Hindi ko alam kung saan pupunta. Naninibago ako dahil wala ngayon si Krius na palaging nakatambay sa apartment ko. Sanay naman akong mag isa, pero mukhang nasanay din ako sa presensya niya.
"Vallen, how was your day?" Mula sa kabilang linya. Medyo paos at inaantok ang boses ni Krius. Pagod galing sa trabaho. Wala namang kami pero nagawa niya pang tumawag at mag update kada oras.
"Sakto lang. Magrereview ako mamaya dahil malapit na ang exams. Ikaw ba, kamusta?" pagbabalik ko ng tanong. Umupo ako sa swing at idinuyan ang sarili. Dito ako sa madilim na parke dinala ng mga paa. Ito yung malapit sa coffee shop kung saan kami mag i-study session. Binalikan ko ngayon dahil sa katunayan ay nagustuhan ko ang pagiging tahimik at perpektong ambiance. Masarap dito mag munimuni.
"No sleep since I've arrived here. Na...n-namimiss na po kita." Nahihiya nitong ani.
Tumaas ang sulok ng labi kong ngumisi. Sa totoo lang ay wala ako sa mood para kumausap ngayon ng kung sino. Inaccept ko lang ang tawag ni Krius because that guy can be so dramatic if I didn't give him attention. Not bad, gumaan ang pakiramdam ko sa maamo niyang boses.
"Don't rush. Two weeks lang naman tayong hindi magkikita. Mabilis lang ang panahon." natatawa kong sabi kahit ang totoo ay medyo namimiss ko din ang nerdy na'to. Gosh, ang lamig kasi sa apartment, mas mahimbing ang tulog ko kapag katabi siya. I miss cuddling and kissing him.
"T-that's not what I want to hear.... Can you please...say that you miss me too?" Pagiging clingy niya, I can imagine that he's pouting now. Kumuha ako ng isang stick sa bulsa at sinindihan muna ito ng lighter. Medyo may amats ako ngayon kaya hindi ako tutol kung magpapaka sweet muna.
"I miss you too, nerdy." binugahan ko ng usok ang speaker. Krius didn't say anything after that. Nakarinig lang ako ng ilang kaluskos.
"I..I think I should schedule a flight to Philippines for tomorrow."
Napahagalpak ako sa tawa. Bilang sa daliri mag joke ang nerd na iyon kaya hindi malabong totohanin niya. Kinumbinsi ko ito na huwag ituloy ang binabalak. Hindi ko naman alam ang sitwasyon sa company nila at ayoko din makaabala. It's also not good decision dahil pag uwi niya, alam kong hindi sa pagrereview matutuon ang atensyon ko.
"Tell me anything you want, Vallen." pangungulit sa akin ni Krius. Kanina niya pa ako tinatanong kung ano ang gusto kong pasalubong. Napa brainstorm tuloy ako dahil hindi naman ako materialistic na tao. Kuntento ako sa make ups ngayon at nakakabili naman pag ubos, nakatambak lang din sa kabinet ang mga damit dahil madalang akong pumorma. Treats from abroad? Krius would probably bought some even if I didn't asked. Alak kaya? Ah! Alam ko na!
"Nag crave ako bigla ng house and lot, Krius." ngising aso ko sa aking papa de asukal ft. friend, and fuck buddy. Syempre biro lang iyan, hindi talaga house and lot ang nasa isip ko.
"Sure! May naisip ka na bang location? I can recommend you some architects and engineers."
Laglag ang panga ko sa narinig. Nagbibiro ba siya o ano? Parang chocolate lang ang hiningi ko ah! Bago pa man niya seryosohin ng bongga ay umalma na ako.
"B-biro lang! Hindi house and lot okay? I'm fine with my apartment. Pag uwi mo dito, samahan mo nalang ako mag spend ng sembreak sa Boracay. Libre mo syempre!" pangungupal ko. Big time talaga ang nerdy na'to. Kanina niya pa kasi ako kinukulit, ayan tuloy at kumagat ako sa tukso. Mapapagastos siya for sure.