Chapter 56 - Scarlet Moon

407 15 0
                                    

Elsa Xaviera Frost

Iminulat ko ang mga magaganda kong mata at tumambad sakin ang pangit kong kapatid na si Ivan. Napayakap ito sakin nang makitang gising na ako.

Wait. I'm alive!

Akala ko pa naman yon na yung huling araw na makakakita ako ng liwanag.

"What happened? Paano ako gumaling?" takang tanong ko kaya naman napakalas ito sa pagkakayakap.

Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga kaibigan namin. Nakita ko pang gulat na gulat silang makitang gising ako maliban kay Jaz. Bumuntong-hininga muna ang bwisit kong kapatid bago nagsalita kaya kinabahan ako.

"Binigyan ka ng curse. Death Black Magic Curse. Kaninang madaling araw nagising ako dahil may narinig akong naglalakad at nakita ko ang naka-white coat. Ibinigay niya sakin ang isang supot na may lavender flower at isang bottle na may dugo. Hindi ko nakita ang mukha niya at naglaho na siya bago pa ako makapagpasalamat." mahabang paliwanag ni Ivan kaya naman gulat silang lahat.

"Blood? From a God or a Goddess?!" gulat pang tanong ni Ivy kaya naman nagulat na din ako noong tumango si Ivan.

"She's okay now. Don't worry."

Nagkwentuhan pa kami bago nila napagpasiyahang umalis. Dumating din naman sina mom and dad para icheck kung okay ako at nakahinga naman sila ng maluwag nang makitang humihinga pa naman ako. Nalaman ko din na ang ibang etherian na nasa iba't ibang kingdom na hindi marunong lumaban o yung mga buntis or what ay idinala sa Safe Area. Malawak na place naman yon at nakapaloob yon sa Etheria Fortress.

Kinabukasan, nakalabas na din ako sa hospital dahil okay na din naman daw ako. Maggagabi na at nanonood ako sa mga kasama ko kung paano nila i-training ang mga kapwa naming students. Napaupo naman kami sa sahig ng biglang may malakas na pagsabog. Biglang dumilim ang kalangitan at dahan dahang nagpalit ng scarlet ang maliwanag na buwan. Lahat kami ay kinabahan dahil hindi naman namin ine-expect na ngayon na dahil ang alam namin ay may dalawang araw pa kami.

"Guys! Lahat ng hindi kayang lumaban ay pumasok dito!" sigaw ni Jaz at hinila ako papasok sa portal na ginawa niya.

Nagulat ako ng makakita ng magandang tanawin. Ang kalangitan ay parang purple na may blue at ang buwan dito ay kulay purple din. Hindi ko alam kung nasaan kami basta ang masasabi ko lang ay isang maganda at payapang lugar ito. Nakita ko naman na halos Novice at ilang Intermediate students ang iniluwa ng portal. Namangha din sila sa tanawin ngunit hindi pa rin maaalis sa pagmumukha nila ang takot.

"Stay here. Wait for me." seryosong saad ni Jaz at parang aalis na ngunit napatigil din ng may magsalitang isang babaeng student.

"Imposibleng makabalik ka dito dahil imposibleng matalo niyo ang mga darkanians!"

"Babalik ka doon? Magpapakamatay ka ba?!" gulat at kinakabahang tanong ng isang lalaking sapalagay ko ay isang Intermediate student.

Once na bumalik ka kasi doon parang sinasabi mo na din na handa ka ng mamatay dahil ang nakasaad sa propesiya noon ay mananalo ang mga darkanians kung hindi dadating ang chosen one na yon.

"It's not about possible or impossible. I'm going out because I want to."

Napatigil naman silang lahat ng sabihin yon ni Jaz. Alam kong seryoso siya kaya naman sigurado akong sasama ako sa kanya pabalik.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now