Chapter 12

572 14 28
                                    

Vienna PoV

"Sigurado ka ba na rito yun? Eh wala pang naglalabasan" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nandito kami sa labas ng isang school ngayon pero wala akong nakikitang ni isang studyante na lumalabas.

"Yeah, let's just wait here, mamaya lang maglalabasan na'yon" sabi nito habang hawak ang cellphone n'ya at ang kabilang kamay ay nasa manibela parin..

"Nga pala ano korean name mo?" tanong ko, para hindi ako mabired lilibangin ko nalang sarili ko para tanungin s'ya nang tanungin

"Kizukuta Kin Hashi"

"Bakit naging Rin Kashi Kizukuta?"

"Gusto ko lang, saka siguro iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako nakilala nung mga nangbully sa'kin noon"

"Nakikita mo na ba sila? Nung dumating tayo dito?"

"I don't remember all of their faces but I remember that I encountered some of them in my concert, going crazy like an animal" ngising sabi n'ya na ikinatawa ko.

"Sabi nga nila, success is the biggest revenge. Hahahaha hindi ko maimagine itsura nila kapag nalaman nilang ikaw yung binubully nila noon"

"Well I don't want to tell them, baka lumuhod lang sila kakahingi ng tawad" mayabang na sabi n'ya kaya naman sumang ayon nalang ako. Tama naman s'ya, hindi malabong mangyari iyon.

Natahimik ulit kami dito sa loob ng kotse, hindi ko alam kung anong itatopic at naiilang narin ako dahil kanina pa s'ya nakatitig sa'kin!

"Kung yelo lang ako baka kanina pa'ko natunaw" sarkastikong sabi ko na tinawanan lang n'ya, naputol lang iyon nung tumunog ang phone n'ya kaya napatingin s'ya roon.

"Kung magiging tunaw na yelo ka man, ilalagay nalang kita sa baso at iinomin atleast now I know thay you're always with me. Hindi kita ilalagay sa ref kasi baka tumigas ka at maging cold nanaman sa'kin" ngising sabi n'ya bago magtype kaya napairap nalang ako.

"I wanna ask you, to know you better" bigla akong natigilan sa sinabi n'ya.

"Spill it"

"It's about your private life so it's fine if you don't want to answer" tumango ako bago n'ya ilapag yung phone n'ya at humarap sa'kin.

"Do you have any siblings?"

"I don't" agad na napakunot yung noo n'ya sa sagot ko bago nag aalangan na tumango.

"Where's your mother?"

"She died. 13 years ago I was only 13 back then" I forced to smile bago ako sumandal sa bintana at tumingin sa langit na nasa harap.

"Is it okay if I ask how? How did she died?"

"Accident nung may shoot sila"

"Shoot? Oh wait, she's an actress?" gulat n'yang tanong na tinanguan ko naman.

Everything disappeared like a bubble nung namatay si mama. I'm not sure dahil naaksidente rin ako pagkatapos mamatay ni mama at hindi ko naabutan yung mga bali balita pero tuwing sinesearch ko ang pangalan ni mama ay walang lumalabas, malamang baka ginamitan ni papa ng pera para itago. Pagkagising ko sa hospital ay wala na ang lahat, pati mga pictures ni mama na dati ay kung saan saan ko nakikita, wala narin. Maski sa bahay namin noon wala na, buti nalang at nung napunta ako kay lola ay may nakita akong picture namin kaya hiningi ko. Iyon yung family picture na nilagay ko sa kwarto ko. Ang natatanging picture na mayroon ako.

"Aenna Jaiden kilala mo?" tanong ko, agad s'yang umiling.

Ofcourse how would he knew that? psh you're so stupid Vein. Mas bata nga s'ya sa'yo at ilang taon palang ako noon kaya malamang hindi n'ya kilala.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon