Chapter 9

507 14 10
                                    

Vienna PoV

"Bilis! Bilisan mo kilos mo, may dumi pa oh!"

"Hindi ko nga maimagine sarili ko na naglilinis ng banyo tapos ngayon heto ako naglilinis ng buong bahay! Seriously?" reklamo n'ya pero pinuntahan parin ang tinuro ko para punasa ulit.

"May nirereklamo ka?"

"Wala po" mabilis na sagot n'ya bago magpatulog sa pagmamop. Mahina lang akong natawa at nagkibit balikat.

Nandito lang ako sa sofa, nakaupo habang pinapanood s'yang maglinis. Tagaktak na yung pawis n'ya at puro na s'ya reklamo pfft hindi pa nga n'ya nalilinis buong sala eh! Iyong kusina ang inuna n'ya para raw makapagluto ako ng kakainin n'ya habang naglilinis but I ended up sitting here and watching him.

"Yeobo, I'm tired. Can I rest for a while?"

"No. Gusto mo yan 'di ba? Gusto mong maiwan ako rito kasama ka 'di ba? Yan napapala mo. Pagtiisan mo 'ko"

"You're making it sound like me? wanting to be with you is a forbidden choice tsk" nakasibangot n'yang sabi pero nagkibit balikat lang ako.

"You were so desperate lately to have me so deal with it"

"Really? I can have you?" tila may ibang ibig sabihin ang tanong n'ya na'yon, kinagat pa n'ya ang ibabang labi at halatang hindi mapigilan ang pag ngisi.

"No" inirapan ko s'ya bago sumandal.

Napakunot yung noo ko nung tanggalin n'ya ang apron na suot n'ya, ang arte kasi madudumihan daw yung damit n'ya kaya nagapron s'ya hahahaha malamang naglilinis s'ya kaya talagang madudumihan iyon.

"The hell!?" biglang sigaw ko nung naghubad s'ya sa harap ko mismo at binato sa'kin ang damit na puro pawis. Kadiri! pero mabango.

"Where's the hell? Oh don't get me wrong, I know that I'm hot but I'm not yet the hell or maybe I'm hotter than the hell"

"Hangin mo!" napairap ako at binalunbon ang damit n'ya.

"Ahuh? Hindi ba dapat ang hot mo!" sinubukan pa n'yang gayahin yung boses ko kaya inis kong binato sa kan'ya ulit yung damit n'ya.

"Sa'yo muna o kung gusto mo sa'yo nalang. Amoyin mo mabango pa yan" sabay bato n'ya ulit sa'kin nung damit habang tumatawa.

"Kapal mo! Kadiri kaya puro pawis" reklamo ko pero tumawa nalang s'ya at pinagpatuloy ang pagmop ng sahig.

Nilapag ko sa coffee table ang damit n'ya pati ang apron na kasama nung nauna n'yang hinagis.

He's now mopping the floor, shirtless. Seems like he purposely did that, flexing his muscular body ofcourse. Actually hindi ko inexpect na ganyan pala ang katawan n'ya, he's more fit than I expected.

I looked at my phone and scroll through my social media, panay rin send ni Heinie ng mga pictures nangiinggit kumbaga. Ang dinahilan ko nalang sa kanila ay kailangan ko mgang umatyend sa birthday ni papa which is hindi ko namna talaga siguro dahil wala paring sinesend si papa na invitation.

Maybe he doesn't want me there, baka ayaw n'yang ipaalam na anak n'ya 'ko dahil posibpeng makilala ako ng iba, alam ng mga tao na kasal si mama at ako ang anak nila pero hindi nila kilala si as asawa n'ya. Balita ko rin dati kasi ay magkaibigan sila simula noong baguhan palang sa pag aartista ni mama kaya alam din nilang magkaibigan sila, hanggang doon lang ang alam nila. Tanging kamag anak lang yata namin ang may alam na kasal sila.

Napawi ang pag iisip ko nung maramdaman na muling nagvibrate ang cellphone ko, nagtext si Heinie.

From: Heinie
Ganda ng view noh?

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon