"So G ka ba?" Kanina pa ako kinukulit ni Peyton. Nagdidisucuss na lahat lahat yung teacher pero todo padin siya kakadaldal sakin patungkol sa offer niya. Napasulyap ako sa whiteboard ngunit panandalian lang dahil nahatak nanaman ang atensyon ko sa kaawa awang itsura ng babaeng 'to.
Magulong buhok, may pasa sa pisngi at black eye. May mga kalmot din siya sa leeg at mukha. Yung uniporme niyang kanina na mas maputi pa sa ngipin ko ay nabahidan na ng iilang maliit na patak ng dugo at alikabok. Nagmukha tuloy siyang engot.
Kanina pa siya ang topic dito sa classroom, nakatikim nadin siya ng sermon sa lahat ng teachers bawat subject. For sure na papatawagin din ang parents niya bukas. This is her second warning, make it third and expulsion ang aabutin niya.
"Ayoko. Kung ikaw namomroblema sa pag aaral mo, ako hindi." walang gana kong tanggi sa alok niya. Sumandal ako sa bintana at tamad na pinanood ang mga ibon na dumadapo sa sanga ng puno. Nakakaantok.
"No way! Pagkatapos lahat ng ginawa ko, tatanggihan mo lang?!" inis niyang sambit, pinanlisikan pa ako ng mata. "Bitch."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Anong ginawa? Pinilit ba kita makipag warshock? Ikaw 'tong tanga na pinatulan yung mga yon. Hindi kita inutusan na ipagtanggol ako kaya wag kang magsalita na parang utang na loob ko pa 'yon sayo."
Ang hirap makipagtalo sa bobo. Ewan ko ba kung bakit pinipilit ako ng babaeng 'to na samahan ko daw siya kuno sa study session nayan. Kaya pala kanina pa daw niya ako hinahanap. But oh well, this is Peyton we're talking about. Talaga bang study session ang tinutukoy niya? Baka mamaya ibang session nayan.
"Fine! Pero pag isipan mong mabuti. Aminin natin na tayo yung pinakabobo sa section na'to—"
"Ikaw lang, wag mo ako dinadamay."
"Tingin mo nagbibiro ako?" she cocked an eyebrow, "Baka nakakalimutan mo na naka uno ka lang sa quiz natin sa Pre-Calculus. Uno. Over 35. Tapos bonus pa!" may pagdidiin niyang sambit. I can't believe she's trying to use my damned score to get a lead in this nonsense conversation.
"At least naka score! Ikaw nga zero eh. Mag e-spelling nalang nga ng bonus, bunos pa!" balik ko.
"Typo lang!"
"Tanga, written work 'yun."
"Miss Kozlov and Guzman! Solve this problem on the board! Now!"
Ang ending, parehas kaming pinahiya sa harapan matapos mahuling nagdadaldalan at hindi nasagot ang math problem sa board. Pina squat kami sa dulo ng classrooms buong klase. Alam niyo ba kung ilang beses ko pinatay si Peyton sa isipan ko? Magugulat kayo sa dami.
"Putanginang math problem yan, pinapasolve sakin eh dami ko na nga problema!" reklamo niya. Kapwa kami namimilipit at nakahilata ngayon sa sahig dahil sa pangangalay ng buong katawan.
"Tangina ka, kasalanan mo 'to! Pati ako nadamay!" inis kong sabi.
"Eh bakit ba kasi ayaw mong pumayag? Sasamahan mo lang naman ako sa study session! May benefits ka din naman matutunan doon dahil paparating na exams!" pagsisimula niya ulit. May punto naman siya pero sadyang wala lang talaga akong tiwala sa babaeng 'to.
"Bitch, tingin mo mauuto mo ako? Ikaw pupunta sa study sessions keme nayan? Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa grades, tsk." I rolled my eyes and stood up. Nagsimula 'kong burahin ang ink na nakasulat sa whiteboard. As a punishment, kami din dalawa ni Peyton ang inatasan maglinis. Bwisit.