Chapter 29

470 15 1
                                    

Vienna PoV

"Pinagtitinginan tayo baka mamaya may makakilala sa'yo rito" mahinang sabi ko habang nakakapit sa braso ni Kashi.

Papunta kami ngayon sa kambal sabi ni tita Leny nandito raw sila pero kanina pa kami naglilibot ni Kashi at hindi parin namin sila nakikita.

"Sigurado ka bang dito yun? Parang ang ano ng mga tao rito" sabi n'ya.

Sure akong dito 'yun dahil sinunod lang naman namin ang sabi ni tita, sabi n'ya dito raw madalas tumambay yung kambal kaya malamang nandito sila.

"Ate Vein!" napatingin ako sa kung saan nung may marinig na tumawag sa'kin.

"Here they are" mahinang sabi ni Kashi habang nakatingin sa kambal na naglalakad palapit sa'kin.

"Anong ginagawa n'yo rito ate? Kuya?" tanong ni Jonnas.

"Magpapasama sana kami sa inyo papuntang bayan bibili ng mga gamit"

"Gamit? Anong gamit?"

"Pinto, kama tsaka stocks sana" sagot ko.

"Si mang Kanor nagbebenda ng pinto at yung sa kama ba ano bibilhin n'yo? Yung kama na foam o yung papag?"

"Gawa sa kahoy yung papag diba?" sabay na tumango ang kambal.

"Wala bang mas matibay dun?" sinamaan ko ng tingin si Kashi bago s'ya sikuhin.

"Why? Talaga naman ah dapat mas matibay na bilhin natin baka masira lang" sumibangot pa s'ya.

"Hindi ka na makakaulit kaya pwede na'yon" mas napasibangot s'ya bago hawakan kamay ko.

"Yeobo naman kahit isa lang sige na mamaya"

"No, yan din sinabi mo kagabi pero ano? Inabot tayo ng umaga"

"Sorry na"

"Pero kuya hindi magkakasya sa kwarto na tinutuluyan n'yo kapag gawa sa metal ang kama" sabi ni Joseph.

"Fine, papag nalang" napatango sila.

"Ubusin lang namin 'to" nanlaki ang mata ko nung may nakitang sigarilyo na nakaipit sa daliri nila. Hindi ko iyon napansin kanina psh kaya pala iba ang amoy nila kala ko sa ibang tao yung amoy sigarilyo.

"Alam ng magulang n'yo na nagsisigarilyo kayo?" sabay silang tumango.

"Ok lang daw sabi ni mama basta once or twice a week lang" sabi nila kaya napatango nalang ako. Atleast alam ng magulang nila 'di ba?

"Yosi kuya gusto mo? Nagsisigarilyo ka ba?" inalok ni Jonnas ng mighty si Kashi.

"Ayoko, ayaw ni yeobo ang amoy ng sigarilyo and yes I do smoke... before but I stopped when I moved in her house" maski ako ay napatango sa sinabi n'ya.

Buti naman at alam n'ya na ayoko sa amoy ng sigarilyo pero takte hindi ko manlang alam na nagsisigarilyo pala s'ya dati.

"Naninigarilyo ka pala? 'di ko alam yan ah" mahinang sabi ko, tumawa lang s'ya.

"Nagstop naman na'ko ok lang yan" then he pat my head. I just rolled my eyes.

"Saglit nalang ate" tumango lang ako sa kambal.

----------------

"Yeobo I think these will suits you" napatingin ako kay Kashi at nakita kong may hawak s'yang mga dress kaya lumapit ako para tignan iyon.

"Ang dami n'yan dalawa lang bilhin mo" sabi ko nung makitang limang dress pala ang hawak n'ya.

"I don't think so, sa tingin ko ok lang yung ganyan baka punitin ko lang yung tatlo kaya ok lang yan"

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon