan nakuha mong sahod?" curious na tanong ni Alexa kaya naman may naisip akong kalokohan.

"Ahm. Ako? Ano kasi e..." pa-intense kong saad kaya naman napakunot ang noo nila.

"Don't tell me wala kang nakuha?" gulat na tanong ni Aisha kaya naman napangisi ako ng palihim dahil gumana ang aking plano.

Balak ko kasing guluhin ang utak nila. Like, isipin nila na wala akong nakuhang pera o konti lang tapos kapag nagdamot sila ay tsaka ko ire-reveal ang perang natanggap ko. Pa-simpleng kinuha ko ang phone ko at sinimulang i-record ang susunod na pag-uusapan namin.

"Diba napag-usapan natin na kung magkano ang nakuha nating pera ay dapat sa sarili lang natin at nasa satin na yon kung ishe-share sa iba? Sakin lang ang akin ha." biglang saad ni Dylan kaya naman mas lalo akong ngumisi.

"Sakin din! Walang libre libre ha!" pagsang-ayon ni Calvin sa kanya na sinang-ayunan din ng lahat.

"Sure na kayo dyan?" paniniguro ko dahil atleast nagtanong ako diba?

"Ofcourse! Super duper sure na sure!" sabay sabay nilang sambit na ikinagulat ko dahil pati sina Zeke at Kalyx ay ganon din ang sinagot.

Duga. Mga madamot! Bahala kayo dyan.

"Okay. Wala ng bawian yan ha? Walang libre o mamimigay. Bahala na kayo dyan." saad ko at lumapit sa refrigerator para kumuha ng tubig.

Pa-simpleng ini-stop ko naman ang recorder at success naman na nai-record ko ang usapan namin. Naramdaman ko namang sakin pa din sila nakatingin pero binalewala ko nalang yon. Uminom na ako ng tubig at matapos non ay binuksan ko ang television.

"Ganon ganon nalang yon?" biglang tanong ni Ivan at tumango lang ako bilang sagot.

"Bakit ang confident mo naman ata masyado Jaz? Ano bang naging trabaho mo at magkano ang nakuha mong sahod?" taas kilay na tanong ni Alexa kaya naman ibinaling ko ang atensyon ko sa kanila.

"I worked as a waitress. 500 per two hours at nagtrabaho ako doon for four hours dahil dumeretso na agad ako sa car wash noong malaman kong nag-aaway yang tatlong kumag."

Nakita ko naman napanguso sina Kalyx, Zeke and Tyler pero hinayaan ko nalang. Nakita ko naman si Sab na parang may iniisip pati na din pala ang iba.

"So, 1k ang sahod mo? Not bad." tatango-tangong saad ni Sab.

"Kaya pala ang taas ng confident dahil may 1k na."

"But..."

"But?" they asked in unison.

"Hindi ko tinanggap yon."

"WHAT?!"

Napatakip naman ako ng tenga nang marinig silang sabay sabay na sumigaw. Hindi naman ako na-inform na silang lahat ay may lahing pagka-OA.

"Because I already received a 15k tip from a customer. I guess he's a business man." I said nonchalantly.

"15,000 pesos?!" gulat na tanong nilang lahat at may pa hawak hawak pa talaga sa bibig nila at tumango lang ako bilang sagot bago ibaling ang atensyon ko sa television.

Naramdaman ko naman lumapit sila sakin. Umupo sila sa tabi ko habang si Alexa naman ay lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang kamay ko sabay nagpuppy eyes.

"What?"

"Jaz, joke lang yung sinabi namin kanina. Magkaibigan naman tayo diba?" nang-uutong saad sakin ni Alexa kaya naman muntik na akong matawa pero pinanatili kong seryoso at walang emosyon ang mukha ko.

"Oo nga naman, Jaz. Alam ko namang mabait ka e."

"Kahit ako nalang, hayaan mo na sila. Magpinsan tayo Jaz, paalala lang."

Kinuha ko ang phone ko at pinarinig sa kanila ang ni-record kong usapan namin kanina. Na-shock pa nga silang lahat pero kalaunan ay ngumuso nalang at padabog na umalis sa tabi ko. Natatawang umiling-iling nalang ako at ibinalik ulit ang atensyon ko sa television.

Sorry guys, mautak to.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now