Chapter 25

361 12 6
                                    

Vienna PoV

"Are you sure? Pwede namang ipostpone natin" sabi n'ya matapos kong sabihin ba ituloy ang flight namin mamayang madaling araw.

"Oo tsaka gusto ko na talaga makita sila lola" ngumiti ako para sabihin sure na talaga.

"Oh ok, if that's what you want" kinuha n'ya yung phone n'ya bago sumandal ulit.

Nandito kami sa sala, nakaupo sa sofa, kakatapos lang namin kumain kaya namamahinga na. Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa hospital at pinacheck up 'tong sugat ko, binigyan naman kami ng doctor nung isang oitment na iapahid daw sa sugat para mas mabilis gumaling.

"Yeah, sure na tsk 'wag kang magreklamo parang hindi ka nanghingi ng dagdag na pera sa'kin ah" malang sa malamang si Jake and kausap n'ya.

"Punta na'ko sa kwarto ko" paalam ko matapos n'yang kausapin si Jake. 

"Ok, take a rest ako na mag iimpake ng damit mo, susunod ako mamaya" tumango nalang ako at naglakad papunta sa kwarto ko. 

Maliligo muna 'ko para mamayang madaling araw na hindi na'ko maliligo tutal malamig naman. Naupo ako sa kama at dahan dahang tinanggal yung balot sa kamay ko tsk pano ko 'to babasain? konti nalang naman 'yung sakit pwede na ba 'yon?

"What are you doing?" napatingin ako sa pinto nung marinig ang boses ni Kashi, hindi ko pala nasara 'yun.

"I'm planning to take a bath" sagot ko bago s'ya makalapit sa'kin.

Naupo s'ya sa tabi ko bago hawakan ang kamay, hinayaan ko na s'yang tanggalin yung balot sa isang kamay ko. "Does it still hurt?" tanong n'ya bago marahang hinipan ang mga kamay ko.

"M-medyo"

"How will you able to take a bath with these?" he asked while still holding my hands. Sandali akong napaisip, 'yan din ang problema ko.

"Should I call Olive or your friend to help you?"

"Nasa trabaho pa si Olive at may sakit si Heinie hindi naman pwedeng magrush sila rito para lang tulungan ako"

"What should we do?"

"I... I think I can handle naman, tatawagin nalang kita pag may kailangan ako" agad s'yang tumango.

"Half bath or bath talaga? 'wag ang mag mo masyadong ibabad"

"Bath, baka tamarin ako mamayang madaling araw" tumango ulit s'ya bago tumayo. 

"I'll prepare your bathtub" tumango lang ako bago s'ya dumiretso sa cr. Naglakad ako papuntang damitan kko para kumuha ng damit. I bite my lower lips nung tumama 'yung palad ko sa isa sa mga damit, nyeta ang hirap naman!

Nung nakakuha na'ko ng susuotin ay naglakad na'ko papuntang cr. "Done" salubong sa'kin ni Kashi.

"Thank you" ngumiti lang s'ya bago ipat ang ulo ko.

"Call me when you need help, kahit 'wag mo na ilock yun pinto hindi naman kita bobosohan" sabi n'ya bago tumawa, napailing iling nalang ako bago s'ya lagpasan. S'ya na mismo ang nagsara nung pinto at sinara ko narin ang kurtina dito sa bathtub. 

Maingat kong hinubad ang suot ko para hindi gaanong tumama sa palad ko bago lumusog sa puro bulang tubig. Katamtaman lang ang lamig kaya medyo narelax ako.

*Tok*tok*tok*

Agad kong minulat ang mata ko nung marinig ang katok mula sa pinto.

"Yeobo"

"Oh?"

"Matagal ka pa? Sabi ko 'wag kang magbabad huh!"

"Kakapasok ko lang napaka oa mo!" pinikit ko ulit ang mga mata ko at napabugtong hininga pero agad din akong napamulat nung marinig kong bumukas ang pinto.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon