Vienna PoV
"Doc" pagtawag ko kay Doc Olive nung makasalubong ko s'ya sa hallway, nakahawak sa kamay ko si Dolly habang hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang stainless steel kung nasaan nakasabit ang dextrose ko.
Pagkagising ko meron na'ko nito at hindi naman tinanggal nung nurse na nagcheck sa'kin kanina at sinabing dahan dahan lang daw ako para hindi mabigla ang katawan ko, may mga sugat at pasa rin ako dahil sa pagkakalaglag ko doon sa elevator.
"Oh gosh! Bakit lumabas ka? Dapat nagpapahinga ka ngayon" alalang sabi nito bago agad na naglakad palapit.
"Nasaan si Kashi?" natigilan s'ya sa sinabit ko bago kagatin ang ibabang labi at napabuntong hininga.
"5th floor, kumanan ka, sa dulo makikita mo s'ya doon. If you want I can take a look of your daughter first, I'm sure Kashi needs you there too" tumango ako bago tumingin kay Dolly.
"Sama ka muna sa kan'ya, baby pupuntahan lang ni mamma si pappa tsaka bibigay ka n'ya kay tito Arca kapag nagkita kayo okay?" agad na tumango ang bata bago tumingin kay Doc Olive.
"Pakibigay nalang s'ya kay kuya kapag bumalik na rito" ngumiti s'ya bago tumango.
"Cheer up, kailangan n'yong magpakatatag para sa isa't isa" pilit akong ngumiti bago tumangon, bahagya akong yumuko jaya agad na umalalay sa'kin si Doc, binigyan ko ng isang halik sa noo ang anak ko bago ilapit ang kamay n'ya kay Doc.
I gave them another smile before I turned my back at them and walk away. Tulad nung sinabi ni Doc Olive ay sumakay ako ng elevator at pinindot ang 4th floor.
Nung makarating na'ko sa sinabi ni Doc ay malayo pa man kita ko na s'ya at mas bumilis ang pintig ng puso ko nung makita s'ya ng malapitan. He was standing there, alone. Staring at something and his tears are flowing.
"Kashi" agad s'yang napatingin sa'kin at pinunasan ang luha, pilit s'yang ngumiti kaya naglakad na'ko sa pwesto n'ya.
"W-what are you doing here?" instead of answering he just look infront kaya napatingin din ako doon.
Nanlambot ang tuhod ko at sunod sunod na tumulo ang luha sa nakita ko. Puro dugo ang dalawang tela at may kung anong nakalagay sa gitna, alam ko kung ano ito at tila nadurog ang puso ko bago humawak sa babasaging salamin.
It's a fetus. Anak ko.
"Baby ko" mahinang bigkas ko, naramdaman ko si Kashi sa gilid ko na humawak sa bewang ko para suportahan ang nanginginig kong tuhod.
"K-kashi... yung baby natin"
"I- I know" mahina nitong sabi bago ilihis ang ulo ko sa dibdib n'ya, doon ko ibinuhos ang luha ko habang s'ya at tahimik lang at inaalalayan ako.
"Can we go there?" tumingala ako sa kan'ya, umaasang oo ang isasagot pero umiling ito.
"No, I'm sorry. Bawal daw pumasok sabi nung nurse kanina at pinahanda ko na rin ang paglalagyan n'ya. Pagpalakas ka yeobo, ililibing pa natin s'ya bukas sabi ni Olive ay hindi raw pwedeng patagalin iyon kaya wala tayong choice kundi ilibing s'ya bukas" sabi nito na mas ikinatulo ng luha ko, hindi ako handa sa ganito.
Iyak ako nang iyak habang mahigpit na nakahawak sa damit ni Kashi, yung baby ko. Wala na talaga ang baby ko. Tangina!
"Do you want to go back? You need to rest, samahan na kita doon. Sorry hindi ako nakapag paalam na pupunta ako rito"
"O-okay lang and I want to say h-here for a while" sagot ko habang nakatulala sa nasa harap. Hindi naman na s'ya umalma at nanatili nalang sa tabi ko habang nakahawak sa bewabg ko at inaalalayan ako. Nakakapanghina.
![](https://img.wattpad.com/cover/303249782-288-k813994.jpg)
BINABASA MO ANG
Living with an idol ✓
Teen FictionWARNING: There will be some chapters that are not suitable for young reader(s). What will be the pros and cons of living with a well-known, famous idol? Vienna Verquez Jaiden, a 26-year-old single woman and not interested in having any romantic rela...