Vienna PoV
"We found the 6 cameras. 2 were placed at the bathroom, 1 in your closet, 1 near to your bed, and the other two was placed in the window" pinakita n'ya sa camera ang mga cameras na nakuha nila sa kwarto ko, nakalapag ang mga ito sa kama.
Hindi ko inaakalang magagawa ni papa ang ganitong bagay.
"Yung cr at kwarto mo check mo narin baka mamaya may nilagay rin s'ya doon" utos ko na agad naman n'yang tinanguan.
Kasama ko rito si Jelsey na nabobored daw sa kwarto n'ya kaya nandito s'ya, buti at nandito rin si Avan para libangin s'ya at hindi ako mailang. Si kuya Arca ang kasama ni Kashi sa bahay para maghanap ng mga camera.
"Arca labas mo na yung mga camera, sa likod ng bahay natin durugin. Titingin lang ako sa kwarto ko" rinig kong utos n'ya kay kuya Arca, hindi naman ako nakarinig ng angal mula kay kuya Arca.
"Kashi, yung tungkol sa pagnanakaw nung videos at photos-"
"Pinakuha ko na, sinabihan ko rin na dalhin nalang d'yan sa hospital kaya hintayin mo nalang baka mamaya maya nandyan na'yon dahil nagtext narin naman na nakapasok na raw s'ya" tumango ako sa sinabi n'ya.
"Vein, gutom ka na ba?" biglang tanong ni Avan kaya napatingin ako sa kan'ya, nakatingin lang s'ya sa'kin at si Jelsey naman ay busy sa cellphone ni Avan, hiniram ata n'ya.
"Hindi pa naman" ngiting sagot ko bago tumingin sa phone ko, kita kong busy si Kashi kakatingin sa bawat sulok ng kwarto n'ya, nakalapag lang yung phone n'ya at medyo malayo s'ya rito.
"Kashi!" agad s'yang tumingin at naglakad palapit. "Yes? Parang wala namang camera rito sa kwarto ko" tumango ako.
"Gusto kong Hawaiian pizza tsaka gravy" kumunot ang noo n'ya kaya sumibangot ako.
"Wews, hindi raw gutom pero nagpapabili ng pizza" sinamaan ko agad ng tingin si Avan kaya umiwas s'ya ng tingin.
Binalik ko ang tingin sa screen at nakatingin lang din sa'kin si Kashi na para bang nagdadalawang isip pa. "Ayaw mo 'kong bili?"
"Gusto namin ni baby ng pizza! Kashi!" nagulat s'ya sa biglaang pagsigaw ko kaya agad itong napatango, tila nagdiwang naman ang puso ko at masayang ngumiti sa kan'ya.
"Patayin ko na'to, punta ka agad dito. Inaantok na'ko, gusto ko paggising ko nandito ka na"
"Okay, durugin nalang namin yung mga camera tapos diretso na kami d'yan" tumango ako bago umayos ng higa. Nag paalam na ulit ako kay Kashi bago patayin ang tawag.
Pagkagising ko ay nandito na si Kashi, may pinag uusapan pa sila ni kuya Arca pero hindi ko na naintindihan dahil napako ang tingin ko sa pizza na nasa table.
Bumaba ako sa kama at ngiting lumapit sa lamesa, agad na napatingin sa'kin si Kashi at naglakad palapit.
"Nagdala narin ako ng mangga, sabi ni Arca yan daw karaniwang kinakain pag naglilihi" sabay turo n'ya sa mangga na nasa plastic katabi ang bagoong at gravy.
Ngumiti nalang ako at tumango, wala narin dito si Jelsey at Avan kaya baka umalis na sila nung natutulog pa'ko.
Ninamnam ko ang pagkain ng Hawaiian pizza na nilagyan ng maraming gravy. "Gusto mo?" agad na umiling si Kashi at pinanood akong kumain.
"Ayokong mangga" tinulak ko palayo ang plastic at kinuha ang bagoong. Nakita ko ang pagngiwi ni Kashi nung nilagyan ko rin ng bagoong ang pizza. Masarap naman ah.
"Ayaw mo talaga?" agad s'yang umiling kaya sumibangot ako. "Kahit isang kagat lang, tikman mo masarap naman"
Nagdadalawang isip s'ya kaya naman nagpacute pa'ko at umastang naiiyak kaya pumayag s'ya. He just took a little bit with an unpleasant reaction, mukang masusuka pa s'ya kaya matamis akong ngumiti.
BINABASA MO ANG
Living with an idol ✓
Novela JuvenilWARNING: There will be some chapters that are not suitable for young reader(s). What will be the pros and cons of living with a well-known, famous idol? Vienna Verquez Jaiden, a 26-year-old single woman and not interested in having any romantic rela...