DEJA VU

352 5 6
                                    


"Pag hindi ka tumigil kakatitig, mata mo naman ang isasahog ko dito sa sopas." Hinalo ko ang sabaw at pumamewang na hinarap si River. Kanina pa ito nakatulala sa'kin at hindi man lang tinago ang titig. Nako conscious din naman ako 'no! Atsaka, I'm not in my best right now. Pareho nga kaming mugto ang mata dahil palakasan kami ng iyak kagabi. Tumigil lang kami nung matakot dahil may pangatlong iyak na sumabay samin. May humihingi ata ng hustisya sa building na'to...


Ngayon ay madaling araw, maaga daw ang pasok ni River kaya pinaglulutuan ko siya ngayon ng sopas for his hangover. Ayan sige! Walwal pa!


"Para tayong mag-asawa, hehe." pagdedelusyon nito. Nangasim ang mukha ko sa kapal niya. Hindi ba siya kinikilabutan sa pinagsasabi? Naging close lang kami kaunti ay ganyan na ang eksena niya.



"Mag-asawa pala ah. Baka gusto mo maging battered husband?" Binato ko sa kanya ang isang pilas ng repolyo.




"Sabi sayo, kahit ano pa ang love language mo, tanggap ko." banat niya nanaman. I rolled my eyes at him. Sumandok nalang ako ng sopas for two person at inilagay iyon sa kitchen counter. Hindi pa nga namin nalilinis yung kagabi, nagkalat tuloy ang botelya ng beers at pinagkainang plato.




Nailapag ko ang sopas sa lamesa at saktong pagkaupo sa stool harap kay River ay may bigla akong naalala.




Our place and seats...are weirdly familiar.




Hindi lang pala ako ang nag-iisang umiisip 'non. Mabagal ngunit sabay kaming nag angat ng tingin ni River. Kumurap ako at ganon din siya.



When his face became flustered, nagsimula din masunog sa init ang mukha ko.




"E-ehem!" I awkwardly choked and tightly shut my eyes. Malaki itong pagkakamali dahil nung pumikit ako ay mas lalo naging malinaw ang pangyayari samin ni River dito kagabi sa kusina. Fuck! Hindi naman ako virgin pero bakit ako dinadapuan ng hiya?!





"M-may boyfriend ka nga pala," River puckered his lips, his cheeks are redder than apples. "Edi pwedeng boy best friend mo nalang ako? Pero dapat premium."




"Gago ka!" sa sobrang hiya ay nahampas ko na talaga siya. Malakas itong tumawa, pati ako ay idinaan nalang sa awkward na tawa ang kahihiyan. Kabanas ang lalakeng 'to. I don't like to admit pero naging less naman ang uneasiness na nararamdaman ko kay River. I could even say that my perception of him also changed after knowing that it's all misunderstanding. Hindi naman siya mahirap pakisamahan, ang dami niya kasing kagaguhan.





Sinuot ko ang damit kahapon na ngayon ay tuyo na. Parehas man kaming puyat ay ihahatid niya daw ako sa apartment ko.




"Hindi ka ba malelate nyan?" tanong ko. Pinabayaan ko na siya ang magsuot sa akin ng helmet.





"Itatanong mo pa talaga yan eh nakasakay ka na." pabalang niyang sagot sakin.




Wala padin talagang nagbabago sa gungong na'to. Lahat ba naman ng sasabihin ko ay sasagutin niya nang hindi maayos, kung hindi sarcastic ay babanat naman. Personality niya na nga din ata ang pagiging dirty minded. Alam niyo yung mahiyaing bastos? Ganyan yan siya. Tapos kapag pinatulan, mas dadaigin pa ang kamatis sa pula.




"Don't press your boobs too much on my back. Baka maituloy natin ang part two kagabi." ngising aso nito. Sumakay nadin siya sa motorsiklo.




Ako pa ang hinamon niya. Yumakap ako sa kanyang likod at idiin ang dibdib. Mabilis napawi ang angas nito nang sadyain kong bumulong sa kanyang tenga. "Hm? Looking forward to it."




Kiss Me, NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon