Chapter 37

306 11 9
                                    

Vienna PoV

"So what do you want for our marriage?" I almost spilled the juice in his face because of his question.

"Sinabi mo na sa magulang mo kung ano ang plano mo, iyon nalang" tamad kong sabi bago punasan ang bibig.

"But I honestly want to know about your ideal wedding. I'm afraid that my decisions are far from what you want" he said while looking at his foods.

"Honestly... I want a garden wedding but I'm also okay in what you said. The important thing is you are the groom and I am the bride"

"Yeah, that's the most important thing in our marriage" tumatangong sabi n'ya.

"Pagkatapos nito punta tayo sa bahay para magdecorate o may bibilhin ka pa?"

"Wala naman na" napatango s'ya bago magpatuloy sa pagkain.

Nandito kami sa restaurant at dito nalang daw kami maglunch sabi n'ya para hindi na hassle magluto sa bahay na pupuntahan namin.

----------------

Namangha ako sa laki at ganda nitong bahay na tinutukoy ni Kashi, sa tingin ko ay triple ang laki nito kesa sa bahay namin sa pinas.

"Bakit bumili pa tayo ng bagong Christmas tree kung meron ka naman neto" tinuro ko ang plastic na Christmas tree sa labas na napapalibutan na ng snow.

"Hassle kapag iyan ang ginamit natin tsaka maliit lang yan mas okay yung nabili natin" ngiting sabi nito na tinanguan ko nalang.

Hindi naman kaso kung malaki o maliit ang puno ang mahalaga ay may Christmas tree 'di ba? Tsaka mas ok siguro kung inayos nalang namin 'to kesa gumastos pa s'ya plus ang mahal pa nung binili n'ya.

"Let's come inside, I'll fire up the fireplace" sabi n'ya habang bitbit ang pinamili namin. May naiwan pa sa kotse kaya kinuha ko muna iyon bago sumunod sa kan'ya.

"Pakuha sa loob ng coat yung susi" agad kong nilapag ang dala ko at kinuha sa loob ng coat n'ya ang susi at binuksan ang pinto. Dinagdag n'ya sa dala n'ya ang bitbit ko kaya wala na'kong dala.

Hinubad ko agad ang coat na suot ko nung makapasok sa loob. Nagpalit narin ako ng sapin sa paa gaya ng ginawa n'ya. Sinundan ko s'ya at nakita kong nilapag n'ya ang mga plastic sa sala.

"Yeobo come here, dito ka maupo" sabi n'ya nang maupo ako sa sofa, tinuro n'ya ang upuan na malapit sa fireplace na s'yang sinisindihan n'ya ngayon.

"Kukunin ko yung dalawang box doon sa kotse, magpainit ka nalang dito" tanging tango lang ang sinasagot ko sa kan'ya bago n'ya kuhanin ang coat na hawak ko at sinabi sa coatrack.

Nung umalis na s'ya ay naglakad ako papuntang sofa at kinuha ang isang plastic na ang laman ay mga snacks bago bumalik sa inuupuan ko malapit sa fireplace.

Kinuha ko ang cookies at binuksan iyon bago ito kainin, actually I love this place. Mas gusto ko 'to kesa doon aa hotel, mas payapa kasi tsaka hindi na kailangan sumakay ng elevator kung gusto mong umalis tapos solo rin at maluwang.

"Saan ko lalagay yung Christmas tree? Sa sala o malapit dito" tinuro n'ya ang sala pagkatapos ay tinuro rin n'ya ang sulok dito at medyo malayo sa fireplace.

"Sa sala para mas magandang tignan" binaba ko ang kinakain ko sa coffee table na malapit sa'kin bago s'ya sundan papuntang sala.

"Mabigat yan" paalala n'ya nung akmang bubuhatin ko ang isang kahon, pagkakaalam ko ay dito nakalagay yung mga Christmas balls at ibang babasagin na binili namin.

Hindi kona ito binuhat at kimuha nalang ng cutter sa lamesa bago buksan ang kahon nung Christmas tree. I helped him fix it and soon after that we put the Christmas light around it and put the accessories for that tree.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon