SUPPOSED

351 5 2
                                    



When you're a kid, you're supposed to see the world with bright colors and rainbows.



When you're a kid, you're supposed to be excited playing with your friends.





When you're a kid, you're supposed to smile a lot and annoy adults with your unpreventable joyous laughter.




When you're a kid..... You are supposed to daydream of what you'll become as adult.




When you were a kid, someone had probably asked you this.





"What do you want to be when you grow up?" the teacher has a charming smile, asking his students one by one. Nagsimulang tumayo ang batang lalake na nakaupo sa unahan. Pinaglalaruan nito ang daliri at nahihiyang sabihin ang sagot sa harapan ng mga kababatang kaklase.




"U-uhmm..I want to be a pilot.." mahina nitong saad.




"Alright! Liam wants to be a pilot! Nakakabilib naman, wag mong kakalimutan si teacher pag naging piloto ka na ah?" tumawa ang guro. Sa ipinakita nitong bilib ay ginanahan ang kanyang mga estudyante. Nabuhayan ang klase at mabilis silang nagtaasan ng kamay para ipagyabang ang mga naiisip na propesyong pangarap paglaki.





"Okay kids! Isa isa lang, start tayo sa harapan." pagpapakalma nito sa mga bibong estudyante. Sumunod ang pangalawang bata na tumayo, itinaas nito ang maliliit na braso sabay sigaw na gusto niya maging astronaut.





"Teacher! Gusto ko maging astronot! Sasakay ako ispeyship!"





Ang nasasabik nitong sagot ay nasundan pa ng karamihan. Nagkandaguluhan ang mga batang estudyante at nagsimulang umingay ang klase. Natutuwa naman na giniliw ng guro ang pangarap ng mga musmos. Subalit sa gitna ng masasayang tawanan at boses ay isang batang babae ang nag-iisa at tahimik na nakaupo sa dulong pasilyo. Kanina pa walang imik, ang mga bilugan nitong mata ay tahimik lang na nagmamasid.





Medyo may katabaan ang batang babae, natural na mapula din ang malambot nitong mga pisngi na tila nakakagigil kurutin. Sa katunayan, nasa nature nating mga tao ang maattract sa magagandang bagay. Bata man o matanda. Kaya unang kita palang ni Sir Chester sa estudyante niyang ito na mukhang manika ay nahulaan niyang madami itong magiging kaibigan. Kabaligtaran nga lang ang nangyari. Ilang weeks na ang nakalilipas nung magsimula ang klase, subalit ang manika niyang estudyante na ito ay palaging mag isa. Nagmumukmok sa gilid at walang kausap.





"Okay class. Tanungin naman natin si Vallencia." saad ni Sir Chester, ayaw niya kasing may naiiwan sa klase. Gusto niyang lahat ng estudyante niya ay nakikilahok sa tuwa. Mabilis namang nalunod ang silid aralan sa katahimikan, lahat ng mga mata ay nakatutok na ngayon sa pitong taong gulang na si Vallencia.





"Anak, what do you want to be when you grow up?"






If asked by that question, a kid is supposed to say something they find cool. Yung iba na walang maisip ay magsisinungaling pa at gagawa ng sariling sagot para makigaya sa mga kaedaran. That's because time flies quickly and everyone is in the rush. Ang mga bata ay nagmamadaling lumaki, at ang mga matatanda ay naghahangad ulit maging bata.





Mabilis ang takbo ng panahon para sa bawat isa. Ngunit para sa isang katulad ni Vallencia. Hindi niya na matandaan pa kung kailan nagsimulang tumigil ang oras.





"I...I saw a g-grandma hit by a truck.." mabagal na sambit ng batang babae. Napasinghap ang mga kaklase niya, maging ang guro. Naintindihan ni Sir Chester kung bakit mas tahimik si Vallencia ngayon. That must be traumatizing for a child, to see someone's life taken away at such a young age. Lumapit nalang dito si Sir Chester para suriin ang estudyante kung ayos lang ba ito. He might call her parents and excused her for today.






Kiss Me, NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon