Chapter 6

528 17 12
                                    

Vienna PoV

"Thank you" sabi ko kay Heinie nang makarating kami sa bahay ko. Namili narin kami ng ilang gamit at pagkain na babaonin namin sa outing.

"Wala iyon, salamat din at inaya mo 'ko" ngumiti lang ako bago kuhanin yung mga pinamili namin sa likod ng kotse n'ya. Tinulungan pa n'ya 'kong ipasok iyon. Gabi na, wala pa yata si Kashi?

Mayaman sila Heinie. Parehonh magulang n'ya ang nakapagtapos ng pag aaral sa ibang bansa at may mga negosyong pinapatakbo pero kahit ganoon ay mas pinili ni Heinie na magtrabaho sa cafe kaysa sa business ng magulang n'ya. Ewan ko ba sa babaeng 'to.

Matapos n'ya 'kong tulungan ay nagpaalam narin s'yang aalis na kaya syempre hinayaan ko na. Dinala ko ang mga pinamili ko sa kwarto ko at doon iyon nilagay. Hindi narin ako nagluto dahil kumain na kami ni Heinie. Ayokong ipagluto si Kashi tsaka siguro naman kumain na s'ya, anong oras narin at tinatamad na'ko.

After I fixed my things, I immediately went to the bathroom to take a half bath. Naalala ko, bukas nga pala babalik kami sa mall, may gusto kasing bilhin si Heinie at sabi nung staff ay naubusan na raw at bukas pa may darating na stocks kaya babalikan nalang namin, nagpareserve narin naman s'ya.

Nang matapos akong maligo ay naglakad ako papuntang kusina. Nauuhaw ako. Habang nagsasalin ng tubig sa baso ay napatingin ako sa phone na dala ko, ito yung sa'kin. Nakalimutan ko rin ibalik kanina kay Heinie yung phone n'ya. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa bag ko parin iyon.

Ngayon ko palang ichecheck itong phone kaya naupo na muna ako at uminom ng tubig. I saw a lot text and missed calls from 'Born to be wild' and 'Heinie' THAT day, and I felt disappointed whej I didn't saw my father's name. He just called me twice and after that there was no more text from him.

----------------

Nagising ako sa ingay ng phone ko, someone's calling. Antok na antok pa'ko kaya hindi ko na natignan yung pangalan at sinagot ko na agad bago itapat sa tenga ko.

'Hello? Vein'- pamilyar na boses ng isang lalaki ang bumungad sa'kin.

'Oh?'-

'Nandito kami sa labas, bumaba ka rito at pagbuksan mo 'ko ng pinto'- utos nito kaya napakunot ang noo ko pero ang mga mata ay nanatiling nakasara.

'Sino 'to?'-

'Anong sino 'to? Nakalimutan mo na ang ama mo?'- agad akong napamulat ng mata at tinignan yung name nung caller, I almost jump in shock when I saw my father's name.

'Pa. Sorry 'di ko nakita name mo, antok na antok kasi ako. ano palang ginagawa mo rito?'-

'Malalaman mo pag bumaba ka, buksan mo 'tong pinto ngayon na'- sumangayon lang ako at kahit na antok ma antok pa ay bumangon na'ko at naglakad palabas ng kwarto.

Chinarge ko ulit yung phone ko- I mean yung phone na hiniram ko. Roon kasi tumawag si papa, kung sabagay, hindi ko pa nga pala nasasabi sa kan'ya na nasa akin na ulit yung phone ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si papa roon habang akay akay si Kashi na kaya napakunot ang noo ko.

"Anong nangyari r'yan? pa? Gabing gabi na huh" agad na napatingin sa'kin si Kashi at ngumiti pa s'ya sa'kin.

"Vein" ngiting banggit n'ya sa pangalan ko bago pagewang gewang na lumapit. Damn he's drunk.

"Galing celebration yan kaya ayan tumba, oh s'ya ikaw na bahala dyan"

"What? Pero pa-"

"Goodnight nak. Ingatan mo yan" nagawa pa n'yang ngumiti sa'kin bago maglakad papunta sa gate.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon