Third Person's POV
Nasa labas ng Infernal Kingdom si Jaz ngayon at nag-iisip ng plano kung paano makapasok doon pati na din kung paano mahanap ang Reyna ng Terra Kingdom.
Sinilip ni Jaz kung sino ang nagbabantay sa gate ng Infernal Kingdom at napangiti ng may pumasok na plano sa kanyang isip.
"Drake, Rio, Thea, Fei and Raiden." pagtawag nito sa kanyang mga kasama na nagtatago sa kanyang shadow.
"Yes, Your Highness?" sabay sabay nilang sambit matapos lumabas sa shadow ng dalaga.
"Since girl and boy ang nagbabantay sa gate nila, gusto kong si Fei and si Rio ang pumalit sa nagbabantay doon. Kill those two, alam ko din naman na kaya niyong magpalit ng anyo kaya gayahin niyo nalang sila." utos at paliwanag sa kanila ng dalaga na ikinatango nilang lahat.
"What about us, Your Highness?" biglang tanong naman ng binatang si Drake sa dalaga.
"Hahanapin natin kung saan nila tinago ang Reyna ng Terra Kingdom. Magiging look out natin ang isa't isa, you can contact each other through your mind, right? Kung kailangan niyong pumatay ng darkanians ay gawin niyo pero hangga't maaari ay iwasan niyo ang gulo para hindi nila mahalatang may nakapasok sa teritoryo nila. Dito din ang meeting place natin kapag nagtagumpay tayo sa misyong ito. Understood?"
"Yes, Your Highness." sabay sabay nilang saad at nag-bow pa bago tuluyang umalis upang gawin ang mga utos ng dalaga.
•
•
Sa kabilang banda naman ay makikita ang Reyna ng Terra Kingdom na hinang hina na. Ilang araw na din kasi siyang nakakulong at hindi man lang magawang makatakas. Hindi niya magamit ang kapangyarihan niya dahil hinang hina na ito lalo pa't nakataly ito ng isang energy sucker chain.
Nawawalan na ng pag-asa ang Reyna dahil sigurado siyang mahihirapan ang mga etherian na makapasok sa kinaroroonan niya. Alam niya din na ilang araw nalang ay maaari na siyang mamatay kung patuloy pa rin siyang nakatali sa chain na yon.
Charlotte Stephanie Ertha (Queen)
Napapikit ako ng mariin ng makarinig na malakas na pagsabog. Naalerto ako sa pangyayaring yon kaya naman tumayo ako at lumapit sa pinto. Mabuti nalang at mahaba ang chain na to kaya hindi ako mahihirapang makagalaw. Pilit kong pinakikiramdaman ang presensya ng nasa labas ngunit nabigo ako ng mapagtantong tanging mga darkanians lang ang nararamdaman ko.
Nakarinig ako ng mga tunog na espadang nagbabanggaan na ibig sabihin lamang ang may naglalaban sa labas. Anong nangyayari? Anong ibig sabihin nito? Patuloy pa rin na nagsasalpukan ang mga espada at kung minsan naman ay may kung anong bumabangga sa pinto ng seldang ito.
"S-Sino ka?" rinig ko pang tanong ng boses na lalaki.
"A nobody. Die!" sigaw ng isang boses lalaki.
Nakakatakot ang boses nito ngunit imbes na matakot ako ay may kung anong tuwa akong naramdaman sa kaloob-looban ko. Hindi ko man kilala ang boses na yon at hindi ko man kilala kung sino ang nagmamay-ari noon ngunit pakiramdam ko ay ligtas ako basta andyan siya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago matapos ang laban na nangyayari sa labas. Bigla kasing tumahimik kaya naman alam kong tapos na ang pangyayaring yon.
Agad akong napa-urong nang maramdaman ko ang kakaibang presensya na papalapit sa pinto ng selda kung saan ako naroroon. Malakas ang presensyang ito ngunit hindi ko ito naramdaman kanina. Para bang lagi itong nakatago kaya naman nabuhayan ulit ako.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...