Chapter 35

281 12 13
                                    

Vienna PoV

They continue talking about things and I remain silent because I have no idea what to answer, tanging si Kashi lang ang sumasagot at tango lang ang sinasagot ko tsaka pekeng ngiti.

I don't want this. I'm having anxiety because of this.

Agad silang napatingin sa'kin nung bigla ako tumikhim, pilit akong ngumiti dahil sa pagkapahiya "Ehem, excuse me, can I.... go to the comfort room?"

"Sure, 2nd floor turn left and the 1st door-"

"I'll come with her, para hindi na po s'ya maligaw" singit nung babae sa sasabihin nung ina ni Kashi at binigyan ako ng isang matamis at pekeng ngiti. I still don't know who she is, Kashi never talk to them about her and it seems like he's really avoiding her.

"Ako nalang" hinawakan ni Kashi ang kamay ko mula sa ilalim ng lamesa pero agad ko itong hinawi at iniwas.

"Let them, Kashi stay here and eat with us" saway nung ama n'ya.

I excuse myself again before standing up, I put the napkin I used in the table before I look at her. Sabay kaming naglakad paalis, titingin tingin pa sa'kin ang babae pero hindi ko na pinansin.

"I forgot to introduce myself. I am Adelle Coryzea, kaibigan ng pamilya ko ang pamilya nila kaya naman madalas nila akong kasama rito tuwing pasko at iba pang okasyon" pagpapakilala n'ya nung makarating kami sa 2nd floor, tumango lang ako bago tumingin sa kan'ya.

"I'm Vienna Jaiden, my friends call me Vein but we're not friends so don't call me like that"

Natawa s'ya bago tinapik ang balikat ko pero napahinto agad nung makita ang kamay ko, singsing sa kamay ko.

"So, you two really engaged? I thought that's just an act because you don't seem comfortable lately" hindi ako sumagot at pumasok agad sa pinto na hinintuan namin. 

Sa loob ng cr ay napabuntong hininga nalang ako bago tumingin sa repleksyon ng sarili ko. Walang ngiti sa mga labi, ang mata ko'y halatang malungkot at hindi mapakali. I'm having panic attack, nanginginig rin ang kamay ko at mabilis ang tibok ng puso.

Binuksan ko ang gripo na nasa harap ko at tinapat doon ang nanginginig kong kamay

"Iiwan ka rin n'ya kagaya ng ginawa n'ya sa'kin. Matapos tikman iniwan nalang bigla. Isang babae lang naman ang sineryoso n'ya at kung hindi siguro nangyare ang nangyare noon ay baka hindi ka rin n'ya seryosohin o baka nga hindi ka talaga n'ya sineseryoso" natigilan ako sa narinig ko.

Baka hindi ka pang masarap kaya iniwan at inayawan ka.

Hindi ko alam kung maniniwala ba 'ko o hindi pero nacucurious ako kung sino ang tinutukoy n'yang sineryoso ni Kashi noon. Napabuntong hininga napang ako at kinalma ang sarili. Chill.

"Hindi ako naniniwalang mahuhulog si Kashi sa kagaya mo"

"Hindi rin ako makapaniwala" walang pakeng sabi ko bago kumuha ng tissue sa gilid at pinunasan ang kamay.

Nang makalabas ako sa cr ay nakita ko s'yang ngingisi ngisi habang magkacross ang braso, ngayon ko lang napansin ang suot n'ya. Ang lamig lamig pero naka spaghetti strap at hangang taas ng tuhod ang haba nung dress n'ya. Hindi ba 'to nilalamig?

"I'm done" sabi ko bago s'ya lagpasan. Agad s'yang sumunod at kung ano ano pang sinabi n'ya tungkol sa kung gaano sila kaclose ng pamilya n'ya at kung gaano nila kagustong sila ang maikasal, sinabi rin n'ya na kung hindi ako nandito ay malamang pag uusapan nila ang tungkol sa balak na kasal nila ni Kashi.

"Are you okay?" hindi ko pinansin si Kashi at ngumiti lang sa mga taong nakatingin sa'kin, maliban sa kan'ya.

"So Kashi told us that your mother died years ago, and your father married another woman but not that close to you right?" pilit akong ngumiti at tumango.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon