"You're fucking insane, Cia!" River pushed me away from awaiting death. Siya na ngayon ang pumalit sa dulo ng bangin at ako naman ang nalugmok sa magaspang na lupa. Napunit ang palad ko nang tumama ito sa bato dahil sa pagkakatulak sa'kin ni River. I didn't mind the pain, natawa lang ako dahil alam kong ito ang gagawin niya. Tama si River, baliw nga ako. While him, is the kindest boy ever.
"Anong gagawin ko para tumigil ka sa kahibangan mo? What will I do to make you to stop scorning yourself? Why....just w-why..." River ran his hands on his face. Nagsugat ang mukha niya dahil sa ilang pitak ng mga bubog na gumagasgas. Tinanggal niya ang basag na salamin kaya malinaw kong nakita ang mugto niyang mga mata na tila umiiyak ng dugo.
Nasalamin ko ang sarili sa kanya. Kapaguran at poot. He has nothing to do with me, he shouldn't be angry in my stead.
"Why, Cia..?" River crouched down and held my hand, pinupunasan niya ang sugat doon habang tumutulo sa palad ko ang maiinit niyang luha.
"Why are you hating yourself and not those who wronged you?"
I don't know. I bit my lips and shake my head. I don't know...
Bakit nga ba? Galit ako sa mga taong umalipusta sa'kin pero bakit mas galit ako sa sarili ko? Bakit gusto kong patayin ang sarili at hindi sila?
"Sila ang madumi at hindi ikaw. You said you were thirteen....C-cia...ang bata mo pa. Wala kang alam sa ginagawa mo, hindi mo kontrolado ang mga nangyari. Huwag mong akuin ang kasalanan ng iba, biktima ka Cia, b-biktima ka." Nanginginig ang mga kamay ni River na hinawakan ang kamay ko at idinikit ito sa kanyang noo, nangangatal ang labi niya sa hikbi. River is crying harder more than the night he shared what my mother did to him. He's crying for me, and my heart achingly craves for it.
I dreamed of this... For someone to cry with me and feel my suffering, for someone to care for what was loss and stolen from me. Sa'tuwing binabahagi ko naman ang kapiraso ng buhay sa iba ay hindi ako nagiging ganito kaemosyonal. Subalit umiiyak ako ngayon dahil sa lahat ng nakaalam, si River lang ang sumimpatya sa'kin. It doesn't feel real. Lahat ng ito sa'kin ay bago, sa sobrang bago ay ayokong paniwalaan.
"S-stay away from me, River. Lumayo ka sa'kin kung hindi mo ako kayang samahan sa kamatayan! L-lumayo ka sa'kin kung hindi mo papatunayan!" tinulak ko siya palayo, pumiglas ako at pinaghahampas siya. Walang halaga ang pinapakita niya dahil kahit anong mangyari, hinding hindi ko ito paniniwalaan. Ubos na ako... Tama na. Ayoko nang magtiwala pa.
"River...samahan mo nalang ako." nanghihina kong pakiusap. Lumalakas ang hikbi ko dahil sa kawalan. Bawat araw, ang tangi ko nalang na ginagawa ay sumilip kung ano pa ba ang meron para sakin, kung ano nalang ang natitira. Pakiramdam ko kasi'y simot na simot na. Gusto kong magpahinga, pero hindi ko naman talaga pakay na akayin si River na sumama sa'kin. Sinusubukan ko lang siya, tinutulak siyang isugal ang buhay kapalit ng tiwala ko na alam kong hindi niya naman gagawin. Dapat lang...dapat lang na hindi. Para magkaroon ako ng pundasyon at palusot huwag lang mahulog sa mga sinasabi niya.
Kasi kaunting pilit nalang... kaunting diin nalang ay baka tuluyan akong manalig. Pagkatapos ay ano? Masasaktan at madidismaya lang ako sa dulo.
"Cia.. Iyan ba talaga ang gusto mo? Halaga ba ng buhay ko ang basehan para paniwalaan mo ako?" Ikinulong ni River ang nanlalamig kong pisngi sa nanginginig at mainit niyang kamay. Nakadungo ako at tinatanggihan siyang sulyapan.
"My life costs nothing, but yours is everything." he whispered. Napadungaw ako nang idikit niya ang noo sa'kin. Siya naman ngayon ang mariing nakapikit, tagpo ang mga labing nangangatal, tahimik siyang lumuluha para tiyakin na hindi ko marinig ang kanyang iyak.