Jahzara Brielle Stanley
"Jaz! Gising na!" malakas na sigaw ni Alexa na nakapagpabangon sakin.
"Tss. Good morning." pagbati ko sa kanya na ikinatili niya.
"Kyaaah! First time mokong batiin sa loob ng maraming taon." tumitiling sambit niya na naging dahilan para takpan ko ang tenga ko.
Alam kong ilang taon ko na siyang kilala pero ngayon palang naman kami nagkasama dito ha.
"Ilang araw palang kitang nakakasama baka nakakalimutan mo." paalala ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Hindi ba pwedeng joke lang? Bagong buhay na ba at mukhang naka-mood kang magsalita ngayon?" kunwareng nang-aasar na tanong niya at alam niyo ba kung anong natanggap niyang sagot sa akin? Syempre ang mahiwagang 'tss' ko.
First day nga pala naming tatlo sa pagiging student ng ACES class. Mabilis na lumipas ang oras kaya naman lunch time na at andito kami ngayon sa dorm. Dito nalang namin naisipang kumain para iwas gulo dahil maraming nagtataka ngayon kung bakit kasama namin ang mga prinsesa at prinsipe. Matapos din ng usapan namin kanina ni Alexa ay binalik ko ang sarili ko sa pagiging cold dahil trip ko lang.
Habang nagluluto ako ng kare-kare at beef steak ay narinig ko ang pagtunog ng door bell namin. Sosyal lang ang dorm namin diba?
"Ako na magbubukas." rinig kong sigaw ni Aisha kaya naman hinayaan ko nalang sila.
Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang umingay. Those auras. Anong ginagawa nila dito?
"Guys, dito muna kayo sa living room." rinig kong sabi ni Aisha. "Alexa, ikaw muna bahala sa kanila." dagdag pa nito.
Binilisan ko naman ang pagluluto ko dahil may mga bwisita kami at ayokong makita nila akong nagluluto dito.
"Jaz, tapos ka na bang magluto? Andito lahat ang kabilang sa ACES class at makikikain daw sana sila." bungad naman ni Aisha nang makarating siya sa kinaroroonan ko.
Close na nga pala silang lahat maliban sa akin sa ilag pa rin sa kanila. First day ko palang kahapon pero suspended agad ang klase. Matapos non ay nailipat naman ako sa highest level or class. Swerte ko naman ata masyado?
"Yeah." maikling sagot ko. "Call them." utos ko sa kanya na mabilis niya namang sinunod.
Mabuti nalang din at niramihan ko ang mga niluto ko. Kasya naman kami dito sa table kaya umupo na ako at nagsimulang kumain. Dumating naman sila at nagsimula na ding kumain ng may ngiti sa mukha. Mukhang takam na takam pa.
Me Alexa Sab(Elsa) Ivy
Ivan T A B L E Aisha
Kalyx Tyler Cyrus Dylan
Sina Calvin at Gab ba ang hanap niyo? Sa living room nalang daw sila kakain dahil may pinapanood daw silang movie bago pumunta dito at itutuloy nalang daw nila dito samin. Ang galing ng dorm namin diba? Parang normal na bahay lang tapos may pa-television pa.
"Hmm sarap! Totoo ngang magaling kang magluto." komento ni Dylan at nagtuloy tuloy kumain.
"Hindi naman halatang gutom kayo noh?" natatawang saad ni Alexa matapos lunukin ang kanyang kinakain.
"Kanino niyo nalamang magaling akong magluto?" kunot noong tanong ko at bigla namang napaubo si Aisha. Sabi na nga ba e.
"Heto tubig oh." saad ni Ivy at inabot ang tubig sa kanya.
"Si Aisha." sabay sabay nilang saad kaya naman bumaling ang tingin ko kay Aisha na ngayon ay napakamot sa kanyang batok.
Wala ng ni isang nagsalita pa kaya tahimik naming natapos ang lunch. Tatayo na sana ako para pumasok muna sa aking kwarto habang nandito pa sila ngunit tinawag ako ni Dylan na nakapagpatigil sakin.
"Jaz." pag-tawag sa akin ni Dylan kaya napatingin ako sa kanya. "Nasaan na ang mga magulang mo?" pagtatanong niya na ikinasakit ng ulo ko. Ang chismoso din naman pala ng isang to ano?
"Nasa taas." maikling sagot ko at itinuro pa ang taas gamit ang pointing finger ko.
"S-Sorry." biglang sambit naman niya at isa isa silang napaiwas ng tingin.
"Pft! Hahaha."
"Laugh trip!"
"Condolence Jaz hahaha."
Narinig kong saad nina Aisha at Alexa sa utak ko kaya naman sinamaan ko sila ng tingin dahil kulang nalang e matatawa na talaga sila. Tumigil naman sila sa kakatawa sa isip ko at tumikhim pa talaga.
"ACES, come here immediately."
Narinig kong sambit ng pamilyar na boses sa aking isipan. Sa tingin ko ay si lola ito at sa aming lahat niya ito sinabi dahil pagtingin ko sa kanila ay para-parehas silang nakakunot ang noo.
"Narinig niyo ba yon?" saad naman ni Calvin na sumulpot nalang bigla sa tabi ni Kalyx.
"Panibagong mission nanaman siguro to noh?" saad naman ni Gab na sumulpot nalang din bigla sa tabi ni Calvin.
"Let's go." seryosong saad nung Kalyx at hanggang ngayon mabubwisit pa din ako sa mokong na to.
•
•
Nandito kami ngayong lahat sa office ni lola at tahimim na nakaupo sa sofa. Hindi pa niya kasi sinasabi samin kung bakit niya kami pinapunta dito.
"Head Mistress, why did you call us?" seryosong tanong naman ni Kalyx at sa wakas ay may nagsalita na din.
"Nalaman ko na kung saan nakalagay ang water spirit stone. Matatagpuan ito sa Belleval Lake at kailangan niyo ng kunin ito dahil nabalitaan kong hinahanap na din ng mga darkanians ang spirit stone na ito."
Belleval Lake? So, kailangan naming pumasok sa Grim's Forest, ang ancient cursed forest. Once na pumasok ka dito ay mahihirapan ka ng makalabas pa. Kailangan muna kasi naming daanan ang Grim's Forest bago makapunta sa Belleval Lake dahil may barrier ito na hindi pwedeng makapasok through portal or teleportation.
"Bibigyan ko lang kayo ng tatlong araw para matapos ang mission niyo." patuloy na sambit ni lola nang walang magsalita ni isa sa amin. "Delikado ang magiging mission niyo kaya naman protektahan niyo ang isa't isa."
Lahat naman ng mission delikado ha. Si lola talaga minsan may pagka-shunga din e.
"Paano po naging delikado, Head Mistress?" kunot noong tanong naman ni Tyler.
"Kailangan muna kasi nating daanan ang Grim's Forest bago makapunta doon." ako na ang sumagot sa tanong niya kay lola kaya naman napalingon silang lahat sakin.
"Parang yon lang e." parang wala sa sariling saad ni Tyler kaya naman binatukan siya ni Calvin.
"Tanga! Anong parang yon lang? Dadaan tayo sa Grim's Forest, kilala bilang ancient cursed forest." kinakabahang saad sa kanya ni Calvin at ilang segundo pa muna bago nagets ng kanyang kambal.
"Wait what?!"
Napa-facepalm naman kaming lahat dahil mukha talaga siyang tanga ngayon. Ewan ko ba kung slow talaga siya o kulang lang sa tulog e.
"Bukas ng 6:00 am ang alis niyo at wag niyo na akong hintayin bukas." biglang saad naman ni lola kaya nabaling ang atensyon naming lahat sa kanya.
"Pero Head Mistress sino po ang maghahatid samin sa labas ng Grim's Forest?" kunot noong tanong ni Sab na sinang-ayunan namin.
Wala naman kasi atang mayroong kapangyarihang portal manipulator o portal maker. Kung teleportation naman ang gagamitin namin ay hindi pwede dahil air bender lang madalas ang may ganoong ability o ang mga masuswerteng biniyayaan din ng teleportation ability.
"That's why Ms. Stanley is here." biglang saad naman ni lola kaya napatingin ako sa kanya ng nagtataka ngunit nginitian niya lang ako.
Tss. Si lola talaga oh.
"She's a portal maker too?!" sabay sabay nilang gulat na tanong except kay Alexa at Aisha.
Pft! Cute din palang magulat nung bwisit na mokong na yon. Actually, silang lahat talaga dahil ang priceless ng mga mukha nila hahaha.
"Yes, she is. Kaya nga kailangan niyo talaga siya sa lahat ng mission niyo. Para na rin makauwi kayo ka-agad kapag natapos niyo na ang mission niyo."
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...