BLUE

452 7 7
                                    


Psychopath huh. Maybe that was too much..




Alam kong may issues sa pag-uugali ni Krius pero sapat ba iyon para idescribe siya ng ganyan? Gusto kong malaman ang rason kung bakit puro negatibo nalang ang naririnig ko tungkol kay nerdy. Even Peyton are talking shit about him. But I think this is not the right way. That's why I'm not going to entertain River and my curiosity tonight. If I'm curious, then I will confront Krius myself once he get back.





"Krius is treating me good. He's a decent guy." inalis ko ang pagkakasampa ng mga binti kay River at tumayo na. He just silently looked up to me, malayo ang tingin at tila malalim ang iniisip.




"I'm glad to hear that. I guess it's true that people changed." River's voice sounded empty. He immediately snapped out of it and also stand up. Pinasok nito ang magkabilaang kamay sa bulsa ng slacks at malamlam na ngumiti. Nasinagan ko ang kaunting lungkot sa mata nitong agad din naman nawala.





"May motor ako. Hatid na kita." anyaya niya. Hindi ko na ito tinanggihan pa dahil kuripot ako sa gagastusing pamasahe. Nagsalubong nga lang ang kilay ko nung makita ko ang motor ni River. Sumampa siya dito at mayabang akong nginisian.




"Ano pa tinitingin mo dyan? Get in, shawty. We're in for a ride." River shamelessly wiggled his eyebrows. Lagapak ang panga ko dahil ang tinutukoy niyang motor ay E-bike....Decolor at floral pa ang kurtina nito.





W-wala namang problema sa E-bike okay? Ang iniexpect ko lang ay maangas na motor din tulad ng style niya.




"Seryoso ka ba?" hindi ko padin makapaniwalang sabi. Pucha, naglabas na kasi siya ng susi.





"Grabe ka. Magpapahatid ka ba o hindi? Tss." offended niyang sabat. Nafeel bad ako kaya agad din na sumakay sa likod. Sumilip ako sa side mirror para sana humingi ng tawad dahil sa naging reaksyon ko. I might not be expecting his vehicle pero ang rude padin. Subalit nawala ang sinsero kong balak nang makita siyang nakadukdok at lumolobo ang pisngi, nagpipigil sa pagtawa.





"Hahaha! Biro lang!" hagalpak nito. Nanggigil ko siyang sinabunutan, walang pakialam sa pag aray niya.





"River! Putangina—"





"Niyo! Putangina niyo! Anong ginagawa niyo sa sasakyan ko!" Isang Ale na may bitbit na eco bag ang tumatakbo palapit samin. Umuusok ang tenga nito sa galit. Sumibol ang kaba ko sa dibdib samantalang si River naman ay mas nauna sa aking tumakbo.





"H-hala sorry po! Hindi po namin sinasadya!"





"Talaga lang ha? Lintek kayo! Haharapin ko mga nanay niyo!" masungit ang mukha nito. Bago pa man ako abutan ay may humila sa aking kamay. Inis na inis kong hinampas si River pero sumabay nadin sa pagtakbo.





"Gago kang pakshet ka! Tanginamo!" hinila ko ang kuntil nito pero ang loko mas lalo lang natawa. Kabagan sana siya sa katarantaduhan niya!





Buti nalang hindi kami hinabol ng Ale. Ayoko naman mauwi sa kung ano ang simpleng biro ni River. Speaking of this retard, hindi siya nagsisinungaling nung sinabi na may sarili nga siyang motor. It's a pure black kawasaki ninja na kanina pa pinagpepyestahan ng mga napapadaan. Maging ako kanina ay napahanga nung makita 'to. Hate to admit but River really has a good taste.






"Kasya ba tayo dito?" tanong ko. Yun nga lang kasi ay ang liit ng espasyong upuan. Kapag mga big bikes talaga ay pang isahang rides lang.






Kiss Me, NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon