Chapter 3

566 22 16
                                    

Vienna PoV

Natauhan ako nung marinig ang malakas na pag-ring nung phone ko. Hindi sinasadyang nasampal ko rin si Kashi kasabay ng pwersahang pagtulak ko.

Napahawak ako sa dibdib ko nung tila kumakawala na ang puso ko mula sa katawan ko.

"Fvck!" mura ni Kashi bago tumayo at naupo sa kama kaya nataranta akong tumayo at sinamaan s'ya ng tingin.

Ilang beses akong malalim na huminga habang naglakad papunta sa bag ko kung nasaan ang cellphone ko.

Heince is calling...

'Hello? Heince?'-

Napatingin ako kay Kashi, nahiga lang s'ya da kama at nanatiling nakatingin sa'kin. Kapal ng muka, hindi manlang nahiya parang nasa sariling kwarto n'ya s'ya huh.

'Hey! where are you?'- tanong n'ya kaya napakunot ang noo ko. Anong oras na bakit nagtatanong pa s'ya kung nasaan ako.

He's Heince Herrera, kambal ni Heinie at masasabi kong ang layo ng ugali nila. Mas mabait si Heince samantalang may pagkamakulit at malandi si Heinie. Mas matured s'ya mag isip at childish minsan si Heinie. Sa physical looks naman ay para s'yang male version n'ya, malamang kambal eh. Gwapo s'ya. Maganda si Heinie but ofcourse mas matangkad si Heince.

'Nasa bahay. Bakit?'-

'Nagpunta ako sa cafe na pinagtatrabahuhan n'yo pero nakasara na. May pinapabigay kasi si Heinie at dapat bukas ko ibibigay kaso kani kanina ko lang nalaman na ngayong madalig araw pala ang flight ko kaya idadaan ko nalang sa'yo 'to. Tulog narin si Heinie kaya hindi ko mabalik at nung binigay n'ya sa'kin 'yo ay sabi n'ya mahalaga raw kaya kailangan ibigan ko sa'yo ASAP'- mahabang sabi n'ya.

'Alright, nasaan ka ngayon? Pupunta nalang ako r'yan'-

'I'm at the park, malapit dun sa cafe. I'll wait you here'-

'Sige sige'- inend call ko na agad bago maglakad papalapit doon sa cabinet ko para kumuha ng jacket at pamalit manlang.

"Iiwan mo 'ko?" hindi ko pinansin si Kashi at pumasok lang sa cr para magpalit ng suot.

Halos mapatalon pa'ko sa gulat nung pagbukas ko sa pinto ay s'ya agad ang bumungad.

"Excuse me" agad naman s'yang gumilid kaya dumiretso ulit ako sa kama at kinuha yung phone ko, nilagay ko iyon sa pocket nitong jacket na suot ko bago tignan ang sarili sa salamin.

"Uwian mo 'ko. I'll wait"

"Bumili ka magisa mo. Hindi mo 'ko nanay kaya h'wag mo 'kong sabihan ng ganyan" tamad kong sabi bago maglakad papunta sa pinto.

"Vein naman" pagsusungit ko.

"Did I allowed you to call me Vein?"

"Ilang beses na kitang tinawag na Vein at ngayon mo lang tinanong yan so I guess yes? You allowed me" inirapan ko nalang s'ya bago tinuro amg labas ng kwarto ko.

"Lumabas ka"

"Why?"

"Anong why? Kwarto ko 'to. Roon ka sa kwarto mo" sabi ko, nauna 'kong lumabas at hinila pa s'ya para tuluyang mapalabas sa kwarto ko, baka mamaya rito nga s'ya sa kwarto ko maghintay wala pa naman akong balak bumili, sinadya ko ngang iwan wallet ko.

"Delikado sa babae umalis ng ganitong oras" sabi nito habang nakasunod sa'kin.

"I know. Maingat naman ako"

"Samahan kita"

"No need, magpahinga ka nalang balita ko buong araw yung concert mo kanina" sabi ko at narinig s'yang mahinang tumawa kaya napatingin ako.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon