Chapter 2

731 21 14
                                    

Vienna PoV

Nagising ako sa malakas at sunod sunod na katok sa pinto. Nakakainis, minulat ko ang isang mata ko at tumingin sa alarm clock na nasa bed side table, napaka aga pa! 5:30 am palang.

Inis kong itinakip sa ulo ko ang isang unan at pilit ang sariling matulog ulit.

"Hey, wake up! papasok na'ko r'yan kapag hindi mo pa binuksan 'to!" I heard him shout but I didn't bother to stand up, naka-lock yung pinto kaya hindi naman n'ya yun mabubuksan-

Natigilan ako nung marinig ang paglangitngit ng pinto at yabag ng sapatos papasok sa kwarto ko.

What the heck!?

"Hey, Vein, wake up" I can smell his manly perfume coming near me, niyukom ko ang kamao ko at pumikit ng mariin. Matulog ka, Vein, h'wag mong pansinin iyan.

"Hey!" I can now feel his hands on my pillow, trying to get it.

"Ano ba!? H'wag ka ngang istorbo" inis na sabi ko at bumaling sa kabilang side, muli kong ibinaon ang muka ko sa unan na yakap yakap ko.

"Wake up, tsk anong oras na baka malate ako" sabi n'ya na hindi ko pinansin, wala naman akong pake.

"Edi malate ka ba't ba kasi ang aga-aga nang i-istorbo ka!?" inis kong sabi nung bigla n'yang inagaw ang unan na yakap ko, muntik pa'kong matangay dahil sa lakas ng pwersa n'ya.

Natigilan lang ako nung makitang nakaayos na nga s'ya, mukang kakaligo lang at bihis na bihis na s'ya. Parang handa na ngang umalis eh.

"I'm hungry" sabi n'ya at walang pasintabing naupo sa kama ko kaya napausog ako palayo.

"Edi magluto ka tsk inaantok pa'ko" sinubukan kong hilahin ulit ang unang hawak n'ya pero iniwas n'ya lang iyon at nilagay sa kabilang side n'ya, malapit sa paanan ko. 

"I'm busy, please wala akong time magluto"

"Walang time magluto pero may time mang istorbo at mangulit sa'kin?"

"Oo" sagot n'ya kaya napairap nalang ako at tinalikuran s'ya. Muli kong pinikit ang mga mata ko at niyakap ang isa pang unan na inuunan ko, bumaba tuloy, tatlong unan lang ang nandito sa'kin na ginagamit ko, isa na iyong nasa paanan kong nilagay n'ya. 

"Woy dali na nagugutom na'ko" sabi n'ya at niyugyog yung baliktad ko kaya mas sinubsob ko yung muka ko sa unan.

"Aish! bahala ka sa buhay mo, magutom ka kung ayaw mong magluto"

"Hahayaan mo 'kong magutom?" pinalungkot pa n'ya talaga yung tono ng boses n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya, pati ang ekspresyon n'ya ay pinalambot din n'ya.

"Malamang, sino ka ba para pagsilbihan ko?" sabi ko bago umiwas agad ng tingin, hindi ako magpapadala kahit gaano kagwapo pa s'ya.

"Sige na kasi, Vein, woy susubong kita sa papa mo" pananakot n'ya.

"Edi isumbong mo"

"Tsk" rinig kong sabi n'ya bago manahimik kaya nakahinga na'ko ng maluwag. Sa wakas hindi narin s'ya mangungu-

"Hello... 'di ba naghahanap ka ng aso?" napatingin agad ako kay Kashi sa narinig ko, seryoso ang muka n'ya habang ang cellphone n'ya ay nakatapat sa tainga.

Hindi sana ako maniniwala dahil baka pinaprank lang n'ya 'ko. Hindi sa'kin gagana ang ganoon pero takte! May narinig akong boses ng isa pang lalaki sa kabilang linya na 'oo raw' at tinanong kung may alam ba si Kashi. Putek.

"Yeah, may iooffer ako sa'yo..... aso ng friend ko at wag ka mag alala maganda naman yung aso" pinandilatan ko s'ya pero hindi n'ya 'ko pinansin at tumalikod sa'kin kaya agad akong umayos ng upo.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon