Hapon,oras ng uwian. Papalubog na ang araw at narito ako ngayon sa likuran ng school,nakatayo at magkakrus ang dalawang braso. Pinagmasdan ko ang lalakeng nakatayo sa aking harapan mula ulo hanggang paa.
Naka gel ang buhok at mala jose rizal ang datingan. Malinis at tuwid na uniporme. Suot nito ang black rim-horn glasses at bitbit sa braso ang nagkakapalang libro. Krius Hilltom from 1-A section. Filthy rich but a fucking lame nerd.
"So you want me to teach you how to get laid?"taas kilay kong tanong at binuga ang usok ng sigarilyo diretso sa mukha niya. Natawa ako nang umubo ito at mahirapang huminga.
"Y-yes..."mahina at nahihiya niyang sabi,palingon lingon pa ito sa paligid at baka may makarinig.
"Bakit ako ang napili mong hingian ng tulong? Do I look like a whore to you?"matalas ko siyang tinignan.
"It's...not like that."humigpit ang pagkakayakap niya sa libro at napayuko,nakipagtitigan ito sa lupa. Hinintay ko ang sasabihin niya pero hindi na ito nasundan pa.
Pinuspos ko ang sigarilyo at tinapon sa tabi. Nakarinig ako ng mga hagikhikan at nahuli ang kumpulang estudyante na pasikretong nanonood.
"Tangina,anong tinitingin tingin niyo?"angil ko sa mga ito. Nang malamang nahuli ko ang pinagtataguan nila,mabilis silang kumaripas ng takbo palayo. Fucking immature shitheads. Wala talaga silang balak na tigilan ako ano?
"A dare."saad ko sa lalakeng naiwan,nakatayo na parang tuod at hindi makagalaw sa takot.
"S-sorry..."puro yan nalang ang lumalabas sa bibig ng mga taong katulad niya. Hindi na bago ang mapagtripan ito. Siya nga palagi ang pinagkakatuwaan dahil sa ayos ng pananamit at pag uugali niya.
The students here are all rich. Walang pakialam kung mayaman ka dahil mayaman din naman sila. They will pick fights sa mga taong makikitaan nila ng kahinaan o kapuna puna.
Palagi nalang din ako ang nadadamay sa mga kagaguhan nilang dare nayan. I'm known for being a delinquent,iniiwasan at kinakatakutan ng karamihan porke kinulayan ko ng asul ang buhok,naninigarilyo,may tattoo at bisyo. Hindi naman ako masamang tao,ewan ko ba sa kanila.
Ako ang pinaka challenging na hamon para sa mga tangang 'to kaya ako ang kadalasan nilang pinipiling target. Umaasa na kapag may nang inis sakin,sasaktan ko.
"Why are you letting those scums treat you like that? Nasa 20s na tayo,magbasa ka ng webtoons,maraming bida doong katulad mo na isang nerd at kinabukasan maglalakas loob labanan ang mga bullies. Malay mo makahanap ka ng inspirasyong gumaya."biro ko dito at tinapik ang kanyang braso.
Sinukbit ko ang bag at naghahanda na sanang umalis nang pigilan niya ako.
"Uhm...about kanina.."panimula niya.
"Don't worry about it. Hindi ako nagtatanim ng poot. I'm not that petty to be annoyed by such little things." I waved my hand and was about to dismiss him.
"T-that's not it!"pigil niya sakin. Naiirita ko siyang nilingon at ngumisi.
"Don't tell me you were serious about asking me to teach you sex?"natatawa kong sabi. Napailing nalang ako nang hindi ito sumagot pero sapat na malaman dahil sa namumula niyang pisngi.
It was a dare at first, I'm sure of it. Anong nangyari at naisipan niya gawing makatotohanan? Seems like he wants to fuck with me.
"I don't fuck nerds."sambit ko dito at tumalikod,naglakad ako palayo.
Saan nakukuha ng lalakeng 'to ang lakas loob? He was bold for a geek.
"5,000 per session..."
Napahinto ako sa paglalakad. Hindi niya ata alam kung paano tumigil. What makes he think that I will get swayed with money? Inaapakan niya ang dignidad ko. Bayaran bang babae ang tingin niya sakin?
"We can start now."ngisi ko dito at inilahad ang kamay.
Hindi naman sana ako papayag pero nang makita kong walang laman ang pitaka,mapapasubok talaga ako nito.
"N-ngayon? Pwedeng bukas nalang?"gulat niyang sabi at napaatras. Malamig ko siyang tinignan at humakbang paabante.
I trapped him with my arms on the wall, "Got a cold feet? I need the money now. What, you're gonna run away?"
Namutla ito at tinakasan ng dugo. Napagtanto niyang seryoso ako at hindi nakikipagbiruan. Mariin ko siyang tinitigan sa mata. Siya ang nagsimula nito,dapat lang na gampanan niya hanggang huli.
Pinadaan ko ang daliri sa necktie niya,I pulled him closer. "We can go somewhere private." I whispered right through his ear,intensyon kong sinayad ang labi sa namumulang tainga.
Malinaw na malinaw ang reaksyon siya. Para lang akong nagbabasa ng libro. The way his innocent eyes move,hindi mapakali at hindi ako matignan ng diretso. He's avoiding eye contact. Madali ding mag flush ang kabuuan ng mukha niya dahil sa maputing balat. Now that I look at him more closer. This guy ain't that bad at all.
Malalantik at mahabang pilik mata sa likod ng salamin na suot,high straight nose and pink cupid bow lips. He has this goody two shoes naive yet adorable face. His gelled hair ruin it all though.
"I...I think we should t-take it more slowly.."mabibigat ang paghinga at kinakabahan niyang sambit. Lumayo ako sa kanya para bigyan siya ng personal space. Para kasing mamaya lang ay hihimatayin na siya sa sobrang pula,nakakahinga pa ba ang lalakeng 'to?
"Sure. Kung yan ang request ng client. Wag kang mag alala,hindi naman tayo magsesex agad."sabi ko nalang. Hinila ko siya pasakay sa pedicab.
"W-where are we going?"nababahala niyang tanong. Can this guy chill and not stutter everytime? Parang inaalipusta ko eh.
"I told you,we can go somewhere private."
"P..pero! Pwede ko naman sayong ibigay ng advance ang payment kung kailangan mo talaga ngayon ng pera, n-next week nalang tayo mag start."angal niya at pilit na umaalis sa pedicab pero nauntog lang siya dahil sa katangkaran at paghaharang ko.
Next week niya pa gusto kaming mag start? How naive and stupid can this guy be.
"Stupid, what if I ran away with that money and not give you anything back?" I don't even know kung bakit sinabi ko pa yan sa tangang 'to. Kung hindi ako nagkakamali, maihahalintulad ang lalakeng to sa isang uto-uto.
"Then it's okay!"nakahingang maluwag niyang sabi.
Nagpapatry hard to get ba ang lalakeng 'to o ayos lang talaga sa kanya? Kung ayaw niya talagang makipag make out sakin,why did he asked me in the first place? I don't get it...
"Fine. Ito ang numero ko,tawagan mo nalang ako kung kailan tayo magsisimula. May pupuntahan din naman akong trabaho ngayon."ibinigay ko sa kanya ang papel kung saan nakasulat ang contact number ko.
Umiba ang ekspresyon niya sa mukha nang mabanggit ko ang tungkol sa pupuntahan na trabaho.
"Ack!"dalawang beses na ang pagkauntog niyang yan. Sumakay siyang muli sa pedicab hapo ang noo.
"Oh,akala ko ba next week na tayo magsisimula? Nagbago nanaman isip mo?"taka kong tanong. Humigpit ang pagkapit niya sa strap ng bag.
"L-let's do it."
Mahina akong tumawa at marahang hinimas ang namamaga niyang noo, "Try to say that without stuttering next time." I smirked.
Dazed from my actions,napatulala nalang ito.