Someone's POV
"Why am I here?" malamig na tanong ni Jaz sa akin matapos niyang iginala ang kanyang paningin dito sa Elysium Paradise.
"Hindi mo ba ako namiss?" malungkot kunwareng tanong ko habang pinapahid pa ang pisngi ko na animo'y may luha.
"Drop the act. What am I doing here?" malamig na pa ring tanong niya.
"You too. Drop the act, will you?" inis kunwareng tanong ko na ikinatawa niya.
"You really know me huh?" natatawang litanya pa niya.
"Of course, I'm not your mother for nothing." taas noong sambit ko at kalaunan ay tumawa din.
Jaz, she's not really cold and heartless. Once na nagtiwala na siya sayo makikita mo ang soft side niya. Childish? Check. Kind? Check. Sweet? Check. Wise? Check. At hindi mawawala ang pagkamature niya. Kanino pa ba nagmana, syempre sakin diba?
"Anyway, I miss you so much Mom." malambing na saad niya at niyakap ako ng mahigpit kaya naman niyakap ko ito pabalik.
"Me too, baby."
"Btw, where's dad, mom?" biglang tanong niya naman matapos kumalas sa pagkakayakap ko.
"Miss me?" pilyong saad ng aking pinakamamahal na asawa na ngayon ay nasa tabi ko na din.
"Dad!" masiglang tawag niya sa kanyang ama at niyakap din ito ng mahigpit.
Hinalikan naman siya ng aking asawa sa kanyang noo na naging dahilan para mapangiti ito ng abot tenga.
"Baby, how's your mission?" pagtatanong ko kaya naman sumeryoso ang mukha niya.
"Being a spy sucks." pagmamaktol niya na ikinatawa naman namin. "I'm part of ACES class now and I don't know if that's a good news or bad news."
"Just go with the flow, princess. Everything is going to be fine." biglang saad naman ng kanyang ama kaya tumango ito ngunit kalaunan ay tumingin ng masama sa amin na ikinataka naming mag-asawa.
"Hindi niyo sinabi sa akin na makakasama ko pala sina Aisha at Alexa sa mission ko." inis na sambit nito at umirap sa kawalan.
"I'm sorry, we just want to surprise you." malambing na saad ko kaya naman napangiti ito. Marupok din kasi ang anak ko at sakin nagmana. Isa pa, alam ko namang masaya siyang makasama sina Aisha at Alexa.
"Anyway, what am I doing here, mom, dad?"
"You need to train." sagot ko na ikinaliwanag ng mukha niya.
Ang totoo natutulog siya ngayon at kaya nandito siya ay dahil kinuha ko ang spirit niya para makapagtraining siya.
"Really? Kayo ba ni dad ang lalabanan ko?" excited na tanong niya at napahawak pa talaga sa mga kamay ko at sa kamay ng kanyang ama. I really miss this girl, my one and only baby.
"Sadly, no. Alam mo naman na mas malakas ka pa samin hindi ba?" natatawang saad ng kanyang ama na ikinanguso niya. Gustong gusto niya kaming makalaban kahit na mas malakas pa siya samin. Ang kapangyarihan ko kasi at ang kapangyarihan ng kanyang ama ay nakuha niya.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...