Chapter 39

283 10 34
                                    

Vienna PoV

28th day of January, Kashi and I held our wedding  in Baguio. Everything went smoothly, tanging pamilya ni Kashi, mga kaibigan n'ya, si kuya Arca at si Heinie lang ang umattend bukod samin ni Kashi at yung mga nag aasikaso syempre.

My father wasn't there, ayoko rin naman s'yang makita sa kasal ko. Pero mula nung makauwi kami rito sa Pinas ay hindi pa namin s'ya nakikita, hindi ko rin sure kung alam na ba n'ya na naalala ko na lahat pero sa tingin ko ay natunugan na n'ya.

He's busy traveling from one country to another, seems like he's really avoiding something and I know it's connected to me. Actually gusto nga ni Kashi na sundan namin s'ya kaso pinigilan ko na baka masayang lang din naman ang pera n'ya kaya ang sabi ko ay kapag nasa Pinas na ulit s'ya ay nun namin kokomprontahin.

"May concert ako next month, gusto ko sanang ipakilala ka bilang asawa ko kung okay lang sa'yo? Para rin hindi na tayo patago kapag lumalabas tayo. Gusto kitang ilegal sa buong mundo" sabi ni Kashi habang nag aayos ng suot n'ya, may shoot s'ya ngayon.

"Okay lang naman sa'kin kaso baka maraming magalit" hindi s'ya sumagot at maya maya pa ay lumapit s'ya sa'kin at matamis na ngumiti.

"It's fine, matatanggap din nila iyon tsaka aware naman sila na sooner or later magaasawa narin actually actually nangyare na nga, ikaw na ang asawa ko" he took his phone beside me and put it inside her pocket.

"May gusto kang pasalubong?" umiling lang ako at pinanood s'yang gumayak.

"How do I look?" Agad akong nagthumbs up sabay sabing "perfect"

He gave me a peck before he pinch my cheeks.

"I'll be heading now, don't forget to eat when you're hungry, order ka nalang kung tinatamad ka o kung gusto mo tawagan mo 'ko para makauwi ako saglit para ipagluto ka, hindi ko rin alam kung anong oras matatapos dahil may pupuntahan pa'ko, text nalang kita kung anong oras ako makakauwi" agad akong tumango at ngumiti, I have him a hug before he go.

----------------

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapahinga nung marinig ang sunod sunod na pagring nung phone ko.

Agad akong napabangon nung makita ang contact name ni papa sa screen. Ramdam ko ang biglaang pagbilis ng tibok nitong puso ko at panginginig ng kamay ko, ano gagawin ko? Sasagutin ko ba? Natatakot ako.

Huminga ako ng malalim at akmang sasagutin ko na nung bigla itong mawala. Seriously!? Bakit n'ya agad pinatay? Bakit ba s'ya tumawag tapos papatayin din naman agad? Hindi ko s'ya tatawagan. Bahala s'ya.

Akmang ilalapag ko yung phone ko nung tumunog ito. Nagtext si papa.

From: Fvcking abusive, rapist and killer
Where are you? Bakit hindi ka sumasagot?

Ofcourse si Kashi ang nagset ng name, laki na nang galit n'ya kay papa. Hindi na muna ako nagreply at tulad ng inaasahan tinext n'ya agad ang kailangan n'ya sa'kin.

Pinapapunta n'ya 'ko sa isang park na may kalayuan sa bahay, ang sinabi n'ya lang na dahilan ay may package s'ya na ako dapat ang magclaim dahil sa'kin n'ya ipinangalan.

Tamad akong naglakad papunta sa lagayan ko ng mga damit para magpalit. I chose to wear a simple gray t-shirt, black pants, black shoes and my jacket. I don't actually feel fine right now.

Dala ang phone at wallet ko, pumara ako ng taxi at doon sumakay, sinabi ko kung saan ako pupunta na agad naman n'yang tinanguan, sinabi pa n'ya sa'kin kung ano raw ang balak ko doon dahil nung napadaan s'ya ay marami raw tao ngayon doon.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon