"Ughk.." Naduduwal akong napahawak sa bibig at naninikip na sikmura. Umawas ang malagkit na kanin at kayumangging likido paangat sa aking lalamunan at bibig. Naisuka ko ang lahat ng kinain mula kahapon at kaninang umaga. Pawisan kong inalalayan ang sarili sa magkabilaang gilid ng inidoro at walang lakas na kinalabit ang flush.
Hinihingal akong napaupo sa maduming tiles ng banyo at pinanood mawala sa inidoro ang pangatlong suka na aking inilabas. I noticed some blood mixed with my vomit. Nangapal ang sentido ko sa pagkahilo at sumasakit na ang lalamunan.
I didn't know how many minutes I've already spent shutting myself inside this small cubicle. Lahat ng natitira kong lakas sa katawan ay naisama din sa mga pagkaing inilabas.
"Shit." I cursed, not expecting how things will unfold and find myself instinctively searching my pockets again. Wala ang hinahanap ko sa bulsa. Of course, it has been many months since I forget that bottle. Nakatambak nalang iyon sa aparador ng apartment ko.
I thought I was getting better...but why do I have to see her?
Hindi ko man lang magawang matawa ng mapakla. Hilig ba talaga akong paglaruan ng tadhana?
Mariin kong naipikit ang mga mata at napasabunot nalang sa buhok. Narinig ko ang pagkapunit ng aking anit dahil sa matutulis na kukong bumabaon. Naiipon ang makakapal at pinaghalong emosyon sa dibdib ko, mabilis itong gumagapang patungong utak. I felt a pang of pain inside my head, sa kabila ng madaming buwan ay bumalik nanaman ang pakiramdam na parang minamartilyo ako sa bunbunan. Unwanted memories came flooding by. I became overstimulated and find myself screaming like a lunatic.
Nagsigawan ang mga taong pumasok sa banyo subalit hindi ko inabala ang sariling huminto. Ang gusto ko lang ay maibsan yung sakit ng ulo, dibdib, at hilam ng sikmura ko.
"Putangina! Putangina! Putangina!" Hindi ko marinig ang sariling boses dahil mas malakas ang mga umuugong sa utak ko. I tossed my body around the four cornered cubicle. Tumama ang ulo ko sa matigas na dingding at pintuan, nasipa ko ang toilet at nadulas dahil sa kumalat kong suka. Parang nabalian ako ng buto nung maramdaman ko ang pagbangga sa bakal. Umecho ang palahaw ko sa malamig na lugar.
M-mababaliw ako..."Yung g-gamot ko..yung gamot ko.." tagaktak ang pawis at nangingisay ang mga kamay na binuksan ang pintuan. Natigagal ako sa kinatatayuan nang bumungad sa labas ang likuran ng isang babae.
E-ella.. I couldn't bring myself to say the name of girl I've been trying to erase. Bumaligtad ang sikmura ko at nilulon pabalik ang nagbabadyang likido. It wasn't just a vomit this time. Lasang malansa at bakal ito. Nakita ko sa salamin ang repleksyon kung paano tumulo ang mapusyaw na dugo sa aking bibig.
"Kisenya," mabagal nitong ani. Sumura ang mukha ko nang matunugan ang hindi padin nagbabagong prunansasyon ng pangalawa kong pangalan. Isa lang ang alam kong tao na tumatawag sa akin 'non. Naikuyom ko ang kamao at lakas na tinitigan pabalik ang mga mata ni Ella sa repleksyon ng salamin.
The sound of water dripping from the faucet became shallow when she rotated it. Her eyes didn't leave mine. Nangingitim na ang labi ko at pakiramdam ay mawawalan ako ng malay ngayon din.
"You've dyed your hair." puna ni Ella. Nanatili siyang nakatalikod sa akin. Tanging salamin lang ang nagsisilbi para harapin namin ang isa't isa.
"Your hair was pretty back then." dugtong niya pa.
"E..ella.." saying her name left a bitter taste in my mouth. Pinunasan ko ang dugo sa bibig gamit ang likod palad. Huminga ako ng malalim bago maglakas loob na sabihin ang matagal nang gumagambala.