Chapter 13

419 11 6
                                    

Vienna PoV

"Nakakahiya naman dito" mahinang sabi ko kay Kashi habang tumitingin sa paligid.

Halatang pang mayaman 'tong restaurant, ewan ko ba sa kan'ya sabi ko sa hotel nalang kami kumain tutal doon sa condo ron ay may pagkain naman na pwedeng lutuin pero sabi n'ya gusto n'ya raw ipatikim sa'kin yung mga sine-serve rito kaya pumayag nalang ako.

"Wala ka namang dapat ikahiya. Don't mind others, just focus on the food or on me" sabi n'ya at tumingin ulit sa inaayos n'yang camera, nalaglag ko kasi kanina kaya ayun inaaayos n'ya, kinabahan pa nga ako kasi akala ko masisira pero sabi n'ya ay ayos labg daw at matibay iyon.

"Sa iba nalang kaya tayo" mahinang sabi ko nung makita yung nasa isang table na nakatingin samin habang nag uusap.

I have a bad feelings about them. Baka mamaya rin ay makilala nila s'ya.

"But yeobo nakaorder na tayo, sayang din yung oras natin kung lilipat tayo" sabi n'ya kaya hindi na'ko sumagot. He's right naman.

Palihim akong tumingin sa doon sa grupo na nakatingin sa'min at nakatingin parin sila, nagbubulungan pa yung mga babae pero yung mga lalaki nakangisi lang, tatlong lalaki at dalawang babae yung nandoon.

"Kashi" agad s'yang napatingin sa'kin sabay sabing "bakit?"

"Matagal pa ba? Ipatake out nalang kaya natin tapos sa kotse nalang kainin" kumunot yung noo n'ya bago ipasok sa bag ang camera.

"Walang take out dito" sabi n'ya kaya napakagat labi nalang ako bago tumango at nanahimik na pero ramdam ko parin ang tingin n'ya sa'kin.

"You seems uncomfortable, let's go" agad akong napatingin sa kan'ya at ngumiti bago mabilis na tumango.

Akmang tatayo palang kami nung biglang dumating yung order namin "here's your order sir, ma'am"

Napatingin ako kay Kashi pero sa'kin lang s'ya nakatingin. Sayang iyon.

"Actually we need to go now you can have our order, don't worry I'll pay it" sabi ni Kashi at naglabas sa pera bago ilapag sa lamesa "keep the change"

"But sir we are not allowed to eat our costumer's order"

"Then give it to others"

Wala sa sariling napaantras ako nung makitang umakbay yung isang lalaki na nasa kabilang table kay Kashi, nakita ko ang pagkagulat sa muka ni Kashi nung makita yung lalaki sa kabilang gilid n'ya pero pilit n'yang pinakalma ang ekspresyon n'ya nung makitang nakatingin ako.

"Hey seusiboi tto mannaseo bangawo" ngiting asong sabi nung nakaakbay sa kan'ya na nakablue shirt.

(Translation: hey sushi boy it's nice to see you again)

"Museun il-iya? olaenman-ine uli seusinyeoseog-eun yeojeonhaji?" sabi nung isa pang lalaki at marahas na inakbayan din s'ya, akmang lalapit sana ako pero napatigil ako nung hawakan nung dalawang babae yung braso ko. Sino ba 'tong mga 'to? Kilala ni Kashi?

(Translation: What's up? It's been a while. Is our sushi guy still there?)

"Sir, don't cause trouble here" bakas ang kaba sa muka nung waiter.

"We're not fighting man, we're just talking to our friend" sabi nung isa pang lalaki na nakatayo lang sa gilid at naka brown na polo shirt.

Friend? They don't look like friendly. They're more likely bullying him!

"I never been your friend"

"Oh wow, now you're talking back?" tila manghang sabi nung lalaking nakared.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon