Chapter 27

448 11 4
                                    

Vienna PoV

"What's that?"tanong ni Kashi sa paperbag na dala ko, nandito sa loob 'yung dress na galing kay tita Leny.

"Wala 'to, galing lang kay tita" napatango nalang s'ya bago kuhanin ulit 'yung timba na

Pagkarating namin ay naabutan namin si Kashi kasama 'yung kambal na nag iigib ng tubig. Pawis na pawis na s'ya pero sige lang sa pagbubuhat. 

"Wait sama 'ko, lalagay ko lang 'to sa kwarto" tumango sa'kin si Kashi bago ako tumakbo papasok ng bahay.

"Oh Vein nagmamadali ka?" tanong ni lolo nung makita ako.

"Opo, sasama ako sa kanila" pagbukas ko ng pinto sa kwarto namin ay basta ko nalang binato yung paperbag at umalis na.

"Nauna na sila, let's go?" tumango ako kay Kashi at inabot yung timba sa kamay n'ya.

"Ako na magdadala"

"Uhm ok pero hindi kita pagbubuhatin mamaya" tumango nalang ako at kinuha ang dalawang hawak n'ya.

"Ano pinag usapan n'yo nila lolo?"

"Usapang lalaki, secret na'yon" ngumisi s'ya bago ako akbayan, hindi na'ko umangal kahit puro pawis s'ya dahil nagbabalak naman na talaga ako maligo tutal may tubig na.

"Hindi ka nila sinaktan?" umiling s'ya, tahimik kaming naglakad papunta sa kung saan sila kumukuha ng tubig.

"Sabi nung kambal sa'kin kanina bukas daw aalis sila lola at lolo mo dahil magcecelebrate raw sila sa bahay ng tita mo, hindi ko sure kung gagabihin pero sasama ka ba?" tanong n'ya, ramdam ko ang pag init ng pisngi ko nung maalala ang dapat kong gawin bukas.

Ngayon palang kinakabahan na'ko, hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko na akitin s'ya pero kasi naman ayokong iwanan n'ya 'ko at gusto ko rin naman s'yang mapasaya syempre.  

"Paiwan nalang tayo sa bahay" napatango s'ya bago kumunot ang noo.

"Yeobo init na init ka na ba? Dapat hindi ka na sumama namumula na 'yung muka mo oh" alalang sabi n'ya at hinawakan ang pisngi ko kaya umiwas lang ako ng tingin.

"Wala 'to, 'wag mo nalang ako pansinin" sagot ko, nakita ko ang pagtataka sa muka n'ya pero kalaunan ay tumango rin.

"Oh ayun sila" agad kong tinuro kay Kashi ang kambla nung makita ko.

"Yeah, I know. Let's go" kinuha n'ya sa'kin ang timbang hawak ko bago kami makarating sa mismong poso kung saan sila kumukuha ng tubig.

"Last na ba 'to kuya? Puno na 'yung malaking timba 'di ba?"

"Oo, antayin n'yo nalang kami doon, bibili 'ko pangmeryenda" agad na napangiti ang kambal at tumango.

"Sige kuya, samahan ka ulit namin"

"Sus gusto mo lang samahan dahil matic na napapatingin 'yung mga babae, feelingero mo kala mo naman ikaw ang tinitignan" puna ni Jonnas.

"Ikaw din naman ah kapal mo kinilig ka pa nga nung may lumapit na babae sa'yo kaso ang tinanong pangalan ni kuya hindi namna interesado sa'yo" sabi kaagad ni Joseph.

"Nako kayong dalawa kayo ang babata n'yo pa babae na agad iniisip n'yo" sabay silang tumawa sa'kin, maski si Kashi natawa habang nagpoposo. Finiflex ba n'ya biceps n'ya!? Kaya ba s'ya nakasando lang!? Tsk kaya naman pala pinagtitinginan.

"Wag ka mag alala ate hindi naman namin sinabi pangalan n'ya kasi hindi rin kami sigurado tsaka hindi rin namin alam ang number n'ya kaya walang napala ang mga babae sa paligid n'ya" sabi ni Jonnas.

"Kashi ang name n'ya" tamad kong sabi at naupo sa isang bato.

"Ganda ng pangalan nahiya 'yung Joseph mo na galing pa sa bible demonyo ka naman"

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon