VITAMIN SEA

336 9 3
                                    


"River...gumising ka na dyan." tinapik ko ang kanyang pisngi. Ang himbing ng tulog niya at talagang nakayakap pa si kupal sa aking bewang. Nasobrahan ata siya sa pagiging komportable ah.



I'm a light sleeper, naalimpungatan ako kaagad dahil sa ingay ng mga pasahero. Huminto nadin ang bus kaya nagsisibabaan na ang mga ito. Kami nalang ang nakaupo.




"Riverrr.." kinurot ko siya sa pisngi. He let out a small groaned. Iminulat nito ang mata at gumalaw sa aking hita, nakiliti ako kaunti dahil sa galaw niya.




River stared at me with half open eyes. Magulo ang kahabaan niyang buhok dahil sa paglalaro ko dito. Bangag ang lalakeng umahon sa pagkakahiga. I don't know if I'm going to laugh watching him sit there quietly while thinking about life. Ang layo ng tingin nito at parang nadelay ang braincells dahil bagong gising.




"C-cia, nakatulog ka ba ng maayos?" naningkit ang mga mata nito, struggling to see me without his glasses. Bakat pa sa isang pisngi ni River ang butones ng pantalon ko, naaawa tuloy akong sinuot sa kanya ang salamin.




"Yeah. Ikaw ba? Naenjoy mo unanin mga hita ko?" pangunguna kong asar.




River shut his eyes, nose turning pink that quickly spreads all over his milky skin. He shyly nod, "Y-yes.... they're soft."





"You know what else are soft?" panggagatong ko sa apoy. Lumawak ang ngisi ko dahil sa kalokohan. Confirmed, ako ang manyak sa aming dalawa.





"Definitely not my dick." diretsahan niyang sabi.





Nevermind. Hindi nga pala inosente itong si River.




"Ineng at Totoy, baka may balak pa kayong bumaba. Kayo nalang ang nandito." puna sa amin ng konduktor. Hindi ko namalayan na lumapit na pala ito, sinilaban ako sa hiya dahil baka narinig niya ang usapan namin. Narinig ko namang tumawa si River sa aking tabi bilang ganti. Umagang umaga, nakatanggap siya sa akin ng dapok.





Pagkababa ay sinalubong kami ng malamig na hangin. Tapat ng estasyon ay ang malawak na dagat. Napamangha akong pinagmasdan ito. Madilim dahil 3:00 AM palang subalit malinaw sa akin ang kagandahan ng lugar. The morning stars reflected beautifully above surface of black sea. Banayad ang mga alon at malaya kong nalalanghap ang maalat na hangin.




I've been wanting to go at the beach. Mahigpit kong nayukot ang suot na jacket dahil sa excitement. Ilang years na akong hindi nakakapunta sa dagat dahil wala akong budget, hindi ko din ito nababanggit kay Ciara dahil ayaw ko naman siyang kasama. Kaya inaya ko si Krius sa Boracay pag-uwi pero mukhang matatagalan pa naman siya. Atsaka, hindi ko din iniexpect na dito ako dadalhin ni River.




"Nakahanda na ang lahat, Sir Zi Jiang. Bakit ho pala kayo nag bus? May service—"



"Kuya, sabing River eh." pag apela ni River sa kausap. Para itong bata ngayon na nagmamaktol, lumapit ako sa kanilang dalawa ni Manong.




"Hello, good morning po." bati ko. May naghihintay kasi sa aming SUV pagbaba. Nginitian ako ni Manong at malisyosong tumingin pabalik kay River.




"Good morning din Madam. Artista po ba kayo?" pambobola nito sakin, bumulong pa nga ito kay River. "Sir, girlfriend niyo?"




"Hindi kuya, kabit lang ako." bulong pabalik ni River.




Akala ba nila hindi ko maririnig? River might be lowkey about it, but I can tell that he got lots of cash to burn. Mukhang nagtatrabaho din itong si Manong sa kanya, pareho silang sabaw mag-amo.





Kiss Me, NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon