Vienna PoV
Para akong tanga na nakatulala sa malayo. Kaninang magising ako ay naabutan ko pa si Kashi na natutulog sa lapag, pawis na pawis s'ya dahil sa init samantalang ako ay konti lang, siguro dahil pinaypayan n'ya 'ko magdamag? Pero nung nagising s'ya ay hindi na ulit kami nagpansinan.
Hangang ngayon ay wala paring kuryente dahil nabuwal daw yung poste at natamaan ang wire ng mga kuryente kaya heto tiis tiis sa init. Nakaupo lang ako sa sala at sila lola ay pumunta sa amiga n'ya. Si Kashi ay ewan ko dun. Kaming dalawa lang ni Rhein ang nandito, ewan ko bigla nalang s'yang pumunta rito sasamahan daw ako.
Kanina pagkagising ko ay tinanong ko kay lola yung tungkol sa marinig ko kagabi at sinabi n'ya na yung sa kadena raw ay may nakapasok na aso at nagpatulong pa s'ya kay Kashi hanapin at ibigay sa naghahanap, yung sa bubong naman ay napagtripan lang daw siguro ng mga batang magbato ng mga bato.
"Ate Vein alam mo ba umalis si kuya Kashi para ipagawa yung phone n'ya" hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa libeong nasa kamay ko. Hindi ko ito binabasa, halos tinititigan ko na nga lang.
"Kinausap din ata n'ya si mama na papuntahin ako rito para may kasama ka, nakita ko s'ya nun kaso paalis na kaya hindi ko na natanong" nagpanggap akong hindi nakikinig at nilipat ng page ang book.
And why did he do that? Kaya ko namang mag isa, hindi na'ko bata para laging samahan.
"Tapos alam mo ba ate kagabi nakita ko rin s'yang nakasunod sa'tin, ewan ko ba sinenyasan lang n'ya 'kong wag maingay nung nakita n'ya 'kong nakatingin sa kan'ya, kala ko nga susurpresahin ka n'ya kaya hindi ko sinabi sa'yo kaso bigla nalang din s'yang nawala"
So s'ya nga. S'ya nga yung nakita ko sa perya. Pero bakit ang sabi n'ya kay lola nanood s'yang basketball? Tsaka ba't kailangan pa n'ya magtago?
"Ate nag away ba talaga kayo? Kasi kapag nakikita ko s'yang nakatingin sa'yo eh ang lungkot ng mga mata n'ya tapos ikaw naman parang wala ka sa sarili" nilipat ko ulit ang page at nagpanggap na busy.
"Tulad ngayon. Ate nakabaliktad yung libro at nakailang lipat ka narin ng page, nababasa mo ba?" agad kong binitawan ang libro bago tumayo. Nakakahiya. Ang tanga mo Vein.
"Maliligo na muna 'ko, tapos gala tayo kahit saan"
"Huh? Sige" naguguluhang sagot n'ya. Ngumiti lang ako bago maglakad palayo.
Napabuntong hininga nalang ako bago maglakad papuntang cr. Ganoon ba'ko kaobvious? Para 'kong tangang nag momove on pero maya't maya naman kaming nagkikita.
Napabagsak ang balikat ko nung makitang walang tubig, inubos ni lola at hindi manlang sinabi sa'kin okaya ay dapat inutusan n'ya si Kashi.
Naglakad ako palabas ng cr pero nakakaapat na hakbang palang ako nung napahinto ako dahil sa lalaking nakasalubong ko. He just look at me before walking, nilagpasan n'ya lang ako.
Napairap nalang ako bago diretsong pumasok sa kwarto pero dahil mainit dito ay hindi rin nagtagal ay lumabas din ako. Napahinto ulit ako nung makitang dadaan s'ya sa gawi ko, may hawak s'yang dalawang timba, malamang mag iigib.
"Oh ate Vein nagkita naba kayo ni kuya Kashi? Hinahanap ka n'ya pagkarating n'ya rito ah" tanong agad ni Rhein pagdating ko sa sala.
"Nakasalubong ko s'ya" sabi ko at naupo.
"Nag kausap na kayo?" umiling lang ako.
"Bakit?"
"Bakit? Wala naman kaming dapat pag usapan"
"Ay nako ate ewan ko sa'yo. Pero alam mo ate dapat ayusin n'yo agad yan baka lumaki pa yung away n'yo sige ka baka pagsisihan n'yo rin pareho sa huli, pareho lang kayong nahihirapan" hindi ako sumagot at itinuon lang sa librong hawak ang atensyon.
BINABASA MO ANG
Living with an idol ✓
Teen FictionWARNING: There will be some chapters that are not suitable for young reader(s). What will be the pros and cons of living with a well-known, famous idol? Vienna Verquez Jaiden, a 26-year-old single woman and not interested in having any romantic rela...