Chapter 19

348 13 8
                                    

Vienna PoV

"I'll fetch you up later, don't forget" tqmad na tumango ako bago s'ya pagtulakan palabas ng bahay.

"Grabe atat na atat paalisin ako" nakasibangot n'yang sabi at nilabas yung phone.

"Wait lang Yeobo tatawagan ko pa ama mo" sabi n'ya kaya natigilan ako sa pagtulak. Sinara n'ya yung pinto bago sumandal doon.

"Aalis ka?" tanong n'ya pero umiling lang ako "eh bakit atat kang paalisin ako?"

"Look inaantok pa'ko, gusto kong matulog kaya nga umalis ka na para malock ko na yung gate ulit" 

"Kumain ka muna bago matulog psh 'di kasi 'ko sinabayan" maktol n'ya. Hindi ko s'ya sinabayan kumain pero pinanood ko parin s'ya bale kumakain s'ya habang ako ay antok na antok na pinapanood s'ya.

Hindi na'ko sumagot nung makitang nilagay na n'ya sa tabi ng tenga n'ya yung phone.

"Hello, papunta palang ako..... Yeah you should be there, don't worry I'll go home after or before lunch and you're free to do whatever you want" paglasabi n'ya nun ay binaba na agad n'ya yung phone.

"I gotta go, I'll see you later" malumanay na sabi n'ya bago dumapo sa pisngi ko ang labi tsaka ngingisi ngising lumabas.

I bite my lower lips before going out to look at him, I can feel the heat in my cheeks as he wink at me and start his car.

Agad akong pumasok sa bahay pagkalock sa gate nung umalis na s'ya at nahiga sa sofa. Antok na antok pa'ko.

Bumangon muna ko at naglakad papuntang kusina para kumain matapos nun ay bumalik ako sa sofa at akmang ipipikit ko palang yung mata ko nung may marinig akong sigaw sa labas.

"Vein! Gising ka na!? Pabukas nung gate!" I heard her annoying shout.

Inis akong bumangon at tamad na naglakad papunta sa pinto.

"Ang aga mo mang bulabog natutulog yung tao eh!" sigaw ko bago lumabas ng bahay.

"Good morning!" masiglang bati n'ya. Lumipat sa kasama n'ya yung tingin ko. It was Avan, he's smiling at me.

"Hindi manlang nag good morning sa'min nakakatampo ka" inirapan ko s'ya bago buksan yung gate.

"Para kang bakla psh ba't ba kayo nandito? Umagang umaga nang iinis kayo" sabi ko bago sila papasukin.

Naunang naglakad si Heinie at sumunod naman si Avan kaya ako parin ang nagsara nung gate. Ni hindi ko na makita si Heinie dahil sa maskuladong likod ni Avan.

Avan is taller than us but Kashi is taller than him, gwapo s'ya kaya maraming nagkakagusto although alam ko na nagkagusto narin si Heinie sa kan'ya noon, kung hindi ko lang s'ya pinsan baka nagkagusto narin ako sa kan'ya. May pagkamoreno s'ya at litaw na litaw ang dimple sa kaliwang pisngi kapag ngumingiti, may matangos na ilong at manipis na labi at mas malaki ang katawan n'ya kumpara kay Kashi, lagi ring nakaayos ang buhok n'ya unlike Kashi na tamad manlang magsuklay at wala pake kung magulo ang buhok oh well bagay naman sa kan'ya kaya ok lang.

"Kayo na kumuha ng makakain n'yo tinatamad ako" sabi ko at naupo sa single sofa. Nanood lang sa tv si Heinie samantalang si Avan ay nililibot ang tingin. This is his first time being here.

"So this is where you live. Maayos naman by the way sino kasama mo rito? Dito nalang ako titira, mas tahimik at maaliwalas kapag umaga sa lugar mo" mahinang natawa si Heinie bago siniko si Avan.

"Wag ka na makialam, masaya silang nabubuhay baka hindi na masolo kapag sumama ka pa rito" rinig kong saad ni Heinie.

"Sila? Sino kasama mo rito?" takang tanong ni Avan pero hindi ako sumagot.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon